Sir Elixyr's Punishment

2 1 1
                                    


Chapter 10:

Lakad takbo ang ginawa namin ni Fritz para makaabot sa Algebra Class namin... Halos mawalan na kami ng Hininga ng matagpuan naming nasa harapan na kami ng Aming Room....

"Haaa, Sy, ikaw na mag bukas!" hinihingal na utos niya...

"A-ayoko nga! I-ikaw nalang!" pagtanggi ko..

"B-bahala ka! M-mas lalo t-tayong malalate k-kung hindi mo yan bubuksan!" pangtatakot pa nya which is effective... Ayoko nang madagdagan ng minuto ang pagiging late namin!... Mas lalong malala ang parusa..

Dahan kung binuksan ang pinto ng kamatayan... Joke.. Ang pinto na kaharap nmin ngayon.... Nang tuluyan na nga itong mabuksan ay napatingin lahat ng nasa loob kabilang na si Sir Elixyr...

'Goodbye my lovely life'

"Miss Samonte and Miss Maceda! Your 20 minutes late!" agad na bungad sa amin ni Sir...

"Ahe-he S-sorry s-sir" paumanhin naming dalawa...

" You have 2 choices!...What do you want?! Detention or My punishment?!" pinalipi kami ni Sir.. Jusko ayoko ng Detention! Baka makasalamuha pa kami dun ng Gangster at baka mapatay kami dun!.. Or worst ma0agtripan saka Rapen! Oh nooo.. My virginityyyy

Nagkatingininan kami ni Fritz..

"Ano pipiliin natin?" bulong ni Fritz..

"Punishment nalang ni Sir, ayoko ng Detention" ako

"Ayoko din ng Detention, pero parang may masama akong pakiramdam sa  Punishment ni Sir" kinakabahang bulong nya

"Bahala na!" sagot ko...

"Ano na?!" nangagalaiting tanong nya sa amin.. Atat much sir?


"S-sir Punishment n-nyo po" nanginginig kung sagot sa tanong nya... Mabuti sana kung hindi masyadong mahirap ang ipapagawa ni Sir!...

"Hmm... Take a set Miss, your punishment well be said later after class, approach me at my Cubicle..." pagkasabe nun ni sir ay nakahinga kami ng maluwag... Hay salamat hindi masyadong galit si sir though sya ang Terror Prof namin...

"San ba kayo nanggaling?" bulong sa amin ni Rome...

"Ah, m-may inaasikaso lang si Fritz s-sa pagiging S-scholar nya" pagsisinungaling ko.. Hindi ako magaling sa pagsisinungaling.. Pero sinikap kung hindi kaduda duda ng bawat salitang aking binibitawan....Mukhang naniwala naman sla..


"Ah ganun ba" Richard...

Nakita kung parang hindi mapakali si Ezeriel at mukhang badmood, alam nyo na kung bakit... Naguguilt talaga ako sa ginawa namin sa kanya... Lalo nat kailangan talaga ng bawat isa ng Algebra book...


"Psst, Ezeriel, ano problema mo?" tanong sa kanya ni Fritz na parang wala syang alam though sya ang may pakana ng lahat...


"Ha? Ah nawala kase ang lintek na Algebra Book ko, Hindi pa hinahanap sa bawat isa ni sir kung sno ang wala dahil lintek, papalabasin ako ni Elixerios" sagot sa kanya ni Ezeriel... Gossh guilt is all over me!... Hindi ko alam kung bat ganyan ang tawag nila kay Sir Elixyr....

Inabot ko sa kanya ang Algebra book ko.. Nagtataka naman itong tumingin sa akin...

"You can have mine habang hindi mo pa nakikita ang libro mo" nakangiti kung sabi saka ibinigay uli ang libro...Hindi sya nakapagsalita... Medyu nangangalay na ang kamay ko saka nagsimula nang mag kekemi kulacha si Sir about sa Topic namin this Sem...


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

She's Freaking Possess With The Campus PlayBoy (Ongoing) (#PlayboySeries)Where stories live. Discover now