6

75 26 47
                                    

"Ano ba Jacob! Sabi ng baba ako eh!" inis na singhal ko sa kanya.

Hindi ko alam na may plano pala siyang ganito!

"Vianna, can you please shut your mouth! Let me explain my side here," sabi niya habang nagda-drive.

"Itigil mo na ang kotse, ayaw ko pang umuwi sa amin! At ayaw kitang makausap." sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Hey! Ouch! I said stop!" sabi niya sabay hawak sa mga kamay ko at agad tumingin sa mga mata ko.

Hindi ko namalayan na tumigil ang sasakyan niya.

"I am telling you, Vian. Stop."
kalmado niyang sabi sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Napaka-seryoso niya pero hindi ko maintindihan kung ano ba itong pakulo niya?

"Uuwi na ako, dito nalang sa tabi. Maglalakad ako," sabi ko pero dineadma niya lang ako, at nagpatuloy pa din siya sa pagmamaneho.

Parang walang naririnig..

Napatingin ako sa kalsada, pero nilagpasan niya lang ang lugar ng subdivision namin.

"Jacob, lagpas na tayo." sabi ko na agad siyang tinignan. "Jacob.." tawag ko pero hindi niya pa din ako nililingon.

"Keep quiet or else ibabangga
ko itong sasakyan sa poste." banta niya na ikinagulat ko.

Akala niya naman natatakot ako..

"Edi gawin mo, hindi ko naman kotse to!" sabi ko pero ngumisi lang siya.

"Okay," tipid niyang sagot at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"Jacob, ano ba! Hindi na talaga ko natutuwa! Bagalan mo nga!"
sigaw ko pero para siyang bingi.

"You once told me to do, so I'll go with it." seryosong sabi niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi dahil sa kilig kundi sa nerbiyos na ginagawa niya..

"Binabawi ko na!" sigaw ko sabay hawak sa handler ng sasakyan.

Ah ewan ba kung anong tawag doon! Basta hawakan sa may ulo ko banda!

"Say the magic word," sabi nya habang patuloy sa pagda-drive ng mabilis.

Anong magic word sinasabi nito?

"Jacob! Tigilan mo na! Please.."
sabi ko sabay hawak sa aking dibdib.

Ramdam ko ang unti-unting pagbagal niya sa sasakyan, kaya
nakahinga ako ng maluwag.

"Are you okay?"

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin. As in! Iyong mukha niya, kaharap ko na!

Huwag kang marupok, Vianna..

"A-ayos lang," sabi ko sabay ayos ng upo pero nanatili pa din siya sa ganoong puwesto. "Jacob," tawag ko pero nakatitig pa din siya sa akin.

"I really want to see your face like this," sabi niya na animo'y
sinusuri ang kabuuan ng mukha ko. "I don't know who are you in my childhood days, that's why I told you to prove to me your reason.." dagdag niya sabay balik sa puwesto.

Anong nangyari sa kanya? Hindi niya ba ako naaalala?

"I was diagnosed in hospital of Korea when I was nine. I don't know what happened when I wake up, but my mom told me.."sabi niya habang nakapokus sa daan habang ako, hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"My head was bumped in a big hole because there was a van approaching, when I ran to escape." paliwanag niya na agad
kong ikinagulat.

Ang ibig sabihin ay naaksidente
siya noon?

"I got comatose for almost a year there, and my memories were fade. I can only remember my family and nothing more with that, even you.."

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Hindi ko akalain na ganoon ang nangyari sa kanya ng dahil sa akin.

"Axel really heard what my friends were talking about, but
I don't like the plan they wanted, Vianna." sabi nya habang patuloy pa din sa pagda-drive.

Saan ba talaga kami pupunta?

"Pero sabi mo totoo, diba?" sabi ko sabay punas sa aking luha.

"Yeah, but he didn't finish our conversation so he didn't hear what's my answer on it."

Ramdam ko ang paghinto ng sasakyan niya kaya napatingin
ako sa lugar na iyon.

Ang parke... kung saan ko siya madalas hintayin noon..

Lumabas na siya ng sasakyan, kaya agad akong sumunod.

Nakatayo lang siya sa gilid ng kotse habang nakatingin rito.
"Some of the students told me that you always waited me here. Can you tell me something, what we usually did here before?" sabi niya na seryosong lumingon sa akin.

Lagi tayong naglalaro at lagi mo din akong tinuturing na prinsesa..

Ngumiti ako sa kanya at agad na tumango. Kung alam ko lang na ganoon ang nangyari sa'yo, edi sana noon pa.. nilakasan ko na ang loob ko para lapitan ka..

"Oo naman, pero kasi magga-gabi na!" sabi ko sabay kamot sa ulo. "Baka kanina pa ako hinahanap  ni Mama." dagdag ko na agad niyang ikinangiti.

Tama ba itong nakita ko? Ngumiti si Jacob sa harap ko!

Ang pag-ngiti niyang iyon ay nagdulot ng kakaibang saya sa puso ko!

Ngayon ko lang nakita ang ngiti niyang iyon na masasabi kong hindi pilit, talagang bukal sa kanyang loob nanggaling..

"Isa pa!" sabi ko pero bumalik na siya sa dati niyang awra. Iyon bang cold at seryoso..

"Get in." tipid niyang sabi sabay lapit sa driver seat at iiling-iling
ang ulo.

"Teka, Jacob," pigil ko sa kanya na agad niya namang ikinalingon  sa akin. "Girlfriend mo ba iyong kasama mo kaninang umaga?" tanong ko na ikina-kunot niya ng noo.

"Who?" sabi nya sabay tingin sa akin ng diretso habang naka-pamulsa.

"Yung babae kaninang kasabay mo pumasok sa school," sabi ko dahilan para muli kong makita ang kanyang pag ngiti.

Dalawang beses ko na siyang nakitang ngumiti sa araw na ito.

"No," sabi nya sabay pasok sa kotse, kaya agad din akong pumasok sa passenger seat.

"Anything you want?" tanong niya sa akin habang ini-start ang engine. "I want to give back what you always done for me." sabi niya pero umiling ako.

"Hindi na kailangan," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Paano kasi nakatingin pa din siya sa akin.
"Bukal sa loob ang pagbibigay ko ng mga iyon, hindi mo kailangan na suklian pa." dagdag ko sabay tingin sa kalsada.

Madilim na ang paligid.

"Umalis na tayo,"  sabi ko pero kahit bukas na ang engine, hindi
pa din pinapaandar ni Jacob ang sasakyan.

Agad ko siyang nilingon pero sumalubong sa akin ang malambot niyang labi.

Woaaah! Iyong first kiss ko!

"I also did it genuine from my heart. So you don't need to kiss me back, Vianna.."





To be continued..

Fall for Jacob Guitterez (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon