Contest

28 1 2
                                    

GOOOO!!RADLEIGHH!!

KYAHHHH!!!

ANG POGI WAHHHH!!!

GO PAPA RADLEIGH DI PAPATALO SA MGA LABAN WALANG UURUNGANN!!!

Sobrang ingay ngayon sa gymnasium dahil sa contest about ito sa Economics ahm taxes daw.Naghahanap ako ng mauupuan upang makapanood, nakakangalay kaya kung nakatayo lang ako hanggang matapos itong contest.May classmate kami na kasali din sa contest.

"Rhoane dito!" agad ko namang nilingon kung saan galing ang boses na iyon si Patricia kaibigan ko.

"Grabe ang cheer nila kay Radleigh hano nako buti na lang dito sya nag transfer." nakangiting sambit nya habang pinapanood ang mga rumarampa sa stage.

Yepp, malaki rin ang naitulong ni Radleigh sa school dahil simula nung nag transfer sya dito ay laging sya ang nirerepresent ng school pagdating sa mga contest na ganito. Matalino kasi at gwapo.

"AYANNN NA!! SYA NA ANG SUSUNODD WAHHHHH!!!" hiyawan ng mga babae sa likod ang sakit sa tenga ng mga matitinis nila na tili at hiyawan.

"Ladies and Gentlemen, Radleigh Dan Montemayor!"

Agad namang mas lumakas ang hiyawan ng mga audience.Hindi ba sumasakit ang mga lalamunan nila?
Pinagmasdan ko si Radleigh habang lumalakad sa stage. Matangos ang ilong nya at may pinkish na mga labi, mahahaba ang pilik mata at may katamtamang kapal na kilay, matangkad at maganda ang tindig ng katawan halatang nag wo-work out sya.

Agad namang nagising ang diwa ko ng mapansing nakatingin sya sakin or feeling ko lang? Tumingin ako sa likod dahil baka dun talaga sya nakatingin.Siguro nga dahil marami syang fans dun. Hindi ko na lamang pinansin at nanood na lamang.

"Nakapirma na kayo sa attendance?" tanong sa amin ng class president namin.May pasok talaga kami ngayon pero na excuse kami kasi kailangan ng support ng classmate namin na kasali rin sa contest.Hindi pa ako nakakapirma kaya't bumalik muna ako papunta sa room.

Naglalakad na ako sa hallway.Maraming mga estudyante ang papunta sa gymnasium.Nagugutom na rin ako pero kung bibili na ako eh magkukulang na ang pera ko mamaya parrr--

"Ugh! aray ko!" agad akong napahawak sa braso ko sa lakas ng pagkabangga sakin.

"A-ah sorry". nagbubutones sya at inaayos ang white long sleeve na suot nya. Familliar sya sakin SPA (Special Program in Arts) student pala sya. Kasali kaya sya sa contest? kaso ang late na nya masyado.

Dumiretso na ako sa room para makapirma ng attendance. Babalik na sana ako sa gymnasium ng bigla akong utusan ng teacher hayss.

Papunta na ulit ako sa gynasium ng hindi pa ako nakakalapit doon ay kitang kita ko na ang kumpulan ng mga estudyante doon.Narinig ko ang malakas na music paniguradong talent portion na ito. Nakipagsiksikan pa ako upang makabalik ulit sa kaninang pwesto ko.

"Nako bakit kasi di ka pumirma agad di mo naabutan yung iba".sabi naman ni Patricia."Oh ayan na si Radleigh na!".

Umakyat sya ng stage habang bitbit ang gitara. May upuan at mike sa gitna ng stage. Naupo sya dun at tahimik lang ang lahat.

He cleared his throat at kasabay nun ang pag alon ng kanyang adam's apple. Nag strum sya ng guitar at nabasag ang kaninang tahimik na audience.Nilibot nya ang tingin nya sa audience at naggawa na naman iyon ng matinding hiyawan.Mas malakas pa sa kanina.

Hanggang kailan ako maghihintay
na para bang wala ng papalit sayo
Nasa'n ka man sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti,isang umagang
di ka nagbalik🎶🎵

Not so fastWhere stories live. Discover now