Chapter 24

98 5 4
                                    

" Time Travel Future Babies "
Chapter  24

°•Kyounako's Family•°

Nagising si kyounako pero wala doon ang mommy kinako nya. Nasa work pa. Si daddy kyousuke naman nya ay natutulog pa.

Hala.. pano na yan. Anong gagawin ni kyounako?

"Hmm..."

Nagpunta si kyounako sa kwarto ng daddy at mommy nya. Nakita nyang tulog pa si daddy nya.

"Daddi gutom na ko" mahina nyang sabi. Pero hindi sya narinig ng daddy nya.

'Eh? Bakit kaya hindi pa gumigising si daddy.. pagod siguro sya. Hayaan ko na nga lang sya matulog'

Sa isip isip ni kyounako.

Lumabas sya ng kwarto at dahan dahal sinara ang pintuan. Nagpunta sya sa kusina at naghanap ng makakain.

Hindi nya maabot ang lamesa kaya iniusad nya ang upuan para tungtungan yon.

Sa wakas. Naka akyat na sya ng lamesa. Ano kayang makikita nya doon?

'Hmm.. ano to?' Tanong ni kyounako sa sarili. Sinilip nya ang box at  nakitang may cookies na nakalagay sa plastic. Hinatak nya iyon pero hindi agad ito nabuksan.

'Hmmm...' pinilit nya paring buksan ang plastic pero ayaw parin.

Kinagat nya iyon at hinatak. Pero ng sandaling hatakin nya.

"Haya!" (Hala!)

Napahawak sya sa labi nya. Gulat dahil tumilansik ang cookies. Pinulot nya ang nahulog sa lamesa at nilagay ulit sa kahon.

Kumuha sya ng isa at sinara ang box.

"Hmm... milk naman.."

Bumaba sya ng lamesa pero nabitawan ag cookie. Agad nya iyong kinuha.

Hala sayang naman yung cookie. Ano kayang gagawin ni kyounako?

"Indi pa naman 5 checonds ih.."

Hinipan at pinagpag nya ang cookie. At nagtungo sa refrigerator.

Pfft. Oo nga naman wala pang germs.. *laugh*

"Milku.. milku.. kyo-uko milku" kagat kagat ang cookie. Binuksan nya ang ref at hinanap ang milk.

At ng makita na nya nilagay nya iyon sa may lamesa.

Kumuha ng baso at nagsalin.

Yey! May almusal na si kyounako! Hooray!

*nagising si kyousuke*

Nakita nyang naglalaro na si kyounako

"Kyouko.. kumain ka na ba?" Tumango si kyounako.

"Hmm.." pumunta si kyousuke sa kusina at nakita kung gano iyon kagulo. Ang upuan wala sa pwesto. May mugmog ng cookies sa lamesa at baso ng gatas na may tapon. Gatas na hindi nakatakip. At may cookie rin sa may gilid. Hindi siguro nakita ni kyounako nung nahulog.

"Bakit malamig dito?"

Taka nyang tanong. Hala!

Naiwanan yata ni kyounako na bukas ang refrigerator!

Napasapo ng ulo si kyousuke.

What a good morning for kyousuke.. pfft

@ Neechan

Time Travel -Future BabiesWhere stories live. Discover now