Kabanata 1

4 1 0
                                    


LULAN ng isang mamahaling kotse, palinga-linga ako sa bawat kalyeng madaraanan namin. Hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin nitong mga balyenang itiman na sumundo sa akin, ang alam ko lang ay ipinadala sila ng Kuya Rem ko.

Speaking of my Kuya, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung bakit biglaan ang kaniyang pag-a-abroad gayong wala naman siyang nababanggit patungkol roon. Alam kong maraming naiwang utang ang Daddy namin pero ang iwanan niya ako ng basta at mag-iwan lamang ng munting sulat ay talaga namang nakapagtataka.

Sa sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang lumiko na pala ang sinasakyan namin sa isang malaking gate at saka tumigil. Pinagbuksan kami ng isang lalaking sa tingin ko'y nasa mid 20's. Hindi mukhang mamahalin ang suot niya pero sa tindig at kilos nito, halata mong respetado siyang tao.

"Siya na ba ang tinutukoy ni Master Jaguar?" pormal na tanong nito sa isang balyenang itiman, ni hindi mababakasan ng kahit anong emosyon sa boses nito.

Sino naman kaya iyong Master Jaguar? Tska bakit ako dinala rito?

"Siya nga po, Sir." tanging tango lamang ang naging tugon nito sa balyenang itiman, mistulang naunawaan naman nito ang nais ipakahulugan ng lalaki. Lumapit ang mga ito sa akin saka ako inilalayan na makababa ng kotse.

Nang makababa ay mabilis akong hinila ng mga ito papasok sa malaking pinto. Halos malula ako nang sipatin ang kabuuan ng bahay.

High-ceiling ito at mala italian ang theme. Mula sa chandelier na nakasabit sa kisame, sa railings ng hagdan, at maging sa mga muwebles na naka-display roon--lahat ay mistulang tinubog sa pilak.

Talaga namang sumisigaw sa karangyaan ang bahay. Nahiya tuloy ako para sa sarili,  gusot-gusot ang damit ko at tanging tsinelas lamang ang aking pampaa.

Buhat kasi nang bulabugin ako kanina ng mga balyena ay hindi na ang mga ito nag-abalang tanungin pa kung nakaligo na ba ako o miski nakapag-impake man lamang. Basta na lang nila akong sinakay sa magarang kotse.

Awtomatikong akong napaahon sa malalalim na pag-iisip nang marinig ang mabibigat na yabag na nagmumula sa hagdanang nababalutan ng red carpet.

Mula roon ay dahan-dahang bumaba ang mala-Greek God na lalaki. Suot nito ang isang puting long sleeve na nakatupi hanggang siko, black pants at isang pares ng nagkikintabang black leather shoes. Matangkad ito at kahit pa naka-damit, masasabi mong well-built ang kaniyang katawan. Mayroon itong makakapal na kilay, mahahabang pilik, mapupulang labi, at kulay bughaw na mata. Kulang yata ang salitang "perfect" para ilarawan ang kabubuan nito.

Nabalik ako sa huwisyo nang makita ko ang mga balyenang itiman at maging ang lalaking 'Sir' kung tawagin na kapuwa nagsitunguhan na animo'y nagbibigay papugay sa lalaking pababa ng hagdanan.

Nahiya naman ako kaya nakigaya na lang rin ako.

"Is that her?" tanong nito sa baritonong tono.

Hala! Bakit pati boses niya pang Greek God din?

"Yes, Master. She's Jana Castillo."

Hindi siya pinansin ng kanilang Master, imbes ay nagdiretso ito sa kinatatayuan ko.

Hindi ko alam kung anong mayroon sa mga tingin niya pero pakiramdam ko'y para akong ice cream na malulusaw.

"So, are you aware that for now on you're living here with me?" para naman akong napipi sa tanong nito.

Ano raw? Titira ako kasama siya?

"Ha? B-bakit?" hindi ko napigilan hindi mautal. Napaka-intimidating kasi ng aura niya.

"Nevermind. Pumanhik ka na lang sa kwarto mo at magpahinga. Si Jaron na ang maghahatid sa 'yo." anito at bigla na lang naglaho sa paningin ko.

Ganoon na ba talaga kahaba ang mga biyas niya para biglang mawala nang ganoon kabilis?

At saka teka, sino pala iyong Jaron?

"I'm Jaron, Madame." pagpapakilala noong "Sir" kanina. Jaron pala ang pangalan niya. Ang cute naman.

"Kuya naman, Jana na lang. Isa pa, pwede ko bang matanong kung bakit ako nandito? Kaano-ano ba ng Kuya ko iyong lalaki kanina?"

Blangko lamang ako nitong tiningnan saka naunang maglakad. Sinundan ko ito dahil sabi ni Master Jaguar, ito raw ang maghahatid sa akin sa aking kwarto.

"I'm not allowed to answer your questions. But one thing for sure, Master will be your guardian for now on. So, rest assured that everything you need will be on your hands immediately." sunod-sunod na sabi nito habang papaakyat kami ng engrandeng hadganan.

Sa tanang ng buhay ko, ngayon lamang ako nakapasok sa ganitong kalaking mansion. Kinabog nito ang five star hotel sa sobrang laki. Dati-rati ay nakikita ko lamang ito sa isang magazine pero kita mo ngayon at dito na raw ako titira.

Nilibang ko ang paningin ko sa mga nakikita at hindi na muling nagtanong pa. Ayoko naman pilitin si Kuya Jaron kasi baka sisantihin siya kapag sinuway niya iyong amo niya. Ganoong-ganoon pa naman iyong mga nababasa ko noon dati sa libro at iyon ang ayokong mangyari sa kaniya. Kaya sa ngayon, ititikom ko na lamang ang bibig ko.

"This is your room." presinta nito sa magkahalong silver at black na kulay ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas ay tumambad sa akin ang napakalaking kwarto.

"Seryoso ka ba, Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang hirap naman talaga kasing paniwalaan. Biruin mo itong magiging kwarto ko ay doble ng laki ng dati naming bahay.

Iisipin ko pa lang ang presyo ng pagpapagawa rito ay para na akong hihimatayin. Malamang sa malamang ay milyones ang inabot ng gastos rito, not to mention na kwarto pa lang ito ha.

"Yes, Madam--"

"Jane nga, Kuya. Drop the formality, isa pa hindi mo naman ako amo, eh." palatak ko saka napanguso.

"You are." pagpupumilit nito.

"Hindi nga sabi, kulit. Balakadyan!" iniwan ko na siya roon sa tapat ng pinto saka pumasok.

Namamangha kong pinagmasdan ang bawat disenyo. Simple lang ang kwarto pero ang lakas ng dating. Hindi feminine ang kulay pero maganda. Spacious rin kasi kakaunti lamang ang mga gamit. Minimalist siguro itong si Master Jaguar, pero gayunpaman, it doesn't make him less fortunate. Mas nagmukha pa nga siyang mayaman lalo kasi kahit kaunti lamang ang mga gamit, masasabi mong mahal ang halaga ng mga iyon.

Siguro kung nabubuhay lamang si Daddy at hindi nalugi ang negosyo namin, baka ma-afford rin namin ang ganitong klase ng pamumuhay.

"I'm going downstairs. If you need anything, don't hesitate to tell me. The intercom is located behind that curtain, just press it--"

"Okay, Kuya. Thank you." putol ko rito. Masyado na kasing mahaba ang sinasabi niya, kahit naman hindi niya ipaliwanag ay alam ko na iyon. May ganoon kasi dati sa office ni Daddy.

Tinanguan na lamang ako nito saka isinara ang pinto ng aking bagong kwarto.

Humugot ako ng malalim na paghinga saka pabagsak na inilapat ang katawan sa malambot na queen size bed.

'Bakit ba talaga ako nandito? At sino ang lalaking tinatawag nilang Master?' mga tanong na pilit bumabagabag sa isip ko.

Sa ngayon ay hindi ko talaga lubos maisip kung bakit ako iniwan ni Kuya.

Hindi kasi tanggapin ng utak ko na nag-abroad lamang siya.

May mali, eh.

May kutob akong hindi iyon ang totoong rason.

Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoo...





His PaymentWhere stories live. Discover now