Elisse's POV
Saan kaya nagpunta ang isang yun ni hindi naman macontact at sumasagot sa tawag!
Kinakabahan na ako!
Hindi naman siguro yun gagawa ng bagay na hindi maganda bagay na mas makakasira sa kaniya.
"Eli ano nakontact mo ba?"
nag aalalang sabi ni Paul na kakauwi lang galing sa paghahanapMay pangamba sa aking pusong tiningnan siya
"H-indi nakita mo na ba?"
Naiiyak ko pang sabi ditoHindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyari dun. Sabi niya kasi nung nakaraan pagod na siya. Ewan ko ba pero hindi ko naman maiwasang mag isip ng kung ano ano lalo pa ngayon na hindi ko siya makontak!
"Wala pero may nakakita daw sa kaniya kanina na nag grocery pero nawala nalang bigla doon"
Nasapo ko nalang ang aking noo ng makaramdam ng hilo kaagad na nilapitan ako ni Paul at inalalayang makaupo
Nasaan ka ba Belle?
Sabay pa kaming napalingon ni Paul ng tumunog ang cellphone ko
Namilog ang mata ko sa numerong bumungad sa akin.
"Gabriel"
Ani ko ng sagutin itoPero gumaan ang loob ko ng boses ni Belle ang narinig ko sa kabilang linya
"Elisse si Belle ito,sorry ngayon lang ako nakatawag. Pauwi na ako sa bahay nalang tayo mag usap"
Kalmado nitong sabi"Mag-ingat ka marami kang ipapaalam at ie-explain sa kin ha"
Aniko bago patayin ang tawagNakaluwag luwag naman ang aking pakiramdam ng malamang ayos siya.
Susko akala ko ay kung ano na ang nangyari sa babaeng yun hindi kasi sumasagot.
At tsaka bakit kasama niya si Gabriel?
Shine's POV
Pihadong isang damakmak na tanong ang sasalubong sa akin mamaya pag uwi ko.
Nalingon ako kay Gabriel na nakatutok sa daan habang nagmamaneho ang isang kamay ay nakahawak sa aking kamay.
Totoo ba talaga ito o isang panaginip lang? Kasi kung panaginip ito ayoko ng magising pa basta kasama ko siya.
Mahirap aminin pero nasa akin yung sana hindi na siya mawala sa akin.
"Shine free ka ba tonight?"
Pag putol niya sa katahimikan na nabalot sa sasakyan"Hmmm bakit"
Aniko habang nakatitig sa kaniya"I just want to date you tonight,if it's okay with you"
lumingon siya sakin na may ngiti sa labiDiyan na naman tayo sa ngiti mo Gabriel e makakatanggi pa ba ako?
"Oo naman basta ikaw kasama ko"
Sagot ko dito"Great I want to make our night memorable,our first night as couple right"
Nagpapa cute pa nitong sabiCouple?
Sounds great tho
Imagine boyfriend ko na yung taong palihim kong minamahal noon
Totoo pala yung kantang patuloy ang pangarap.
Pinangarap lang kita noon pero minamahal mo na ako ngayon.
"Yes couple"
"I love you"
Anito bago alayan ng halik ang likod ng kamay ko na hawak niya
YOU ARE READING
LOVE SIN SERIES : MY ALL
Short StoryKaya mo bang ibigay ang lahat sa isang tao kahit wala ng matira sayo? O Hayaan nalang ang taong mahal mo na magdusa sa isang pangyayaring hindi niyo pareho ginusto? Being with the love of your life is like achieving your dreams,it is like a success...