Chapter 9

51 7 5
                                    


Nagtext na ako kanila Asha na huwag na akong puntahan sa bahay kasi nandito na ako sa bar. Nakita naman nila kaya on the way na daw sila dito. Nakarating naman agad ako sa bar salamat kay Caleb.

"Thanks sa paghatid sa akin dito"

Nginitian ko si Caleb at bumaba na. Kumaway na ako sa kanya at umalis na siya. Pagkatalikod ko ay nakita ko si Mack na nakatingin sa akin na masama. Anong nangyare dito? Nginitian ko na lang siya at kumaway pero hindi niya na ako pinansin at pumasok na sa loob ng bar.

Bakit ganon yun?

Inintay ko sila Asha dito sa labas ng bar para sabay sabay kami pumasok. Mga ilang minuto ay dumating na sila.

"Hi, Quinn" Bree.

Nginitian ko siya at tinignan si Lei na nakatingin na naman sa phone niya.

"Ano ba yan, Lei? Mamaya na yan" 

Sabay tabig sa phone niya kaya tinago niya na ito.

"It's time to party na!" Asha.

Natawa kami kay Asha kasi stress na stress yan sa test namin kanina kaya ngayon masaya na siya kasi tapos na.

"Tara pasok na tayo" 

Aya ko sa kanila. Pumasok na kami at bumungad sa amin ang mga nagsasayawan na mga tao kaya mas lalo kaming na excite. Si Asha ay may pinuntahan dahil may kumausap sa kanya. Nagpaalam naman ako sa kanila na pupunta ako kay Mack. 

Naglakad na ako papunta kay Mack na busy sa ginagawa niya.

"Hi, Mack!" 

Bati ko sa kanya pero hindi man lang niya pinansin at patuloy paren sa trabaho niya.

"Hi, naririnig mo ba ako?" 

Tinanong ko sa kanya kasi parang hindi niya talaga ako narinig.

"I can hear you, Faye" Mack.

Faye? Bakit ganan tawag sa kin nan?

"Eh bakit mo ko hindi pinapansin?" 

Tanong ko sa kanya. Feeling ko wala siya sa mood ah. Anong nangyare sa kanya?

"Can't you see? I'm busy" Mack.

Napabuntong hininga naman ako. Papano ako gagawa ng moves sa kanya kung may ginagawa siya?

"Bakit ba parang badtrip ka?" 

Naiinis kong tanong sa kanya. Lumingon naman siya sa akin habang patuloy parin sa paghahalo ng mga alak.

"Faye, sabing wag mo ko idagdag sa mga collection mo" Mack.

Dagdag? nagbabagong buhay na nga ako e. 

"Anong sinasabi mo diyan? Ang tagal ko na kaya huminto sa paghahanap ng target kasi nga ikaw 'tong type ko" 

Naiinis na ako kaya hindi ko na maiwasan mailabas lahat ng tinatago ko sa loob ko. Nakakabadtrip siya, siya 'tong walang sa mood tapos idadamay ako.

"Tumigil? Sinong pinagloloko mo?" Mack.

Tokwa naman 'tong taong 'to.

"Wala akong niloloko no!"

Hindi ko na mapigilan hindi maka sigaw sa kanya. I'm trying to control myself kasi gusto kong makuha yung loob niya.

"Parang kanina lang may kasama kang lalaki. Sinundo ka pa talaga dito" Mack.

Wait, kaya ba siya nababadtrip dahil don. 

"Nagseselos ka ba dahil don?"

Agad naman siyang napahinto sa ginagawa niya.

"Kung ano ano nang nalabas sa bibig mo, Faye. Halikan kita diyan e" Mack.

Sabi niya pero yung dulo hindi ko maintindihan dahil binulong niya ito.

"Huh? Anong sabi mo?" 

Nakakainis naman 'to. May pag bulong pang nalalaman ee.

"Wala... oh eto inuman mo na to" Mack.

Sabay abot sa akin ng Martini so eto yung kanina niya pang ginagawa. Ehe keleg eke...


Flirted (First Gen series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon