Fragile Phantasy

79 1 3
                                    

Author: blastblazer     
Critic(s): myungjunjun

Note: Just wanna say na binasa ko lahat ng chapters up to “Folk’s Integrity.” Alam kong sinabi mong kailangan mo ng isang harsh critic. But, I’ll still deliver my words in a professional and formal way even while being harsh and direct. Kaya wala kang dapat ipag-alala. So, let’s start!

• • •

↳ BOOK COVER

Sa totoo lang, mas bagay ‘yong naunang cover kaysa sa current mo. Pero kahit doon sa una, medyo malabo pa rin eh. Kasi, hindi magkakaroon ng ideya ang mambabasa sa laman ng kuwento. ‘Yong font and background din, hindi bumagay sa isa’t isa pero hindi na iyon importante. Dapat sa cover pa lang, may resemblance na siya sa content ng story mo. Kung gusto mo naman, try mo magpagawa ng book cover sa mga shops dito sa Wattpad para appealing siya sa readers.

Be careful though: baka kasi maging mataas ang expectations nila sa story dahil sa book cover… tapos biglang bumagsak pagkapasok sa loob. Masasabi naman kasi natin na ‘yong pagkakasulat ng story mo ay medyo rushed, ‘di ba? Medyo magulo ang pagkakaayos? Diretsahan na. Sa panahon ngayon, marami kang kasabayan na nagsusulat. Hanapan din ‘yan ng audience. Kung maraming story diyan na mas magugustuhan nila, bakit sila titigil para i-check ang story mo? You have to make it worth it. So try to step up your game na tipong sila mismo ang lalapit sa story mo. Oki?

Let’s move on!

↳ TITLE

Medyo vague pa rin ang title as of now. Ang pinaka-nakikita ko lang na koneksyon ay ang salitang “Phantasy,” which is the genre of the story. Although naging unique siya since ‘yon ang ginamit mong word kaysa sa traditional nitong spelling na “Fantasy.”

Nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Kung ganito ang title mo ay madali lang siyang mapalitan sa dulo once na nakaisip ka na ng mas bagay na title. Ituloy-tuloy mo lang ang pagsulat sa story mo.

↳ BLURB

Ayos naman na ang blurb mo. Nasabi na ang overall premise ng story without spoiling too much. Siguro ay dagdagan mo na lang ng details sa kung ano bang klase ng tao si KC imbes na ide-describe mo lang siya as “a loser.” Nakakatulong ito para maka-hook pa ng readers. Aside sa book cover and title (ito ‘yong surface-level na nakikita nila), blurb din kasi ang basehan ng ibang tao.

↳ TECHNICALITIES

So… dito muna tayo.
Maraming mga bagay akong napansin na normally, babanggitin ko rito sa critique, but for your case, hindi muna tayo roon magfo-focus. I think na as a writer, sa basics muna iyong importante na i-improve para mas lalong gumanda ang iyong kuwento.

Ito muna ang inuna ko dahil ito ang pinaka-importanteng bagay na dapat mabigyan mo ng pansin sa story mo. To be honest, dahil perfectionist ako pagdating dito, medyo masakit siya sa ulo basahin (sa gitna, hindi naman na). Kung dati, hinahayaan lang ng mga readers kahit na ganito ang pagkakasulat, ngayon hindi na. Halos lahat ngayon, tumaas na ang standards. So ano nang gagawin natin? Taasan din natin ang quality ng stories na sinusulat natin. Naniniwala naman akong kaya mo ‘yan. Mga sikat na author ngayon, jeje rin ang writing dati (‘yong iba, hanggang ngayon yata?).

My one advice is just to read. Read other stories. Observe mo kung paano ‘yong proper na pagkakasulat. Marami kang makukuhang piece of knowledge diyan. Even this critique itself lol. If you want, puwede kong i-proofread ang Chapter 1 mo tapos ‘yon ang gawin mong basis. (Proofread lang talaga, wala akong babaguhin na salita kasi writing style mo iyon.)

Ililista ko sa baba ang mga napansin ko sa story mo:

• Many typos and wrong spelling of words.

Improve Your Writing : Critique ShopWhere stories live. Discover now