Part 2: Kapalaran sa Maynila

3 1 0
                                    

Inabot ng mahigit tatlong oras ang byahe mula sa kanilang bayan hanggang makarating ng terminal ng Cubao .Pag kalabas niya ng terminal ay bumungad sa kanya ang sa  unang  tingin ay ibang-iba ito sa lugar na kayang kinagisnan ,lugar na kung saan puro kalabaw,malawak na palayan at mataas na puno lang ang makikita samantalang ang nakikita nya sa  lungsod ay mga nag tataasang gusali iba't-ibang uri ng sasakyan at napakaraming kumpol ng tao ,parang nakakahilong pag masdan ang kanilang mabibilis na pag galaw.Inikot niya ang kanyang paningin at nag umpisang mag lakad kasabay sa direksyon kung saan ang karamihan ay papunta hinigpitan niya ng kapit sa kanyang bag, dahil kwento ng mga taga probinsya na naka gawi sa maynila ay marami daw snatcher na nag kalat dito kaya dapat mag ingat ng husto.

Patuloy syang nag lakad hanggang sa paunti na ng paunti ang kanyang nakakasabay ang iba ay nakakarating na sa kanilang paroroonan ngunit sya ay walang alam kung san ba sya dadalhin ng kanyang mga paa.

Ilang oras na niyang nililibot ang buong syudad ang kanyang mga paa ay napapagod na.Hanggang sa bumalot na sa kalangitan ang dilim ng gabi na sakto naman nasa liblib syang lugar ng lungsod wala masyadong ilaw sa paligid at iba to sa lahat dahil matahimik ang lugar.Kinakabahan na sya sa hindi malamang dahilan kaya nag lakad sya ng mabilis upang makaalis sa lugar na nakakatakot na iyon.Sa pag lalakad niya ay may nakasalubong siyan tatlong lasing na lalaki malalaki ang katawan nila at burdado ang katawan nilampasan niya ito ng naka yuko mara di sya makita ,aakalain na sana niyang nakaligtas na sya sa  nakaka kabang pang yayari na yon ngunit isa sa tatlong lalaki  ang naka pansin sa kanya "oii pare oh babae ang ganda"may halong pag nanasang sabi ng isa "miss ano pangalan mo?" Tanong ng ikalawa sa kabila ng mga pag papansin ng mga lalaki ay nanatili siyang kalmado kahit sa loob ng dibdib nya ay may malakas na tibok kalmado lang habang nag lalakad ng mabilis nakatungo at hindi lumilingon.

"Abaa pare ang bastos oh di manlang lumingon"asar na sabi ng isa .
"Tara puntahan natin" anyaya ng isa.

Kahit lasing ang tatlo ay mabilis pa ring tumatakbo ang mga ito papunta sa direksyon niya.Nung maramdaman niyang papalapit ito sa kanya ay kumuripas agad siya ng takbo.

Tumakbo sya ng tumakbo kung saan saan hindi sya pamilyar sa lugar kaya kung saan na lang sya napunta basta matakasan ang panganib ,nagtago siya sa may basurahan ngunit natuntun din siya ng mga ito.Idinikit ng isa sa kanila ang katawan ni Clara sa pader mukhang takot na takot ang babae habang hinahawi ng mga lalaki ang maitim at mahabang buhok sa kanyang mukha.

"Pare maganda naman pala eh bat ang suplada mo miss huh?".

"Pa-parang a-awa n-nyo na po pa-pakawalan nyo na k-ko!" nanginginig na boses ng babae habang unti unti nang may tumutulong luha sa kanyang mata.

Ngunit walang awa ang mga lalaki at ipinagpatuloy ang kahalayan ,kinuha ng isa ang bag ni Clara at hinalukay ito at ibinulsa ang hugis pusong kwintas na ipinamana pa sa kanya ng mga magulang nya samantalang ang dalawa ay abala sa kanya ,ang isa ang nag tatabon sa kanyang bibig samantalang ang isa ay hinahalikan ang kanyang leeg,patuloy pa rin ang kanyang pag iyak at nanalangin na sana ay iligtas siya ng Diyos.

Huhubarin na sana ng isang lalaki ang kanyang hanggang talampakang palda ng biglang may dumating na isang lalaki na nagmula sa dilim,tumatakbo ito papunta sa direksyon nila , habang papalapit ay unti unti niyang nababanaagan ang kanyang mukha at itsura nakasuot ito ng uniporme ng pulis at may hawak na baril, akmang tatakbo ang tatlo ng bigla silang tutukan ng baril "tigil" matapang na sigaw ng pulis. Itinaas nila ang mga kamay nila upang sumuko sa kina-uukulan,Labis ang kaniya saya no ,para syang nabunutan ng napakalaking tinik .Minasdan na lamang ni Clara ang tatlo habang sumasakay sila sa mobile ng pulis. Pagkaalis ng mobile ay tinanong siya ng pulis kung saan sya nakatira "Bago lang po ako dito sa Maynila kaya di pa ako masyadong pamilyar sa lugar at wala di po akong alam na  matutuluyan"paliwanag ni Clara .Ahh ganun ba?sumama ka sakin at sasamahan kita sa alam kong boarding house dito sa Maynila upang mag matirahan ka delikado mag pagala gala dito sa labas lalo na at babae ka.

