Prologue

6 2 0
                                    


Prologue.

"Kristine, lumaban ka. Diba sabi mo magpapakasal pa tayo? please, Kristine lumaban ka." Naluluhang sabi ko habang nakahawak sa kamay nyang naka swero.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto ng ICU.

Si tita... Mama ng pinakamamahal kong babae.

"Ijo, umiwi ka muna, kumain ka muna at magpahinga." Nakangiting sabi nya.

"Sige po tita." Dina ako umangal kahit ako sa sarili ko ay alam kong pagod na pagod na din ako. Marahas muna akong humalik sa noo ni kristine.

"Baby, pagaling ka. lumaban ka ha? uuwi lang ako saglit. kukuha lang ako ng mga gamit tapos babalik ako kaagad. Wag kang bumitaw ha, magpapakasal pa tayo."

Bumaling ako kay tita at nakita kong nagpupunas siya ng luha.

"Tita, kayo po muna ang bahala dito." Sabi ko at tanging pagtango lang ang naisagot nya.

Paglabas ko ay dali-dali akong pumunta sa parking kung nasan yung kotche. Pagpasok ko ay agad kong hinampas yung manibela at umiyak. Parang waterfalls yung luha ko. Walang tigil. Tangina.

Dina ako nag tagal at agad kong pinatakbo ang kotche papunta sa bahay. Dahil sa bilis ng pagmamaneho ko, wala pang trenta minuto ay narating ko na ang bahay.

Wala sila mama at papa, nasa business trip na naman ata. Yung mga kapatid ko din ay wala sa bahay.

Pumunta ako sa Bar island namin at tumagok ng alak. Wala akong ibang inisip kundi si Kristine, ang pinakamamahal ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nag ring yung phone ko. Si Tita...

Medyo di maganda yung kutob ko dito. Lord, wag naman sana.

"I-ijo...Si K-kristine.....W-wala na...."

Putangina....

Nabitawan ko ang phone ko at dali daling pumunta sa kotche para pumuntang hospital. Wala akong ibing inisip kundi si Kristine na naman. Si Kristine na wala na.

Pagdating ko ay diko na park ng maayos ang kotche ko at tumakbo ng mabilis papunta sa ICU kung kailan ko iniwan si Kristine at Tita.

Kristine... Nakita ko si Kristine na walang ng buhay..

Hinawakan ko ang kanyang kamay na malamig at inilagay sa pisngi ko.

"Ang daya mo Baby, diba sabi mo magpapakasal pa tayo? ikaw nagsabi nun! pero ikaw din yung sumira...." Nagsiagusan na naman ang mga luha ko.

"Hanggang kabilang buhay, ikaw parin ang mamahalin ko. Tatandaan mo yan, mahal na mahal kita. Hanggang kabilang buhay..."

KABILANG BUHAY(ON GOING)Where stories live. Discover now