Part1: Clara

3 2 1
                                    

"Clara! Clara! ija" dahan-dahang tapik ng tiya Elisa nya.

"Umuwi ka na at ng makatulog ka ng maayos ilang gabi ka ng puyat sa pag babantay sa tatay mo dito sa ospital, ako na ang bahala dito at baka mag kasakit ka pa nyan" buong pag alalang sabi ng kanyang tiyah

"Pero tiya Elisa nakakahiya naman po sa inyo may mga anak din po kayo na kailangang intindihin"

Wag ka mag alala ija malalaki na ang mga yon kaya na nila ang mga sarili nila at isa pa kapatid ko si kuya kaya dapat ay tumulong din ako sa kanya "nakangiting sabi ng kanyang tiya".

O sige po tiya maraming salamat po.Papaalam na muna ako.

Kahit nasa bahay na ay hindi pa rin mawala sa   isip nya ang maaring mangyayari sa kanya kapag nawala ang kanyang ama "siguradong di ko kakayanin kapag nawala sya" bulong nya sa kanyang sarili. Nag iisang anak si Clara ng pamilya Acuzar maganda ito ,mabait at higit sa lahat may delikadesang iniingatan karamihan sa mga kalalakihan ay pinangarap na mapangasawa siya ngunit ni wala sa kanila ang pumasa sa mataas na hangarin ng kanyang mga magulang para sa kanya.Ang kanyang mga magulang ang sumasala sa bawat binata na nanliligaw sa kanya ang may angat sa buhay ang talaga namang malapit sa mga puso nito.Walang reklamo si Clara sa nagiging sistema ng kanyang mga magulang para sa kanya ay normal lang ito dahil alam nila ang ikakabuti ng kanyang buhay .Halos tatlong taon na rin ang nakakaraan noong namatay ang kanyang ina sa breast cancer labis itong ikinaluksa ng kanilang pamilya ,sinisisi niya ang kanyang sarili dahil wala manlang syang naitulong noong mga panahong nag hihirap ang kanyang ina sa sakit na naging sanhi ng kanyang pag kamatay ,kaya't gagawin niya ngayon ang kanyang buong makakaya upang maisalba ang buhay ng kanyang ama at para din makabawi sa pag hihirap nito sa trabaho.

Malikot ang kanyang isip at pilit na ipinipikit ang kanyang mga mata ngunit di sya madalaw ng antok isang oras na syang nakahiga pero walang nangyayari isang malakas na katok ang bigla na lang nag pabangon sa kanya, tumayo siya at dali dali binuksan ang kahoy na pinto ng kanilang munting bahay, bumungad ka kanya ang kanyang malapit na kaibigan si Lorie mukha itong nag-aalala sa kanya"oh Lorie bat ka napadalaw"pagtataka niya "Nabalitaan ko na dinala pala ang iyong itay sa ospital kaya dali-dali akong nagpunta sa inyo para kamustahin ka, alam kong nag-aalala ka ng husto sa kanya"paliwanag ni Lorie habang halatang-halata sa mukha niya ang pag aalala , Si Lorie ang pinakamalapit sa lahat ng kanyang mga kaibigan sa lugar na iyon, dito niya nailalabas ang mga sekreto at hinanakit na kanyang nararamdaman ito, din ang lagi niyang kasama sa pag lalaba sa ilog pati na rin sa paliligo kaya nabuo talaga sa kanila ang tunay pag kakaibigan.

Ilang linggo na ang nakakalipas at hindi pa rin bumabalik sa normal ang kanyang ama unti-unti ng nauubos ang kanilang ipon at wala pa silang maaring pag kunan ng pera.

"Tiya luluwas po ako ng Maynila" sabi niya habang nag-puputol ng mga sitaw para sa kanilang tanghalian.

"Abaa parang biglaan naman ata ang desisyon mo ija" gulat na tanong ng kanyang tiya Elisa .

"Naisip ko lang po kase na sa susunod na mga linggo ay wala na tayong pang-gastos para sa pang paospital ni tatay , luluwas po sana ako para maghanap ng trabaho" paliwanag ni Clara.

"Ikaw ang bahala ija tutal malaki ka naman eh kaya muna ang sarili mo mag iingat ka na lang ng husto  maraming loko-loko sa Maynila".

"Kailan mo balak umalis?" bukas na po sana sagot ni Clara
Ah sige pupunta ako ng bayan upang bumili ng suman na babaunin mo paalis.

Kinabukasan ay maagang nagising si Clara nag empake na sya ng mga gamit na dadalhin paalis maaga dapat upang makahabol sa first trip ng bus, bago umalis ng bayan nila ay dumaan muna sya sa simbahan upang magdasal at gabayan sya ng Dyos sa kanyang pag lalakbay pag katapos noon ay sa ospital ang kanyang tuloy upang makapag paalam sa amang nakaratay sa kama ng ospital , tulog ito ng kanyang maabutan kaya ipinasabi na lang niya sa kanyang tiya na aalis na sya.
   
Dumating na ang unang bus kaya agad syang sumakay kasama ang iba't-ibang tao sa kanilang bayan ang iba'y may dalang malalaking maleta ,may bitbit na mga manok at iba't - ibang mga bagay .Tahimik syang umupo sa gitna ng bus malapit sa may bintana "di ko malilimutan ang masasayang araw ko dito sa bayan na ito" bulong na lang niya sa kanyang sarili habang dahan dahan ng umandar ang bus.

It's my first time writing a story hehe hope you'll all support me at dahil first time ko marami po kayong errors na maeencounter so please message me para mas maging better writer ako. Thank you in advanced.

A Filipina's LoveWhere stories live. Discover now