closer you and i

4.4K 115 1
                                    

den's POV

pauwi na kami ng bahay ni LA. 

LA: love okay ka lang ba?

den: oo naman.

LA: parang kahapon ka pa matamlay.

.

gusto ko sana siyang sagutin na pinauwi mo kasi kahapon si aly, panong hindi ako mananamlay?

.

den: okay lang ako. napagod lang siguro.

LA: cmon love, ilang araw ka nalang dito, sulitin naman natin.

den: ano pa bang sulitin. eh eto na nga at magkasama tayo di ba?

LA: whoa! relax. what i meant was lets go somewhere.

den: im tired.

LA: oh sige. bukas na lang.

den: san tayo pupunta.

LA: basta.

.

kinindatan ako ni LA pero walang magic, baka kung si aly ang gumawa nun. mahimatay pa ko sa kilig,

.

pumikit na lang ako at natulog dahil ang utak ko ay andun na sa bahay, kung nasaan si aly.

.

.

.

.

excited akong bumaba ng sasakyan ni LA. hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.

.

agad na hinanap ng mata ko ang kanina pa nito gustong makita pero bigo ako. lalo na ng makita ko na wala ang sasakyang minamaneho ni aly sa garahe.

den: tutulog  muna ako ha? napagod ako eh.

LA: pero love..

den: masama pakiramdam ko.

LA; haaay.. sige pahinga ka na muna. magpapadala ako ng mainit na sabaw sa kwarto mo.

.

walang gana akong dumapa sa kama at pinilit matulog. hindi ko na maikakaila ang puwang ni aly sa puso ko. gusto ko na siyang makita agad.

.

nasan kaya siya ngayon?

.

.

nakatulugan ko na ang pag-iisip na yon. 

.

.

.

.

nagising ako sa mahihinang tapik sa aking braso. at para bang nananaginip ako, si aly ang tumatapik sakin.

aly: gising na den. nagluto si manang ng sopas, sabi kasi ni sir LA, maysakit ka daw.

den: aly ikaw ba yan?

aly: oo ako to. sino pa ba?

.

napangiti ako. hindi nga ako nananaginip. siya nga ang nasa harapan ko.

.

tinulungan akong bumangon ni aly.

aly: wala si sir LA, pinatawag ng papa mo. sabi niya sakin, alagaan muna daw kita.

den: talaga? aalagaaan mo ko?

aly: oo naman.

 kaya eto, bukas ng bibig.

.

sinubuan ako ni aly. para bang hindi sopas ang nalalasahan ko dahil matamis ang nalalasahan ko. epekto lang na si aly ang nagsusubo.

.

pinainom din niya ako ng paracetamol. pagkatapos kong uminom ng gamot ay tumayo na siya at akmang maglalakad na papunta sa pinto.

den: oh, san ka pupunta?

aly: eh kailangan mong magpahinga. kaya aalis na muna ako.

den: wag kang umalis. dito ka lang.

aly: pero.

den: please?

.

narinig ko ang buntung hininga ni aly bago siya humila ng upuan malapit sa akin at umupo doon.

den: oh bat ka dyan nakaupo?

aly: eh alangan namang tumabi ako sayo?

den: paano mo ko maaalagaan kung hindi mo ko tatabihan?

.

ngiti lang ang naging tugon ni aly. maya-maya pa ay tumabi siya sakin.

.

hindi ko inaasahan pero inaakbayan niya ako habang parehas kaming nakasandal sa headboard ng kama.

aly: hindi ka naman magagalit na akbayan kita diba?

den: no, hindi ako magagalit.

.

ang ginawa ko ay yumakap ako sa bewan niya. kung may makakakita samin, sasabihin ang sweet namin. hindi ko nga alam. pero sa babaeng ito, kaya kong gawin ang lahat kahit hindi ko alam kung ano ang nararamdaman nya para sakin.

aly: alam mo bang ikaw pa lang ang pangalawang babaeng tiningnan ko ng ganito?

.

nakakunot ang noo ko ng tumingala ako para tingnan siya.

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Where stories live. Discover now