CHAPTER 1

18 2 4
                                    

"Zeeeeeeel!!!" Nagising ako dahil sa may sumigaw ng aking pangalan. Ba'yan, ang aga aga nasigaw jusko. Inaantok pa'ko. Tinakpan ko na lamang ng unan ang aking ulo upang mabawasan ang ingay at natulog ulit nang may biglang pumasok sa aking kwarto.

"Zel! Anong oras na nakahiga ka pa din? Itong batang 'to talaga. Mag-ayos ka na, sumama ka kela Kessie mamaya bumili kayo ng susuotin nyo bukas." Sambit sa akin ng aking ina na may kasamang palo sa hita. Grabe ma! Ang sakit ah.

"Bakit ma? ano bang meron bukas?" Tanong ko sa kanya.
"Ininvite tayo ng isa kong kaibigan sa isang event daw kaya kelangan formal suot mo. Bumangon ka na dyan kundi hihilahin kita pababa." Madiin nitong sambit. Grabe talaga ma. Eto na nga tatayo na nga e.

Bumaba ako sa sala at nakita si Kessie na kumakain kasabay ni Arjay. Etong dalawang kupal kong pinsan talaga ang aga laging nandito. La kayo bahay? Ha? Yawa.

"Sabay nako." Walang emosyon kong kinuha ang plato na may kanin at ang ulam.
"Sama ka daw sakin mamili sabi ni tita." Sambit ni Kessie sa akin.
"Oo nasabi na nya sakin kanina, napalo pa nga ko."

Pagkatapos kumain ay nagpahinga muna ako ng ilang minuto at naligo. Suot ko ang spandex na kulay black and white strips at maong na short. Nagtali den ako ng ponytail kase be, ang init. Di keri na magbuhaghag. Baha pa ng aking hairness.

Pumunta kami ni Kessie sa isang Mall at nagpaikot ikot dahil na din sa daming pagpipilian ng mga gamit. Pumunta ako sa Men's Clothes, ang gaganda ng mga tshirt be HAHAHAHAHA. Agad naman akong hinila ni Kessie kase dress daw ang susuotin bukas. Ba'yan! Magpapakababae ako bukas.

Pumunta naman kami sa isang pwesto na puro dress. Gandara netong mga black na dress HAHAHAHAHA pero naalala ko sabi ni mama event ang pupuntahan at hindi libing o burol. Kinuha ko ang kulay cyan kaso be morena ko, di match sa kulay ko. Ang arte e 'no.
"Shet! Ang gaganda be, parang ako ohh diba?" Pagpapakyut ko sa harap ni Kessie na nag-iwan ng hindi maipintang mukha sa kanya.
"Takte andami mo namang kinuha! 'Yang blue nalang." Nagulantang ito nang humarap sa akin. Sa dami ko ba namang hawak diba?
"Ano bang mas maganda? Itong Magenta, Rose, Fushia, Blue o itong Purple?" Tanong ko sa kanya at isa isang pinapakita ang mga dress na hawak ko. Kung mayaman lang ako, Bibilhin ko talaga to lahat.
"Pili ka top 3 dali ambigat!" Sambit ko sa kanya.
"Taenang yan, may patop top ka pang nalalaman, itoktok ko sayo yan e." Ang suplada talaga.
"Basta dalian mo na!"
"Blue, Purple tsaka yang Rose. Pero kung ako sayo yang Rose nalang ang ganda."
"Ayuko ampanget."
"Buset, e bat ako pa pinapapili mo?"
"E di ako makapili e!" Pandidilat ko dito.
"Yang Purple? Okay naman sya sa kulay mo bagay."
"Ang dark jusko!"
"Anong dark baliw ka talaga, ewan ko sayo." Pagtataray nito sa akin at saka naglakad paalis. So ayon, yung blue na talaga HAHAHAHAHA.

Pumila na kami sa counter para magbayad at saka umuwi.
Nang pagkauwi namin, pinakita ko agad kay mama ang mga pinamili namin.
"Okay na yan nak, bagay naman sayo."
"Nga pala ma, saan tayo bukas? Tsaka anong event ba yan?" Tanong ko kay mama.
"Sa Mandaluyong daw e, tsaka birthday daw kase nung nanay nung Montemayor, e kakilala nung isa kong kaibigan kaya ininvite den tayo." Natigilan ako sa sinabi ni mama, Montemayor? Taena!? Seryoso? Juskooo! Ay kailangang maganda ako bukas, baka mamaya yung Montemayor na yun yung baby ko HAHAHAHA.

Kinabukasan, nagising ako ng 8am at saka naligo agad. At nang matapos maligo ay nag ayos na agad agad. Kailangan presentable ako HAHAHAHAHA shet, Montemayor yun 'no! Tuwang tuwa akong nag aayos sa aking sarili nang biglang may kumatok.
"Zel? Nakaayos ka na nak?" Tanong ni mama at saka binuksan ang pintuan.
"Ay ma! Nag aayos na." Ngumiti ako kay mama na parang nanalo sa lotto.
"Anong ngiti yan? Jusko batang 'to talaga, Osiya, mga 10am aalis na tayo ha? Dalhin mo na mga dapat mong dalhin."
"Opo ma, gusto mo dun nako tumira sa Montemayor e." Pabulong ko.
"Ano?"
"Ay wala ma, kako sge mag ayos ka na den po hehe." Ngisi ko sa kanya at tinignan sya hanggang sa makalabas sa aking kwarto.
Sinuot ko ang off-shoulder na dress na kulay blue at nagwedge. Nagsuot den ako ng bracelet at hikaw na puting hugis perlas. Pinalantsa ko lamang ang buhok ko para kita kung ga'no ito kahaba. Rapunzel ako ghorl. Naglagay lamang ako ng liquid eyeliner sa magkabilang mata at nagliptint nalang. Ampanget 'pag lipstick, di ako marunong maglagay. E kung maglagay naman ako, makapal tas baka mamaya kung ano anong sabihin ng mga makakita sakin dun.
Lumabas na ako at nirampa ang aking suot. Naka wedge ngunit lalaki pa din maglakad. Jusko self talaga, isang buong araw lang ito, pagbigyan na. Nagpapicture lamang ako kay Arjay hanggang sa makarating ang aming sundo.

The Day We MetWhere stories live. Discover now