Bago sumakay sa kotse ay inaabot ng pulis ang kanyang bag pati na rin ang gintong hugis pusong kwintas. "Bakit ka nandito sa maynila?" paunang tanong ng pulis bago umandar ang kotse .Nag baka sakali akong makahanap ng trabaho para sa tatay kong nasa ospital ahh sige . Nagsalamat sya kay surgeant Fernandez na tumulong sa kanya.

Makaraan ang halos labing isang minuto na byahe ay nakarating na sila sa sinasabi ni surgeant Fernandez ,apat na palapag ito at napapalibutan din ng mas matataas pang mga gusali.

Kumatok si sergeant sa pintuan at bumungad sa kanila ang isang matandang babae,maputi ito at may maiksing kulot na buhok mukhang may halong Chinese ang babae.

"Aling Cely"  magandang gabi po"bati ni
seargent.

"ahh ikaw pala sergeant pasok kayo" anyaya ni Aling Cely

"Bakit ka napadalaw dito at may kasama ka pa ng magandang bininini huh! alam ba yan ng asawa mo? pabirong tanong ni aling Cely.

"HAHAHA! Aling Cely naman wag kang ganyan parte to ng trabaho ko muntik na syang magahasa kanina buti, nakita ko kaagad, si Clara nga pala taga probinsya wala siyang matutuluyan dito sa maynila kaya dinala ko sya dito para mag board habang hindi pa nakaka usad ang kaso laban don sa tatlong gago na yon.Ako na din muna ang sasagot sa isang buwang renta habang hindi pa sya nakakahanap ng trabaho" paliwanag ni sergeant.

"Hala sige ako na ang bahala dito kay Clara" naka ngiting sabi ni Aling Cely.

"Papaalam na po ako at baka hinahanap na ko ng mag ina ko"

"Sige gabing-gabi na rin, siguradong nag aalala na sayo ang mag ina mo" wika ni Aling Cely.

Bago lumabas ng pinto si seargent Fernandez ay hinabol pa sya ni Clara  para mag pasalamat sa gabing iyon, kung hindi sya naabutan ni seargent ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Sinabihan naman sya ni seargent Fernandez na hindi pa yon ang huli nilang pag kikita dahil iimbestigahan pa ang tatlong nambiktima sa kanya upang mapanagot ang mga ito sa kahalayang ginawa nila kay Clara.

Nang makaalis si Seargent Fernandez ay niyaya na siya ni Aling Cely sa itaas para samahan sya sa magiging kwarto nya.Tahimik silang nag lakad sa madilim na hagdan. Iniwasan din niya ang mag tanong o mag ingay dahil malalim na ang gabi at natutulog na ang lahat bukas na lang nya uusisain ang tungkol sa pulis at kung bakit mukhang malapit sila ni Aling Cely.

Nasa ika tatlong palapag ang kwarto niya pag bukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang medyo may kaliitang kwarto na sakto lang sa isang tao may kama sa gilid, nababalutan ito ng puting kumot sa loob ay maamoy mo ang amoy ng kalumaan ng kwarto na halatang walang tumira ng matagal na panahon.

"O sige ineng aalis na ako upang mag pahinga na masyado ng malalim ang gabi, mag pahinga ka na rin at alam kong pagod ka na at kapag may kailangan ka ipaalam mo lang sa akin" sige po salamat nakangiting sagot ni

Pag ka alis ni Aling Cely ay isinara na niya ang pinto at nagsimula nang ayusin ang tutulugan at pag katapos ay humiga na para mag pahinga.

Bago matulog ay iniisip niya ang kalagayan ng kanyang ama di sya mapakali kung maayos ba ito, kung ano na kaya ang kalagayan nito sa mga oras na ito, naisip din niya ang kamuntik na kapahamakan na nangyari sa kanya kanina. Nagdasal muna sya upang mag pasalamat sa Dyos dahil iniligtas siya nito sa kapahamakan isinama na rin niya ang kanyang ama sa panalangin "Dyos ko gabayan nyo po ako dito sa aking pag lalakbay sa maynila" dagdag pa nya.
 
This story was taken on 1970's so wala pang masyadong gadgets at di pa techie yung mga tao in that era, Pinili ko to to make the story's vibe vintage it will take you back to 1970's era.Sa Author's note na lang ako nag e-English HEHE.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Filipina's LoveWhere stories live. Discover now