Epilouge

456 7 1
                                    

Belle

"Wait, ready ka na ba Belle? Yung boquet nasaan na? Yung make-up mo ayusin mo na ano ba kinakabahan ako sa'yo eh!"

"Janella naman relaxed ka lang pwede ba? Parang ikaw yung ikakasal diyan eh."

Nakakatawa talaga si Janella ako ang ikakasal dito pero siya yung natataranta at kinakabahan daig pa niya ako.

Ngayon ang araw na pinakahihintay ko ang araw ng kasal namin ni Zeus. Akalain mo yun sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy. Sinong magaakala na makakatuluyan ko ang gangster na si Zeus Natividad.

"Almira, yung boquet mo naiwan mo sa kusina kinuha ko na " saad ni ate sabay abot nito sa akin.

"Salamat ate."

"Ganda ng kapatid ko ah!"

"Salamat kuya."

"Matatapos ka na ba diyan bilisan mo na baka mainip si Zeus sa simbahan."

"Matatapos na kami ni Janella kuya."

"The bridal car is coming na po" sigaw ng staff ng photoshoot company na in-charge sa wedding namin.

Agad na akong tumayo at naglakad na palabas ng condo unit. Habang naglalakad ako panay kuha ng litrato ang photographer.

Pagbaba ko naroon na si mama at papa na abot langit ang ngiti nilang dalawa.

"Nak ganda mo."

"Thanks mama."

"Ate ang ganda ganda mo po."

"Thanks Dave."

"My beautiful daughter is now getting married parang kailan lang karga karga kita" naiiyak na saad ni papa.

"Papa naman ang drama mo naiiyak na ako eh."

"Beshie yung makeup mo baka mahulas."

"Si papa kasi eh."

"Tama na drama bilisan na natin sa simbahan baka naiinip na si Zeus."

Nauna ng nagtungo si kuya, Ate,Dave at Janella sa simbahan habang ako at ang parents ko sumakay na sa bridal car.

"Hi Belle."

"Apollo anong ginagawa mo dito bakit wala ka pa sa simbahan?"

"Nakalimutan mo na ba Belle i'm your driver for today's big event."

"May hinire na driver si Zeus ah nasaan?"

"Balita ko nagkasakit yung driver eh kanina lang nalaman kaya i insist na maging driver ng bridal car."

"Naabala ka pa Apollo"

"Wala yun Belle basta para sa'yo at kay Zeus"

"Let's go."

Sumakay na kami ni mama at papa sa bridal car

Hindi pa rin ako makapaniwala na darating kami sa chapter na ito.

After that incident nagkaroon ng matinding problema na comatose si Zeus ng ilang buwan akala ko nga hindi na siya magigising dahil sabi ng doctor life support na lang bumubuhay sa kanya. Buti nagising siya ilang araw bago sumapit ang pasko. Sobrang saya ko noon dahil yung natatangi kong hiling natupad na.

Si Triton naman at ang mga tauhan niya ay nahuli ng mga pulis at nasintensiyahan ng hambangbuhay na pagka bilanggo sa kulungan.

Habang papalapit sa simbahan mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko as in sobrang bilis mga 5 times per second ang tibok.

"Para yatang aatakihin ako sa sobrang kaba papa."

"Naku anak pigilan mo yan mahirap na baka imbes na sa simbahan eh sa hospital ang punta ko ganito para mawala ang kaba mo inhale exhale inhale exhale"

Destined With A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon