CHAPTER 28

174 13 0
                                    

Nathan POV

"Kuya! Girlfriend nyo po si Mia diba?" Tanong sakin nung tao.

"Yes." Sagot ko.

"Dinukot po sya kasama si Anna ba yun?" Saad nya.

"Ano? Wtf!" Sigaw ko.

"Girls dyan muna kayo." Saad ni ko at umalis kaming apat para hanapin sila Mia.

Ilang oras kami naghanap at bumalik kami sa kinauupuan namin at wala na sila Hannah at Sofia.

"Si Sofia! Lagot ako!" Pag aalalang sigaw ni Ethan.

"Ano pang hinihintay nyo!? Tara na sa hide out." Sigaw ko.

May lalaking pumunta sa amin at binigay sa amin ang sulat at napicturan nya ang plate number.

"Maraming maraming salamat sayo." Saad ko at umalis na sya.

Tiningnan namin ang papel na galing daw sa nanguha kila Mia.

Ang nakasulat sa papel:

[Pumunta kayo dito ng 7:00 pm, kapag nalate kayo papatayin namin itong mga hinayupak na toh. Bawal magsama ng iba, dapat kayong apat lang.]

Nang dahil sa nakasulat, nakaisip agad ako ng plano. Dali dali na kaming pumuntang hide out. At sinabi ko kung ano ang naisip kong plano.

"Guys puntahan ko muna magulang ni Sofia." Saad ni Ethan at agad nang umalis.
______________
Ethan POV

"Tao po! Tao po!" Tawag ko at pagkatok.

"Ano yun iho? Oh bat di mo kasama anak ko?" Tanong ng papa ni Sofia.

"Let me explain." Saad ko at pinapasok nila ako, pinaupo na rin at pinagsalita.

Nang matapos kong iexplain ang mga pangyayari ay di naman sila nagalit pero nagaalala sila ng sobra kasi kaisa-isang anak ng Suares si Sofia.

"Ethan, pinagkakatiwalaan kita, sana magawa nyo yung plano, makikicooperate ako." Saad ng papa ni Sofia.

"Salamat po." Saad ko at lumabas na ng bahay.
______________

Dark Squad POV

–Nathan

Tomorrow at 6:00, agag agad na kaming nagsihanda. Bumyahe na rin kami kaagad para di kami malate. Nang makarating kami ay sinet up na namin ang plano. At 6:58 na, agad na kaming humanda sa pinto.
6:59, inayos na namin ang sarili namin at 7:00.......biglang bukas namin ng pinto.

"Buti nakarating kayo mga hangal!" Saad ng leader nila.

"Asan ang mga babae?" Tanong ni Luis.

"Oo nga! Nandito na kami!' Saad pa ni Paul.

Biglang bulyaw ng mga kalaban sa amin.

Sabi ko na nga ba ito mangyayari, good plan.

Kinalaban namin ito hanggang sa leader nalang ang natira. Lahat ng alagad nya ay nanghihina na at di na kinaya pang kumilos.

Biglang sara ng lahat ng pwedeng labasan maliban sa pintong nasa likod namin. Hindi na sya makakalabas, dahil pipigilan din namin syang di lumabas sa pintong nagiisang bukas.

Suntok dito, suntok doon.
Sipa dito, sipa doon hanggang sa nanghina na ang leader nila, nanghihina ngunit kinaya pang makatayo at di na muling lumaban. Hanggang sa may narinig na kaming tunog ng sirena.

PS:Sirena ng kotse hindi sirenang isda.

Napangisi naman kaming apat dahil magiging successful na ang aming plano.

Biglang sipa ng mga pulis sa pintong natitirang bukas at napataas nalang ng kamay ang leader at isinakay sa kotse. Ang mga alagad na nanghihina at di na makagalaw ngunit buhay pa ay isinakay na rin sa kotse.

Agad na naming hinanap ang mga babae. Naghiwa-hiwalaykami dahil kung sama-sama kaming maghahanap, matatagalan pa.

–Luis

Nakita ko si Anna na nakatali ang kamay at nakatakip ang bibig gamit ang panyo at walang malay.

Tinanggal ko ito sa pagkatali at binuhat.

Tanging si Anna lamang ang nandito.

–Ethan

Nakita ko naman si Sofia na nasa malaking transparent na ewan at puno ng tubig. Agad kong dinrain ang tubig at binuksan ito. Binuhat ko rin ito at lumabas, nilibot ko pa ang aking mga mata kung nandito paba ang iba, ngunit wala na.

–Paul

Naglibot-libot pa ako para mahanap sila Hannah.

Nakita ko si Hannah na nakakulong sa isang kwarto at agad kong kinuha ang susi at binuksan ang pinto. Walang malay si Hannah. Kaya agad ko na itong binuhat papalabas.

–Nathan

Nakita ko si Mia na nakahiga sa kama at walang saplot at nakabalot sa isang kumot.

Binuhat ko ito kasama ng kumot at lumabas.

"Anyare sayo my queen?" Bulong ko.

Lumabas na kami dito at nakita naman namin ang mga magulang nila, maliban kay Mia, nasa ibang bansa kasi ang magulang nya.

–Ethan

"Proud na proud kami sayo iho, mapapagkatiwalaan ka talaga." Saad ng magulang ni Sofia.

–Luis

"Hay jusko salamat at ligtas ang anak ko!" Saad ng mama ni Anna.

"Maraming salamat sayo at ikaw ang naging boyfriend ng anak ko." Saad naman ng Papa ni Anna.

–Paul

'Salamat sayo, boyfriend ka ba ng anak ko?" Tanong ng magulang ni Hannah.

"Opo, kakasagot nya lang po sakin kanina." Saad ko ng may ngiti saking mga labi.

To be continue...

MY GANGSTER CRUSH Where stories live. Discover now