Chapter 38: Trojan Horse

603 36 0
                                    

Hi! If you enjoyed the chapter and story, please do follow me and vote for the chapter. It's free and you can always unfollow later. Your support means a lot to me. Thank you! <3

Enjoy Reading!

LUCY GONZALES

 I was in the same field, the day Demeter told me it would all change. Ang pinagkaibahan lang ay ang dating maaliwalas at maluwag na langit at ang kulay dilaw na mga wheat ay umuusok na ngayon.

Natatabunan ang langit ng pinaghalong pula at itim dahil sa apoy at usok. Ramdam ko ang balat ko na napapaso sa init pero hindi ko magawang makagalaw. Ang nakikita ko lang ay ang nasusunog kong kapaligiran.

Sa harapan ko, may lalaking nakatalikod sa akin. Nakasuot siya ng metal na backplate at armor. Nakatalikod siya pero kilalang-kilala ko ang likod niya.

I could bring myself to speak, I couldn't bring myself to run. Nanatili akong nakatayo sa kalagitnaan ng sunog nakatitig sa lalaking nakatalikod sa akin.

Dahan-dahan siya lumingon sa akin. Duguan ang kanyang mukha at walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata. I saw a glint or terror and  sadness in his eyes but It was like it was covered by a dark cloud.

Gusto kong isigaw ang pangalan niya. Gusto kong itanong kung ano ang ginagawa niya dito pero walang lumalabas na boses mula sa akin. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad palayo.

I wanted  to scream. I wanted to hold on to him, I wanted answers pero tuluyan na siyang naglakad papunta sa usok hanggang sa tuluyan na siyang mawala.

"Lucy! Nandito na tayo." 

Nagising ako sa marahan na pagtapik ni Linus sa mukha ko. Nilibot ko ang tingin ko at nakita ang mga kasamahan namin na nakatingin lang sa amin.

Ang bata nakatayo sa harapan ko at nakatitig lang sa mukha ko. Mabilis akong tumayo lumabas ng van.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Nexus sa akin "You looked like you had a nightmare."

Umiling ako at niyakap ang sarili ko. Nakita ko ang bata na nakahawak sa laylayan ng damit ko at nakatingin sa akin.

"Mukhang sayo lang sasama yung bata" natatawang sabi ni Salve "Ikaw lang muna bahala sa kanya."

Tumango naman ako. 

"Babalik na ako sa pagtulog" sabi ni Aldous at nag-inat at naglakad papasok ng mansyon kung saan sinalubong kami ni Baltazar.

"Ayusin mo sarili mo ha. Ayokong magising na nasa loob ka ng kwarto ko" sabi ni Linus sa kanya at sumunod na rin sa pagpasok.

Nang makapasok kami sa mansyon, naglaho na silang lahat at natira kami ng bata. Pumunta ako sa lounge at sinalubong ako ni Thea na may ngiti sa mga labi.

"Kumusta?" tanong niya. 

"Well" sabi ko at ipinakita ang bata na nagtatago sa likod ko. "We managed to save this little guy."

Kuminang ang mga mata ni Thea at umupo para magkasingtaas lang sila ng bata.

"Hello" malambing na sabi ni Thea sa kanya. Hindi sumagot ang bata at nanatiling nakatingin sa kanya gamit ang malalaki nitong mga mata.

Iginaya ko ang bata papunta sa sofa at kinarga siya para paupuin dito. Nilibot ko ang tingin ko at hindi mahagilap si Vetto na palaging natutulog dito.

"Natulog siya sa kwarto niya" sabi ni Thea, as if she read my mind. Tumango naman ako.

"Hindi siya nagsasalita" sabi ko habang nakatingin sa bata na nakatitig sa apoy na nasa harapan namin. His eyes softened as fire reflected in his eyes.

Pandora: The Last of Her Kind (COMPLETED)Where stories live. Discover now