Chapter Two

3 3 0
                                    


Napabalikwas ako ng upo mula sa pag kakatulog dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya naman medyo umalon pa ang paningin ko.

Dumiretso na ako sa banyo, sa labas pa ng kwarto dala ang roba para maka ligo. Iisa lang kasi ang ang CR dito sa unit namin. Nadaanan ko naman si Windee na nag luluto na ng breakfast. Kumaway lang ako at itinuro ang CR.

Nakatulong ang malamig na tubig upang gisingin ang tulog ko pang diwa. Nang nakalabas na ako ay tapos na rin mag luto si Windee.

"Charan! New dish na natutunan ko, I'm so proud of myself!"

Tumalon talon pa siya at natawa naman ako. It's a pork dish, manipis ang hiwa at may malapot na sauce. Dagdagan pa ng presentation kaya lalong nakakagutom.

"Wow! Mukhang masarap, Dee!"

Tinikman ko ang sauce at talagang masarap nga. Pwede ng i-ulam!

"Saan mo natutunan? "

"Oh well, social media my friend.. Wait maliligo lang ako ah, hintayin mo ko baka lantakan mo na. Haha"

"Oo, huhugasan ko na lang muna lahat ng ginamit mo para malinis bago tayo umalis"

Pero bago ko ginawa yun ay sinuklay ko muna ang buhok ko habang naka roba pa para matuyo-tuyo na mamaya. I don't really like wet hair.

Nang matapos akong mag hugas ay rinig ko pa din ang pag birit ni Windee sa sa CR tanda na hindi pa siya tapos. Umupo muna ako sa high chair at kinalikot ang phone ko. Maaga pa naman kaya ayos lang 'to.

Biglang nag vibrate ang phone ko mula sa isang mensahe. I opened it and saw my Mom's message.

Mommy: I've miss you, honey. When will you be home?

Saglit akong nag isip kung ano bang dapat kong isagot. They knew what happened between me and my sister, of course. And mom knew why I am far from home.

Hindi ako agad naka isip ng isasagot. Sa loob loob ko, ayaw ko munang umuwi sa totoo lang. Kahit pa na mi-miss ko na rin sila, lalo na at ang daming bagay na tumatakbo sa isip ko nang dahil sa mga nangyari.

Ako: Good morning mom. I've miss you too, kayo ni Dad. Busy lang po sa trabaho.

Mom: But you will be home again right? Sweetie?

Ako: I'll find time mom. See you soon. Love you.

Mom: Alright, just eat on time and take care of yourself. I love you.

Hindi ko na nireplyan pa si mommy. Doing so will only lead to her dialogue how she badly misses me and that I should just go home so she could take care of me before I went to work. I love that too. And I miss it so much. I just don't wanna ruin my morning with my teary eyes.

Windee's phone vibrated and it shows Tita Glen contact name. We just talked last day. May problem kaya si Tita to call at this early? Oh, well. Magkaiba nga pala ang oras namin.

Ayos lang naman kung ako ang sasagot dahil lagi naman kaming dalawa ni Windee ang kinakausap niya.

I swiped the answer button nang biglang natumba ko ang baso kaya napagilid ako sa camera. Nang naitayo ko na ito ay humarap agad ako sa cellphone at na istatwa ng hindi si tita Glen ang nakita ko.

His thick eyebrow lined with confused look matched with his dark piercing eyes. His nose is well pointed and his lips is in grim line. It is like he is finding a hard time knowing who is me.

"Ah- uhm. Who are you? "

I asked cluelessly and at the end found it sounds stupid .

"Who. Are. You? "

NYCTOPHILEWhere stories live. Discover now