Prologue

1K 42 0
                                    

HUMUGOT ng malalim na hininga si Nadia, pagkatapos ay sarkastikong ngumiti. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam kung paano lumilipas ang bawat araw sa kanyang buhay. She's more like a Zombie, living but dead inside. She finds it so hard to live in every day of her life. It has been a struggle for quite some time. At hindi niya alam kung hanggang kailan pa siya tatagal.

She came back from the States few days ago. Nagbabakasakali siyang mabawasan ng konti ang kalungkutan na unti-unting pumapatay sa kanya. She's trying to save herself, from herself. Baka sakaling kapag nakasama niya ang kanyang pamilya, magbago ang kanyang isip, pero nagkamali siya. Dahil kahit hanggang sa bahay nila, still, emptiness was there. The killer called depression doesn't live her alone. Pakiramdam niya ay parang siyang nalulunod. Ang hirap huminga. Ang hirap mabuhay. Sinusubukan ni Nadia na maghanap ng dahilan para ipagpatuloy ang laban, pero wala siyang makita kung hindi dilim. Yes, all she can see is darkness. A darkness without any light that can save her.

She doesn't have any reason to live anymore. Hindi niya ma-meet ang expectation ng kanyang Daddy. Hindi siya kasing talino ng Ate Nabila at Kuya Norman niya. Wala siyang nagagawa na maganda na puwedeng ika-proud ng mga magulang. Gusto na rin niyang takasan ang kawalanghiyaan ng Neil na iyon. Isang demonyong nagpapanggap na anghel. Mas gugustuhin na lang niyang mamatay bago pa siya tuluyan ma-rape ni Neil Acosta. Minsan na rin sinubukan ni Nadia na magsumbong, that man sexually molested her, pero walang naniwala. Sabagay, kung may imahe kang mala-anghel sa bait, hardworking and very reliable, sino nga ba ang maniniwala sa kanya? Siya na napagbintangan na gumagawa lang daw ng kuwento para lang takasan ang private tutoring nila ni Neil. At ng mag-suicide ang best friend niyang si Dianne, everyone blamed her for Dianne's death.

Yes, it's her fault. Her best friend screamed for help, nag-text ito sa kanya ng araw na nangyari ang pagpapakamatay nito. Pero hindi niya nabasa agad ang mensahe nito, nang mga sandaling iyon ay abala siya sa pagsha-shopping. Ang buong akala ni Nadia ay simpleng nag-e-emote lang ang kaibigan. Huli ng mabasa niya ang text ni Dianne, at ng makarating siya sa bahay ng kaibigan ay nawalan na siya ng pagkakataon para iligtas ito. Everyone hated her after that. She hates herself even more.

Ngayon, naiintidihan na niya ang naramdam ni Dianne noon. Depression is way beyond sadness. It's more than that. It can kill anyone. The pain of depression is immeasurable. Parang walang katapusan. Sakit na tila ba walang lunas. At gusto na niyang takasan ang lahat ng iyon.

"Kung mayroon lang sanang isang taong makakaintindi sa kanya. If only someone is there to help her and save her... if only..." 

Love Confessions Society Series 6: Adam Leongson (Tanangco Boys Batch 2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang