Dream 1

6 2 0
                                    


Every wish has it's own consequences

.....

"Tol! Una na ako sa inyo" Sabi ko sa mga katrabaho ko, nagsimula na ako maglakad sa madilim na kalye pauwe sa bahay namin. Simula ng mawala si Nanay, nawalan na ako ng gana mabuhay, trabaho at bahay lang ako.

Malapit na sana ako sa bahay ng  magawi ang tingin ko sa isang madilim na iskinita malapit sa kanto kung saan doon ang daan pauwe sa bahay. Hindi ko na sana iyon papansinin at lalampasan na lang ng may narinig akong kalabog sa iskinita.

"Aish! Hindi ko alam kung mahal ako ng gulo o ako ang naghahanap ng gulo" Mahinang sabi ko at naglakad doon sa kalabog na narinig ko, napailing na lang ako dahil sa huli ay alam kong pagsisisihan ko din itong pangingialam ko ngayon.

Ewan ko ba sa sarili ko, hindi naman ako super hero pero nagpapaka bayani ako. Nagulo ko na lang ang buhok ko na natural namang magulo.
Sumilip ako sa isang siwang, sapat na para makita ko ang nagaganap.

Isang lalaki na sa ibabaw ng isang babae, laganap na talaga kamanyakan sa mundo, dapat kasi nagdudusa ang mga taong nang aabuso sa kakahayan nila, katulad nitong lalaking ito ginagamit niya ang lakas niya bilang lalaki sa babaeng walang tigil sa pag iyak. Ano ba itong pinagsasabi ko?

"Nagmumuka naman akong tsismosa nito eh" Mahinang sabi ko, kinuha ko ang isang dos por dos sa isang gilid ko, hindi ko yon dala ha sadyang nandoon yon.

"Hoy! Tanod to!" Sabi ko at kinuha ang pito na lagi kong dala, dahil nga mahal ako ng gulo lagi ako nagpapakabayani kaya naman nakasanayan ko na magdala ng pito at magkunwaring pulis o tanod na siyang ginagawa ko ngayon. In short mahilig ako makielam.

Dahil sa pito ko, tarantang inayos nito ang suot niya at tumakbo palayo sa balak nitong biktimahin na dalaga, bat ba ang mamanyak ng mga tao? Hindi na ako nag abalang habulin pa iyong manyak na lalaking iyon at naglakad na ako paalis, sapat na naman siguro ang nagawa kong tulong sa babaeng iyon, siya na bahala magdemanda sa kaniya. Paalis na sana ako at iiwan na sana ang babaeng umiiyak na inaayos ang damit niya.

"Sa-salamat" Mahinang sabi nito. Hindi ko na pinansin iyon at pumasok na ako sa kanto kung saan ang daan papunta sa bahay ko.

Pagpasok ko sa bahay ay binaba ko ang bag ko, pupunta na sana ako sa lamesa para magsimula ng kumain nang may napansin ako, yung librong nakita ko noong kakalibing lang ni nanay.

"Bat ito nandito?" Tatakang sabi ko, itinapon ko kasi yung libro pagkakita ko, hindi naman kasi iyon sakin kaya tinapon ko baka may maghanap at mapagkalman pa ako na magnanakaw. Napailing na lang ako sa kaweirdohan ng librong yon, tumayo na ako at pumunta sa basurahan saka ko tinapon ang librong weird na iyon.

Paanong hindi magiging weird pag bukas ko noong una kong kita dito ay may kaunti pang liwanag at may parang laso pang lumabas tapos maya maya ng mawala na ang liwanag ay blanko lang ang papel, may sa maligno ata ang libro na iyon, at ito pa bukod sa may maligno iyon ang cover nito ay hindi ko mawari kung kailan ginawa, aba bukod sa walang pamagat ay pag hinawakan mo ay sing langbot ng balat ng oso na ginagawang coat pero ng subukan ko naman sirain ay diko magawa dahil sing tigas ng bakal yung cover, basta may sa maligno yung librong yon.

"Sana matupad ang mga pangarap ko kahit sa panaginip lang" mahinang sabi ni Theo saka siya pumikit, pero ang hindi niya alam ay lumiwanag ang librong itinapon niya sa loob ng basurahan, may sa maligno nga siguro ang libro.

KINABUKASAN SA TRABAHO.

