'Balewala'

1 0 0
                                    

"Balewala"

Mahal kita Pero binalewala mo
Mahal kita Pero hinayaan mo ko,
hinayaan mo Kong masaktan ng dahil sayo mismo
Mahal, naalala mo pa ba yung sinabi mong "MAHAL KITA"

Pero bakit ngayon tila'y nagbago na
Dahil ba may bago na?
Binigay ko nang buo ang pagmamahal,
Binigay ko nang buo ang tiwala ko,
Pero lahat nang yon binalewala mo
Binigay ko ang oras ko sayo,
Pero anong ginawa mo, Mahal? Binalewala mo.

Hindi mo sinabing gawin ko,
pero nang dahil nga sa mahal kita, ginawa ko
Umasa akong pahalagan mo rin ang pagmamahal ko
Binigyan kita ng maraming pagkakataon
Para tumagal itong relasyong meron tayo.

Oo, hindi mo sinabing paniwalaan ko ang mga sinabi mo, Pero mahal nagbigay k ng motibo para maniwala ako,
Maniwala sa mga kasinungalingan mo

Mahal kita sobra Pero Kayla ko pa ba?
Pagmamahal aking binibigay para lamang sayo
Kapalit ay pagtulo ng aking luha
Sa tuwing sasapit ang gabi, Mahal? Kaylan mo kaya pahahalagahan pagmamahal ko sayo.

Spoken Word CollectionWhere stories live. Discover now