Chapter 1

15 0 0
                                    

Jarvy's POV


"Jarv, gumising ka na 6:10 na oh, malelate kayu ng kuya mo." Nagising ang diwa ko dahil sa tawag na yun ni Dad. Lunes ng umaga at first day ng school year ko bilang Grade 9 student at panibagong year na naman para maglasik ng lagim sa school. Hahahaha.

'Ano ba yan ang aga-aga naman,Tch'

"Mmm, yes Dad", naisagot ko. Nakapikit akong bumangon at umupo sa kama ko, uminom ako ng tubig na nasa gilid ng kama ko. At agad na pumasok sa banyo na nakapikit. Hehehe.

Mahigit kalahating oras ako sa banyo bago lumabas at tumingin sa wall clock.

'6:35'

dO_Ob

"Pucha malapit na akong malate!" mahinang bulong ko. Mabilis kung inayos ang sarili at ang bag ko at kumaripas sa pagtakbo palabas.

'Bakit hindi nila ako ginising ng maaga, Badtrip..'

Pagdating ko sa kitchen ay nandoon na si kuya ay Dad. Naggoodmorning muna ako bago kumain. Nag-usap naman sila ni kuya pero ako ay parang walang pakialam. Nang matapos kumain ay mabilis akong sumakay sa kotse ko at nagsoundtrip sa loob.

"Hayss, first day na naman, kakapagod, Tch." Bulong ko pa. Agad ko naman pinaandar ang makina at nagmaneho.

Ilang minuto lang ay nasa school na ako at nakita ko ang maraming students sa labas ng gate. Kaya naman tumingin ako sa relos ko.

'7:20, late na naman.'

Nag park muna ako at saka naglakad papasok. Maraming students ang tumitingin sa isang Whiteboard dahil nandoon ang mga section. At dahil first day, syempre, hinanap ko yung classmates ko last school year. Panay lingon ako at sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isa sa kaibigan ko.

"Huyy, Jarvy dito. Hahaha" sigaw na tawag ni Angelo. Kaibigan ko.

"Hey, Angelo, kamusta?"

"Okay lang gwapo pa rin. Hahahaha." Biro niya pa at natawa naman ako.

"San ang room mo?"

"Room natin." pagtatama niya kaya nagtaka ako. " Magkaklase tayo ayun ang room natin oh." Turo niya roon sa tapat ng pathway kung saan doon ko napansin ang mga kaklase ko dati nung Grade 8. "Nakita ko yung name mo sa Whiteboard kanina at pareho tayo ng section. Hehehehe." Nakitawa naman ako.

" Eh, diba, first section yan? Ba't jan tayo?" sagot ko. Nagtaka talaga ako kasi nasanay ako na nalalagay sa second at last section. Hindi naman sa hindi ako matalino kasi matalino talaga ako kaso minsan ay bias pumili nag admin namin.

Nagkabit-balikat siya."Oo nga eh nagtaka rin ako pero okay lang yan, balita ko marami daw transferee at chicks." Bulong niya pa sabay kindat. Nagpakita naman ako ng walang interes sa sinabi niya.

"Tss, studies ko ang inuuna ko at hindi yang chicks-chicks mo." seryosong sabi ko pa sa kanya kaya naman humalagapak siya sa tawa.

"Seryoso mo naman bro, hindi ko naman sinabi na mangchicks ka, ang sabi ko maraming chicks. Hahahaha." natigilan naman ako sa sinabi niya tsaka binatokan siya.

"Ulol! doon din ang punta nun. Tara na nga baka pagalitan pa tayo nito." sabi ko at natawa naman siya at saka naglakad kami papunta sa room. Nagkwentuhan pa muna kami sa daan.

"Nagkita na ba kayo nina Kenneth? tanong ko pa sa kanya.

"Hindi pa eh...baka nandon na sa room. Tara?" sagot niya.

Make You MineWhere stories live. Discover now