Chapter 6

17 3 0
                                    

A/N: This is supposed to be a Chapter 5.5. kaso wag na lang pala. Hahaha. Anyways, this is the longest chapter I have written SO FAR. Kasi nililimit ko lang yung sarili ko na maximum of 2k words lang ako kasi alam ko yung pakiramdam na mahaba yung binabasa kaya iniiklian ko lang per chapter. But this chapter consists of  2.3k plus words. Hindi ko din alam kung bakit. Enjoy reading! Lovelots!

----

Gavin: nasan na kayo Coral at Harley?

Michael: nakooooo nagdate na lang siguro yang dalawang yan.

Carmie: huy Harley! Lagot ka sa tatay nyan! Dinate mo agad!

Troy: ang bilis mo pre.

Gabby: Harley Dave Asistio lang malakas

Harley Dave: mga hayup kayo.

Coraline: takte kayo. Naliligaw na kami!!!

"Saan na tayo?" Tanong ni Harley sa akin

"Lumagpas ata tayo. Maguyam na to oh. Nalagpasan natin yung. Kaong NHS."

Nakakainis yung driver ng trike na nasakyan namin. Hays.

"Tara sakay ulit tayo ng tricycle. Medyo maaga pa naman eh. 1:30 palang naman." Yaya niya sa akin at hinawakan ako sa siko. Nakaramdam naman ako ng kakaiba na naman sa dibdib ko. Tumango na lang ako kasi nababadtrip na ako sa nangyari sa amin.

Paano ba naman, pagkababa namin sa Sea Oil, nag-abang kami ng tricycle na kulay brown, ayon kay Gabby, diretcho na daw sa Kaong kaya hindi na kami mahihirapan. Nakahanap nga kami. Sinigurado din namin na mahahatid kami ng nung driver. Um-oo naman siya kaya sumakay na kami. Kaso nagtataka ako wala pa din akong nakikitang Kaong NHS. Hanggang sa nakakira si Harley ng katatula na nakasulat ay 'Maguyam'. Sa tinagal-tagal ko sa pag-aaral sa Silang ay kahit papaano, alam ko na yung mga lugar dito. At alam kong lagpas na kami. Agad kaming nagpara. Nung makababa ay malapit na talaga akong mag-alboroto sa galit sa driver pero nagulat ako kasi kumalma ako nung hinawakan ni Harley yung kamay ko para siguro kalmahin ako at siya yung nakipag-usap sa driver. Humingi ito ng pasensiya sa amin at sinabing may tricycle naman daw pabalik sa Kaong kaya makakasakay pa kami.

Sumakay na kami ng trcycle pabalik. Siniguro muna namin na mahahatid niya kami sa Kaong NHS kung saan dun kami susunduin ni Gabby or ni Gavin para makarating kami sa kanila.

Mga sampung minuto lang ang tinagal ng byahe ay nakarating na kami doon. Nakita ko si Gavin na nag-aabang na sa amin. Bumaba na kami sa trike at nagbayad.

"Hay sa wakas! Akala namin nagdate talaga kayo eh." Sabi ni Gavin.

"Edi wow."

"Sungit eh."

"May S bro. Hayaan mo na." Sabi ni Harley.

"Bakit? Meron ka ngayon?" Tanong ni Gavin.

Nanlalaki naman yung mata ko lng tumingin sa kanya. "Gagu."

Tinawanan niya lang ako at niyaya na niya kaming maglakad papunta sa bahay nila.

Nang makarating kami ay naabutan namin sa sala sila Carmie, Troy, Michae at Gabby ma nagvivideoke.

"Ayan na sila! Sa wakas naman!" Sabi ni Troy. Nakamic pa siya kaya naglingunan sa amin yung ibang tao sa loob ng bahay nila which is yung mga kamag-anak nila. Nakakahiya.

"Anyare sa inyo?" Tanong ni Carmie.

"Mahabang kwento. Basta lumampas kami." Sabi ni Harley.

"Oh eh anyare dyan? Bakit nakasimangot?" Turo naman sa akin ni Michael.

Simula Pa Nung UnaHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin