Yellow 8: Happiness

19 1 19
                                    

A/N: Last four chapters of Yellow! Now that the story of Jed and Kale ended at the last chapter, mag-focus naman tayo sa story ni Kale and Lee.

Pagkatapos ba ng lahat, makukuha pa rin nila ang kasiyahang matagal na nilang inaasam?

// —— //

"Nandito na po ulit ako." bati ko kay Daddy.

Kung saan ko siya naabutan bago ako umalis ay naroon pa rin siya ngayon.

Inalis niya ang kanyang tingin sa laptop na nasa kanyang harapan, pagkatapos ay itinuon ito sa akin.

"O anak, bumalik ka na pala." bati niya sa akin.

"Aakyat po muna ako. Maya-maya na po siguro ako kakain." tatahakin ko na sana ang daan paakyat ng kuwarto ko nang muling magsalita si Daddy.

"Hep!" napatigil ako nang lumakas ang kanyang boses, napatingin tuloy ako sa kanya. "Mag-usap nga tayo anak." dugtong niya.

Biglang dumaloy ang kaba sa buong katawan ko. Ano naman kaya ang puwede naming pag-usapan?

Mga ilang sandali rin ang itinagal bago ako naupo sa tapat ni Daddy. Sinara niya ang kanyang laptop nang magkaharap kami.

"Kumusta ka na?" diretsong tanong niya.

"A-ayos lang po ako." nauutal kong tugon. Sa tingin ko naman, hindi na dapat pang malaman ni Daddy kung anong problema ko. May problema rin naman siya kaya ayoko nang dumagdag pa.

"Lee, tuwing umuuwi ka, lagi kang malungkot. Hindi mo man sabihin sa akin pero nakikita ko sa mukha mo, nakikita ko sa mga kilos mo." ani Daddy.

Oo nga pala, wala nga palang nakalalagpas sa mapanuri niyang mga mata.

"Daddy, ayos lang po talaga ako." pinilit ko pa ring hindi sabihin kay Daddy.

"Tungkol ba ito kay Kale?" nagulat ako sa sumunod niyang tanong.

Matagal nang alam ni Daddy kung ano ang tunay na nararamdaman ko kay Kale, tanggap naman niya ako. Hindi rin siya nangingialam sa akin dahil ang sabi niya'y hindi naman daw niya ito love life. Marahil ay alam ni Daddy na kaya ko nang magdesisyon mag-isa.

Napabuntong-hininga ako. Muli ko lang naalala kung anong nangyari.

// —— //

"Daddy, aalis po muna ako." maaga akong umuwi sa bahay ngunit hindi rin naman ako nagtagal dahil nagpalit lang ako ng damit. Gusto ko kasing makausap si Kale.

Gusto ko nang mawala lahat ng iniisip ko.

"Saan ka pupunta anak?" tanong ni Daddy, hindi na niya ako nagawang tingnan dahil abala siya sa kanyang ginagawa.

"Kila Kale lang po. May pag-uusapan lang po kami." sagot ko sa kanya.

"O sige. Mag-ingat ka anak, a. Umuwi ka rin agad."

"Opo, daddy." tugon ko bago ako umalis.

Dahil dalawang kanto lang naman ang layo ni Kale sa amin ay napagdesisyunan ko na lang maglakad. Habang naglalakad ako'y iniisip ko na rin kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Kale, gusto kita— ang pangit, ang plain pakinggan!" singhal ko sa sarili.

"Kale, gusto ko sanang malaman mo na matagal na akong may nararamdaman sa iyo— ang pangit din!"

Ilang mga pangungusap din ang sinubukan ko, ngunit wala akong nagustuhan kahit isa.

Hindi ko man lang namalayang malapit na ako sa bahay ni Kale dahil sa sobrang lalim ng iniisip ko.

Yellow (Color Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz