~¿~

66 15 8
                                    


"If we were gonna end, why did we even begin?" sabi niya pa sa marahan na tinig ngunit madadama ang pagkadismaya.

Ang bawat emosyon na aming binuo nang halos 4 na taon ay unti-unting gumuho sa isang iglap.

Nang dumapo sa aking tenga ang bawat salita na kanyang binigkas ay nagdulot ito ng isang napakasakit na sensasyon sa aking puso.

"Bakit mo tinatanong sa akin ang mga ganyan?" mariin kong tanong na halos mangiyak ngiyak na.

"Just simply because, our break up... Is all your fault."

"My fault?!" hindi ko na naiwasang mapasigaw sa galit nang marinig ko na pinagdidiinan niya na ako ang may kasalanan sa aming hiwalayan.

"Yes Jariza! It is all your fault... That's why im asking you! Why did you make me feel that i am a special for you? For 4 years? That's stupid! Why did you show to me that kind of feelings at the first place if you're not sure that you love me? If you're not ready for a relationship?!"
Or maybe... You are not capable of doing commitments! You are just nothing!!"

Sa sinabi niyang iyon tila tumigil na ang pag ikot ng aking mundo, huminto na ang pagtakbo ng oras. Wala akong magawa, gustong sumabog ng mga emosyon sa loob ng dibdib ko ngunit parang may isang elemento na pumipigil para lumabas ang lahat ng ito.

Mahal ko siya, totoo 'yun...

Pero hindi pa talaga ako handa na pumasok sa isang relasyon na hindi ko naman sigurado kung kaya ko ba talagang panghawakan.

Mali ba na mas pinili kong maging mas malaya kaming dalawa?

Mali ba na sabihin kong hindi pa ako handa?

Bakit sa akin niya sinisisi? Eh ang gusto ko lang ay sa ikabubuti naming dalawa.

Apat na taon...

Apat na taon na noong nagtapat siya sa akin at gayon din ako.

Sa loob ng apat na taon, ay hindi namin inalala kung ano ba talaga kami? Kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin?

Dahil simula nung umamin siya sa akin at umamin din ako ay wala ng iba pang usapan na kung ano ba talaga ang mayroon kami.

'Di ko naman inaakala na makalipas ng 4 na taon ay bigla niya akong kokomprontahin ng ganoon.

-----

Hindi ko magawang maisatinig ang lahat ng mga nasa isip ko, parang may isang hudyat na kapag nagsalita na ako ay bubuhos ang luha ko nh walang humpay.

"Jaz..."

Napatingin ako sa kanya nang binanggit niya nang marahan ang aking ngalan.

Tila ako ay nawalan ng kakayahan upang makapagsalita dahil pati ako ay nabigla sa mga nangyare.

"Jaz, this is my last question before i decide what path should i take after all of this mess. So please, im begging you to answer it honestly"

Sa mga sinambit niya na iyon ay tila naging blangko lang ang kanyang mukha.

This time, i need to answer him.

"Luel, go on i'm listening" yun nalamang ang naisatinig ko sa kabila ng bawat salitang nagsisisikan sa aking isipan.

"I'll just repeat my first question...
If we were gonna end like this, why did we even begin?"

Nanatili akong nakatungo sa harao niya at naghahangad ng kakaunting pag asa na sana bumalik nalang kami sa dating kami.

Hindi ko gusto na tapusin ito, gusto ko lang ay ang mapalaya ang bawat isa sa amin para sa kabutihan din namin.

Pero ano ang dapat kong sabihin? Para lumayo na siya dahil hindi niya deserve ang katulad ko, isang patapon na pinulot lang niya.

Pero... Mahal ko siya.

"Luel, in every beginning, there is always an ending..." panimula ko pa

"And i think, this is the right way to end it...

...Mr. Kenduo Luel Sillenherg, i don't love you! Even four years ago, i don't feel anything special every time im with you. Lahat ng yun ay dahil lang sa awa. Luel hindi kita minahal at sorry pero hindi kita kayang mahalin.''

Pagkatapos kong sabihin yun ay dagli dagli akong tumakbo palayo sa kanya.

Dahil hindi ko kayang makita ang kanyang mga mata, hindi ko kayang magsinungaling sa kanya dahil mahal ko siya...

Pero nagawa ko na.

Ang taong pinakamamahal mo ay iniwan mo na.

Pero isipin mo nalang na ginawa mo yun para sa kanya.

Ang daming kaisipan at emosyon ang naghahabulan sa aking diwa.

At lahat ng iyon ay gusto ng sumabog kahit ano mang oras.

Nang napagpasiyahan kong huminto muna sa pagtakbo ay biglang may isang nakasisilaw na liwanag ang dumapo sa aking harapan at isang napakalakas na busina ang umalingawngaw sa aking tenga.

Ngunit huli na...

- - -

P. S. - Kagulumiha'y minsa'y 'di mapawari- ang parteng ito ay maaaring maging susi.
Walang koneksyon sa unang tingin, malay natin sa huli ay ang magbibigay kaliwanagan sa kasagutang susungkitin.

TdaaWhere stories live. Discover now