Chapter 17

147K 6.8K 2.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#MY17 Chapter 17

Granted na naligaw ako at masakit ang buong katawan ko at mahapdi din ang mga mata ko sa pag-iyak ko kagabi, but upon seeing the view of the apartment that I'd be staying in, parang nabawasan ng kaunti iyong dinadala ko.

"Enjoy your stay," sabi sa akin nung mabait na lalaki na nag-assist sa akin via message habang naliligaw ako kung paano makaka-rating dito.

After making sure that the doors were locked, I stripped all of my clothes and plopped myself on top of the bed. I knew I should take a bath dahil pakiramdam ko ang dumi-dumi ko na sa layo ng byahe ko, but I felt really tired.

"What..." I said when my phone kept on vibrating at nakita ko na si Niles iyong tumatawag.

"Nasaan—" sabi niya at napa-tigil. "Naka-hubad ka ba?!"

"Duh," I said. "But hindi ko naman ipapa-kita sa 'yo, asa ka pa," I continued as I rolled over para iyong mukha ko lang iyong kita ni Niles. "What's up?"

"Ano'ng what's up ka d'yan? I called your hotel tapos sabi nag-early checkout ka raw."

"Yup."

"So, nasaan ka ngayon?"

"Switzerland," I said. "I need a change of scenery."

"Baliw ka talaga. Sayang bayad mo. May 4 days ka pa 'dun."

"Bayaan mo na," sabi ko kahit syempre nanghihinayang din ako. But it's either that o magstay nga ako roon pero magmumukmok lang ako. "Ang ganda naman dito. Worth it na rin."

Napa-irap si Niles. Dati naman 'di siya sobrang kuripot—nahawa na ata sa asawa niya na hari ata ng pagiging kuripot. Akala mo walang pera, e. Kahit itaktak mo ata 'yung si Marcus 'di maglalabas ng pera kapag feeling niya hindi essential.

"Bakit nandyan ka bigla?"

I rolled my eyes. "Kunwari ka pa."

"Kunwari?" she asked, feigning innocence.

"Kaya siguro pina-upgrade ako nila Mama dahil alam nila na si Levi iyong captain nung flight ko—"

"What?!" she asked, cutting me off. "Si Levi iyong captain?! Nagkita ba kayo?!"

I turned the camera off and then looked for a bathrobe tapos ay sinuot ko iyon. I sat on the chair outside the porch. Sinandal ko iyong phone para hindi ko na siya hawakan, at saka para makita ni Niles iyong view. Ang ganda dito. Grabe. Parang ang sarap magretire dito.

"Yup."

"And... kasama mo siya sa Paris?"

"Pauwi na siya d'yan."

"Kaya ka nandyan bigla sa Switzerland?" I just shrugged. "Nag-away na naman kayo?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi kami bata, okay? Nag-usap kami—hindi nag-away."

"So? Kahit nag-usap na kayo, hindi pa rin kayo okay?"

I shrugged again. "Can we drop the topic na? I just want to enjoy this vacation, Niles. Pagbalik ko sa Pinas, sige tanungin mo ako all you want," I said, smiling sadly. "I feel really bummed out about Levi. I'll still feel bummed out about it pagbalik ko sa Manila. So, can I please have the remaining 3 weeks to at least try to pretend that I'm enjoying this trip?"

Niles nodded and smiled. "Okay..."

"Thank you," I said. "I'll give you a tour dito sa apartment. Ang ganda dito! Punta kayo ni Marcus. Sobrang ganda. Baka dito mabuo ang pangatlong inaanak ko."

(Yours Series # 2) Maybe Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon