KABANATA ISA

5 1 0
                                    

"TRISHAAAAAAAAAAAA!!!!" Mahaba at malakas na tawag ko sa kapatid kong si Trisha.

Nawawala na naman kasi siya, kung sa'n na naman nagsuot. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya matagpuan isang lugar na lamang ang hindi ko napupuntahan at kapag wala pa siya roon ay tama ang kutob kong pinagtataguan ako nito. Huwag lamang siyang magpapakita, makakatikim siya ng kaltok d' kalimot.

Pumunta na ako sa lugar na 'yon at nanlumo dahil wala doon ang hinahanap ko, wala doon ang kapatid ko. Pinagtaguan na naman nga ako.

"TRISHAAAAAAAAAAAA!! LUMABAS KA NA! ISA PANG TAWAG KO'T HINDI KA LUMABAS ISUSUMBONG KITA SA MAHAL NA REYNA!" Pagbabanta ko pero walang lumabas na Trisha. Hindi na naman natakot sa banta ko palibhasa'y alam niyang hindi ko gagawin. Sino ba naman kasi ang matinong kapatid ang magsusuplong at ipapahamak ang kanyang pinakamamahal na kapatid? Wala naman hindi ba? Pwera na lamang kung may alitan sila.

"Oh, trishaaa! Lumabas ka na! Napipikon na ako!" Totoo ang sinabi ko, nagtitimpi lamang ako at kapag hindi ako nakapagpigil ay baka... Wala lang baka lang yung nasa palayan ba yung kumakain ng damo tas nilalabasan ng gatas. Hindi ko kayang saktan iyang babaeng iyan kahit napakatigas ng kanyang pagmumukha. Kahit anong pagkapikon ko sa kanya, hindi ko siya magagawang saktan. Babae siya kapatid ko pa. Hanga lang ako sa mga lalaking nagagawang saktan ang mga babae at higit pa do'n kapatid pa nila. Isa lang masasabi ko, napakatigas talaga ng ulo ng kapatid ko, iyun lang tapos na.

"TRISHA! ISA PA TALAGA!" Sigaw ko pa muli at ayun ang magaling kong kapatid, lumabas sa likod ng malaking puno. Magaling, hindi talaga makikita dahil mapayat siya tas mataba ka pa este iyung puno mataba. Tumatawa pa ang batang ito, akala naman niya nakakatuwa ang pinaggagawa niya, hindi niya alam malapit ko na siyang batukan.

"Kambal, napaka init na dumagdag pa iyang ulo mo baka sumabog ka." At nang-asar pa. Tinignan ko naman siya ng masama handa ng sumugod. Estasektu mga kawal! Hataide hathoria! Agtu!!! Wala namang ganyanan author. Alam naming idolo mo ang encantadia, baka naman 'wag mo na idamay istorya ko. Edi 'wag.

"Bakit mo ba ako pinagtataguan, babaitang maliit?" Tanong ko sa kanya at iniikot naman niya ang kanyang mga mata. Dukutin ko kaya mata niya? Biro lang, baka hindi ako tanggapin sa taas.

"Ayaw kasi kita makita, ang sagwa ng itsura mo." Natatawang biro niya. Nanlisik naman ang mata ko.

"Woi, para sabihin ko sa iyo magkakambal tayo, at magkamukha tayo kaya kung masagwa ang mukha ko edi ganon din ang sa iyo."

"Woi tanithmetil, para sabihin ko din sa'yo mukha kang kawayan na tinubuan ng mukha!" Sigaw niya at saka tumatawang tumakbo.

"Bawiin mo yun! Batang maliit!" Sigaw ko din at hinabol siya. Ang bilis niya tumakbo hindi ako makaabot. "Tama na, napapagod na ako." Sabi ko at saka tumigil katatakbo. Yumuko ako at humawak sa magkabila kong tuhod at sa gano'ng puwesto naghabol ng hininga.

Naramdaman ko naman ang paglapit ng kakambal ko at bago pa man niya ako mabatukan, umiwas na ako at saka ko hinuli ang pulsuhan niya. Binitawan ko din naman agad iyon.

Tahimik kaming naglalakad pauwi sa aming tinitirhan. Hinihingal pa din ako kaya hindi ko magawang magsalita at masabi sa kanya ang pakay ko, kung bakit ko siya hinahanap. At maya maya lang ay nagusap na siya, hindi na ata siya hinihingal sa bagay gano'n na din naman ako, ilang minuto na din naman ang lumilipas.

"Bakit mo nga pala ako hinahanap?" Tanong niya ng hindi tumitingin sa'kin.

"Baka kakain na tayo? Baka anong oras na? Baka nagugutom na ako at ikaw ay patago tago lamang dahil hindi makaramdam ng gutom?" Sarkastikong sagot ko, iniikot niya na naman ang kanyang mata.

"Pwede namang sabihin na 'kakain na tayo' andami dami pang alibay." Pabulong niyang sinabi at dahil malakas ang pandinig ko, narinig ko ang mga sinabi niya.

Piningot ko ang kanyang tainga habang nagsasalita. "Napakagala mo kasing batang maliit ka, nagluto lamang ako saglit nawala ka ka'gad, saka ka bubulong-bulong na akala mo naman ay hindi ko maririnig." Saka ko lamang binitawan ang kanyang tainga matapos kong sabihin ang linyang iyon. Ngumuso naman siya na parang bata at saka hinimas himas ang namumula na niyang tainga.

Hindi naman madiin ang pagkapingot ko, sadyang matagal lang. Mamatay na tumahol, dahil ang sabi ko kanina'y hindi ko siya kayang saktan. Ang ibig kong sabihin doon ay hindi ko siya kayang suntukin, sabunutan, iuntog sa pader, at kung ano pang brutal na gawain. Hanggang pingot lang ako, hindi pa madiin kaya huwag ka na tumahol papakainin kita ng tae.

Nandito na kami sa aming tahanan, dumako na kami sa hapag kainan at nagsimula ng kumain.

Dalawa lamang kami dito sa bahay dahil nga pumanaw na daw ang aming ina dahil sa hirap ng panganganak sa'min at sumama naman ang aming ama sa kasintahan niyang taga-lupa. Wala na din iyong nag-alaga sa amin namaalam na din.

Nang matapos kaming kumain, tumayo na ako at iniligpit ang aming pinagkainan. Siya ang maghuhugas nito,

siya naman talaga ang taga-hugas ako taga-luto. Paminsan-minsan naghuhugas din naman ako. Kapag sinipag nga lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Evil CrownWhere stories live. Discover now