"Tol, tawag ka ni boss" Sabi ni eric katrabaho ko. Tumango na lang ako sa kaniya at itinigil ang ginagawa ko saka naglakad sa office ni boss.

Nagtratrabaho ako sa isang Car Wash and Shop, simula mag high school ako ay dito ako nagtratrabaho, mabuti na lang at mabait ang amo ko at pinayagan ako mag part time job. Noong una ay wala akong alam, taga punas lang ako ng sasakyan pero ng kalaunan dahil sa pagiging curiosity ko ay natuto din ako sa pag gawa ng sasakyan kahit hindi ko ito pinag aralan sa school. Kaya naman nang matapos ako sa pag aaral ay nag full time job na ako dito, ang kaso nga lang namatay ang dati kong amo at pinalitan ng kaniyang anak, mabait naman ito ng slight pero hindi ko talaga gusto ang pamamalakad niya sa Car Wash and Shop, hindi man sa pagmamayabang pero mas alam ko pa ata ang pasikot sikot dito kaysa sa anak niyang puro yabang ang alam,Hindi na ako magtataka isang araw malugi ang business na sinimulan ng ama niya at tama nga ako.

"Ito na ang huling sweldo mo" Sabi ng amo ko, kahit expected na ito ay hindi ko pa din maiwasang magulat.

"May problema ba sa pag tratrabaho ko dito?" Seryosong sabi ko.

"Nalulugi na ang CWS at kailangan mag bawas ng trabahador." Parang walang sabi nito at nagsimula pang manigarilyo.

"Bakit ako? Ang tagal ko na dito bakit hindi yung bago?" Sabi ko sa kaniya, may bago kasing trabahador dito noong nakaraang dalawang linggo at wala siyang kasing tamad kung makapag yabang akala mo alam lahat eh noong pinagawa nga siya ng sasakyan ni Mang berting, matandang trabahador dito, ay nganga lang siya at imbes na maayos lalong nasira mabuti na lang naayos pa.

"Ano bang paki mo? Ako ang boss dito, wag mo pakielaman ang disisyon ko!" Sabi nito na siyang kinainit ng ulo ko, nayukom ko ang kamao ko sa inis sa kaniya. Simula pa lang ng trinetrain siya ng ama niya dito ay mainit na ang dugo namin sa isa't isa paanong hindi eh mas pinupuri ako ng ama niya na dati kong boss, bukod kasi sa hindi niya masaulo ang car parts at pag aayos ng sasakyan ay napaka tamad at waldas pera lang ang alam kaya ngayong siya na ang amo puro yabang ang alam.

Hindi ko na siya pinansin at padabog na kinuha ang sweldo ko saka umalis sa opisina niya, kung ayaw niya sakin ayaw ko na din sa kaniya. Kung hindi lang ako pinalaki ng nanay na magtimpi ay nabugbog ko na iyon sa katangahan.

Lumabas na ako sa CWS na Lugong lugo, peste talaga ang lalaking iyon.

"Ano bang dumikit sakin at puro kamalasan na lang ang nangyayari?" Naiinis na sabi ko at sinipa ang bato na nakaharang sa harapan ko. Bumuntong hininga ulit ako saka nagdisisyon na maghanap ng trabaho, at dahil kahit paano ay may swerte pa ding natira ay natanggap ako, mas malaki sa sweldo ko sa dati kong trabaho kaso lang mas malayo ang lugar na pinagtratrabahohan ko sa bahay namin pero ayos na iyon kesa sa walang pera pambiling pagkain.

Gabi na ng makarating ako sa bahay, napainat na lang ako sa sakit ng katawan ko dahil sa maghapong nangyari pakiramdam ko nga isang taon na ang nakakalipas sa daming nangyari, hihiga na sana ako sa kama ng bigla akong matulos sa kinakatayuan ko.

Napalunok ako at tila tuod na dahan dahang humarap sa likod ko kung saan nandoon ang lamesa, at sa hindi inaasahan nandoon ang libro at hindi siya nagiisa. Nanlaki ang mata ko ng may makita akong babaeng nakaupo sa upuan at hawak ang libro.

"MALIGNO?!"

__________

All rights reserved by undeniableinsane

Please vote, comment and share 

Thank you!

Captain on my own Dreams (ON HOLD) Where stories live. Discover now