6

112 4 4
                                    

Pumasok kami ni Andrew sa bahay na masaya at magkahawak ang kamay, di ko sukay akalain na nandito pala sila mama at papa kasama ang family ni Andrew at ang mga kaibigan niya.

"Surprise" Mahinang bulong niya sakin na ikinatuwa ng puso ko. Para akong maiiyak sa nakikita ko ngayon. Si Andrew ba talaga ito?

Lumapit si Mama at Papa sakin. Sabay nila kaming binati ni Andrew. Ganoon din sina tita Clara at tito Morey.

"Iha, mas gumaganda ka ngayon." Nakangiting puri ni tita Clara sakin.

"Thanks po tita Clara." Nahihiyang sagot ko.

"Huwag mo na akong i-tita, tawagin mo nalang din akong Mama or Mommy. Mas gusto ko yun." Natatawang sabi niya sakin na mas ikinahiya ko.

"Oo nga naman Angela." Singit ni tito Morey.

"Okay po. " Nahihiyang sagot ko.

"Mel, kahit kailan talaga napakamahiyain pa rin ni Angela. Manang-mana talaga sayo, Pia." Natatawang sabi ni tita Clara, kaya nagtawanan ang lahat.

"Kain na tayo baka lumamig ang pagkain sa mesa." Yaya ni mama sa lahat.

"Thank you for this day. Thank you for all your efforts. Di ako nakapagready ng gift man lang para sayo. Akala ko kasi nakalimutan mo na anniversary natin ngayon." Masayang sambit ko.

Magkasama kami ngayon ni Andrew sa teresa ng bahay namin. Umalis na lahat ng bisita saka sila mama at papa, ganoon din ang magulang ni Andrew. Super busy yata nila kasi may gagawin pa raw silang business trip sa ibang bansa.

Nakayakap sa likod ko si Andrew habang nakapatong baba niya sa balikat ko. First time niyang ginawa sakin ito. Ito yung araw na hindi ko makakalimutan.

"You're always welcome, Anj. I love you." Bulong niya na ikinalakas ng tibok ng puso ko.

"I love you more." Sagot ko at hiniwakan ang pisngi niya.

"Anj na itatawag ko sayo from now on. Ngayon ko lang nalaman na Gel pala ang tawag sayo ni Cleo." Nagulat ako sa sinabi niyang yan. Selos ba siya? Haha.

"Bakit? Masama bang tawagin niya akong Gel? Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya na medyo natatawa.  This time nakaharap na ako sa kanya. Kitang kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Ayaw kong tinatawag ka niya sa ganyang pangalan. And I'm not jealous, I've never been jealous! Ngayon lang!" Madiin sagot niya.

"Cute mo magselos. Haha" I said na mas lalong ikinakunot ng noo niya.

"Stop laughing hindi ako natutuwa." Seryosong sabi niya na ikinatigil ko. Ayaw kong masira ang araw na ito kaya sumunod agad ako sa sinabi niya. Haays. Sungit talaga.

"Okay, fine." Suko ko at bumalik sa dating pwesto at ganoon rin siya.

" Hindi totoong nakalimutan ko ang anniversary natin. Actually, never kong nakalimutan. Nahihiya lang akong bumati at ipakita sayo na gusto kita. Na mahal kita. Na gusto kitang batiin. Naduduwag ako sayo dahil ayaw kong ipakita yung tunay na nararamdaman ko sayo." Kuwento niya habang nilalaro ang daliri ko.

"Bakit naman?" Takhang tanong ko.

"Naduduwag ako kasi... Ah, basta." Bitin niya.

"Ngek! Mambibitin 'to." Kinikilig na sagot ko.

"Kinailangan ko rin na maging cold sayo dahil ayaw kong makita ng mga nakakaaway namin na may asawa ako dahil once na malaman nila, ikaw ang gagantihan nila. I'm scared of loosing you." Dugtong niya at mas hinigpitan ang yakap sakin.

"It's already 1:39. You need to sleep." He said at inalis ang sarili sa pagkakayakap. Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan sa tuktok ng ulo.

"Goodnight"

"Goodnight din."

Nagising ako sa katok ni yaya Minda. Sa sobrang sarap ng tulog ko nakalimutan ko na may pasok at report pala kami ni Ayla ngayon. Jusko!

"Gising na po, Ya!" Sigaw ko kay yaya.

"Claire, pakibilisan mo raw sabi ni Kent!" Sigaw rin ni yaya sa labas.

"Okay po!" Huling sigaw ko at nagmadali ng pumasok sa cr para gawin ang mga routines ko.

After that, nagsimula na akong ligpitin ang mga gamit ko at inihanda ang laptop na gagamitin namin nila Ayla para sa report.

"Bakit ang tagal mo?" Bungad na tanong sakin ni Andrew ng makarating ako sa dining. Hay naku, umagang-umaga nakakunot noo na naman. Akala ko pa naman okay na kami kagabi.

"Alis na tayo?" Tanong ko para makaiwas sa masamang awra niya today.

"Tsk! Eat first before we go to school." Utos niya. Gawin ba akong bata. Lokong 'to everyday may dalaw? Dinaig pa ako ha.

"Okay" tanging sagot ko at naupo na para masimulan ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain, inihanda ko na ulit ang bag ko at isa pang bag na may lamang laptop. Nauna na si Andrew sa labas.

Nang makalabas na ako ng bahay nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng kotse niya at nakapamulsa habang nakatitig sakin. Nang makalapit ako nakatitig pa rin siya sakin gamit ang masamang tingin. Problema ng gangster na ito?

"What's that on your face?" Asar na tanong niya. Napahawak naman ako sa mukha ko at chineck ko kung meron akong dumi pero wala naman.

"Ha?" Takhang tanong ko habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.

"Nakamake  up ka?" Tanong niya ulit.

"Ah. Blush on lang tapos liptint. Bakit, hindi ba maganda?" Tanong ko pabalik sa kanya na parang mas lalong ikinaasar niya.  Naglagay lang naman ako ng blush on na peach. Di naman masyadong halata, napansin niya pa yun.

"Tsk! Nah. You look better even if without using make up or that blush on thing." He said at umikot na para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.

"Thanks." I said at umikot na ulit siya para pumunta sa driver seat.

"Umuwi ka ng maaga mamaya. Hindi kita maiihatid." Walang ganang sabi niya habang nakatingin sa daan.

"Gang fights again?" I asked. Nilingon  niya ako.

"None of your business, just do what I said. Got that?" He said without looking at me.

"Kay." Walang ganang sagot ko.

Nakarating kami sa unniversity ng hindi na nakapagusap ng maayos. Ni isang goodbye wala man lang! Bwisit siya! Okay naman kami kagabi tapos ngayong umaga bad mood ulit. Ano yun balik ulit sa dati? Hindi na yata magbabago si Andrew.

------

Hope you like it. 💜

The Gangster is my HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon