PROLOGUE

6 1 0
                                    

Isang korona na itinago sa isang liblib na lugar, sinasabing ang koronang ito ay may sumpa ng isang demonyo. Isang koronang naimbento ng isang hindi ordinaryong tao, sinasabing ginawa niya ito upang maipaghiganti ang kanyang kakambal na namatay dahil sa kasakiman ng mga tao. Sinisisi niya ang mga tao sa pag kamatay ng kanyang kakambal. Itong koronang ito ang nakapagpabago sa antas ng pamumuhay ng mga ordinaryong tao, bawat tao ay naghahangad na masuot ang koronang ito dahil sa kakayahang mapaganda ang kanilang pamumuhay, ngunit hindi lingid sa kaalaman ng mga taong iyon ay may higit na kapalit ang magandang estado ng kanilang buhay.

Isa na dito ang pamilya ni Wren Amelia Peralejo.

Isa sa mga mahihirap na pamilya ang pamilya ni Wren, isang beses sa isang araw na lang sila kung kumain, apat silang magkakapatid si Wren ang panganay, siya na lang din ang nagaaral. Estudyante sa umaga taga tinda ng balot sa Gabi, umulan man o hindi makikita mo siya sa plasa at doon nagtitinda.

Hanggang sa dumating ang araw na natuklasan nila ang tungkol sa mahiwaga daw na korona.

Ano kayang mangyayari?

Makukuha niya ba ang koronang inaasam ng nakararami?

Totoo kaya ang sumpa o haka haka lamang nila?

Sasabihin ko na ba? O ikukuwento ko pa? Pero, tinatamad ako eh. Pero dahil malakas ka saken ikukuwento ko na bahala kang mahirapan kababasa ginusto mo 'yan eh.

Evil CrownWhere stories live. Discover now