20

70 7 8
                                    

Kabanata 20

Wind


"Miss Jaide, how was the latest photoshoot?"


"Is it true that you're seeing someone in Japan?"


Kalalabas ko pa lang sa airport, napakarami na agad ng tanong nila. Ang iba ay hindi ko na marinig. I refused to answer questions about my love life, dahil sa totoo lang ay wala naman ako noon. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi na sila pinansin. I waited until our van stopped in front of me. Si Isaiah pa yata ang sumundo.


"You're going again to Japan for a photoshoot, according to the rumors. Is it true, Miss Jaide?"


"Totoo po bang titigil ka na sa pagv-vlog?"


Media and their thirst for new hot scoops.


I felt my ear throbbed to that question. Of course not, I'm doing something I love. Bakit ako titigil? I faced them and chose to answer that question.


"No, I won't stop doing my vlogs. I'm happy. Thank you," I said before entering the van.


Si Isaiah ang bumaba para ilagay sa likod ang mga luggage ko. Pagkatapos ay sumakay na ulit siya at nag-drive palayo. Tumigil kami sa isang fastfood restaurant na nadaanan. Parehas kaming bumaba at pumasok sa resto. Siya ang nag-order para sa'min.


Inilibot ko ang tingin ko sa loob. Marami ang mga nakatingin na sa'min dahil nakikilala na ako. Pati ang pagmumukha ni Isaiah ay sumikat na rin. I don't have to wear mask dahil si Isaiah lang naman ang kasama ko. People knew what is my relationship with him. Nakita na kasi nila sa mga luma kong posts sa Instagram.


"How's Japan?" tanong ni Isaiah matapos ilapag ang mga pagpakin namin. Umupo siya sa katapat sa seat.


"Maraming Hapon," I sarcastically said.


Tumawa naman siya. "My goodness! You're all over the news. The famous photographer slash vlogger slash influencer is seeing a Japanese businessman in a restaurant in Osaka, Japan," he announced as if he's a late night news anchor.


What? Pati ang meet-up ko sa isang kaibigan ay kailangan pa nilang malaman? Minsan nakakainis na rin talaga ang media. But I have no choice, this is the path I chose. Better be patient with it.


"That's Kade, a family friend. My god! What we talked about is pure business. Nakakinis naman!" I sipped on my juice angrily.


"It's good for publicity, though. Mas sisikat ka," he shrugged.


Tinapos namin ang pagkain at inihatid na niya ako sa penthouse ko. Iniwan ko lang sa walk in closet ang maleta at ipapaayos ko na lang iyon kay Manang Eli. Matutulog na lang muna ako dahil napagod rin ako sa byahe.


Si Manang Eli ay isa sa mga kasambahay namin dati sa mansyon pero gusto niya raw sumama sa'kin para maalagaan ako. Anim na taon ang lumipas mula nang maka-graduate ako, lumipat ako sa penthouse na ito. I can't bear to live in that condo anymore because of... things... lingering in my mind.

Downfall of the Ace (Series of Epitome 1) : COMPLETEDWhere stories live. Discover now