Chapter 3

1.2K 22 0
                                    

'MAY tao po, Ma'am. Hinahanap kayo.'
Takang napatitig siya sa katulong. Kung may nagiging panauhin sila ay sinasabi agad nito sa kanya kung sino. Ibig sabihi'y hindi kakilala ng maid ang dumating.
'Babae o lalaki?'tanong niya.
'Lalaki, Ma'am.Tatlo sila.'
Nag-iisip na umalis siya ng kama. Ilang araw na siyang nagmumukmok sa silid mula nang mailibing ang ama. Parang hindi pa niya matanggap na ulila na siyang lubos.
'Pinapasok mo?'tanong niya habang naghahanap sa closet ng damit na maaari niyang maisuot nang mabilisan. 'Hindi, Ma'am. Nasa may gate lang.'
'Tama. Baka mamaya'y mga masasamang tao iyon na gusto lamang tayong pasukin. Sige, lalabas na ako.'
Nauna nang lumabas ng silid ang katulong.
Madalian siyang nagbihis at sinuklay na lamang nang bahagya ang buhok. Tinungo niya ang salas at mula roon ay sinipat muna nang palihim sa bintana ang mga panauhin.
Tatlong lalaki nga na nasa katanghalian ang mga gulang. Hindi naman mga tipong masasamang tao dahil maaayos ang mga kasuotan at may dalang sasakyan, nakaparada sa harap ng gate.
Pero naisip din niya, hindi naman komo maayos manamit at may sasakyan ay hindi na masamang tao. Lumabas siya ng bahay at kinausap ang tatlo sa may gate.
'Yes?'pormal na tanong niya.
'Miss Laarni Marasigan?'tanong ng isa. Sa tonong parang kilala naman talaga siya.
'Yes,'hindi binabago ang ekspresyon ng mukha na sabi niya.
May inilabas na tila mga papeles ang lalaki, iniabot sa kanya.
'Ano ito?'maang na tanong niya.
Kasulatan... katunayan na ang kotse mo 'ang kotseng iyon"at itinuro pa ng lalaki ang kotseng nasa loob ng bakuran, "ay ibinenta na sa amin ng iyong ama!'
HINDI iyon ang unang shocker.
Shocker ang itinawag niya dahil talaga namang gumimbal sa kanya. Hindi niya halos mapaniwalaan.
Ang sumunod ay ang negosyo nila.
Ganoon din. May mga tao ring lumapit sa kanya na nagsasabing naibenta na 'nailipat na 'ng papa niya sa pangalan ng ganito at ganong tao, ang karapatan sa pagmamay-ari.
Bineripika niya ang katotohanan. Hindi lamang ang sariling abogado nila ang kinonsulta niya, may iba pa. Lahat ay nagpapatunay na legal ang hawak na kasulatan ng mga taong nagki-claim na ibinenta na nga roon ng papa niya ang negosyo nila.
'H-he must have a reason,'litong sabi niya nang huli silang magkausap ni Attorney Morgan, ang kanilang abogado. 'B-baka ipinundar niya sa ibang negosyo ang pera at"
'As far as I know, wala siyang ibang sinimulang ibang negosyo,'malungkot na sabi ng matandang lalaki.
'Pero saan niya dadalhn ang"
'Nilusaw niya ang inyong pera at mga ari-arian nang unti-unti, Laarni.'
Maang na napatitig siya sa abogado.
Napapailing na yumuko ang lalaki, waring may gustong sabihin sa kanya pero nagtatalo naman ang isip kung gagawin iyon o hindi.
'May alam ka ba sa nangyari sa Papa, Atorni?'naguguluhang tanong niya.
'I... I tried to put ome sense into his head...'Umiiling pa rin ang matandang abogado.
'What really happened, Attorney?'mainit nang tugon niya.
Matagal siyang tinitigan ng lalaki. 'Your father became a compulsive gambler, Laarni. Isinugal niya lahat ng kabuhayan n'yo.
'N-no...'
'It's the truth. Hindi mo lamang namamalayan dahil ayaw niyang mamalayan mo. Pero ang totoo, lahat ng tinatamasa mo pa nitong mga nakaraang araw ay huwad na karangyaan na lamang, Laarni. Literally, you got nothing more in your name, young lady.'

Hindi Huwad ang Pag-ibig koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon