CHAPTER 2

8 0 0
                                    

CHAPTER 2

Nag-aabang ako ngayon ng jeep papasok sa school. Medyo maaga ako para makasakay kaagad. Baka kasi ma late ako, marami kasing pasahero ngayon dahil may pasok. Kadalasan ay mga estudyante.

Nakisiksik ako kahit masikip na. Nakisuyo ako paabot ng bayad sa katabi kong babae. Habang naghihintay na makarating sa university ay nagmasid lang ako sa paligid.

May kanya-kayang ginagawa ang mga nakasakay. May nag cellphone, nagkwentuhan, nagtawanan at may natutulog.

Nagulat ako dahil biglang may sumandal sa balikat ko.

Matandang babae, nakatulog siya at hinayaan ko nalang.

Nakarating na ako sa university, kaya agad na akong pumasok sa gate na nakayuko. Sasalubungin ko na naman yung mga mapangkutyang mga estudyante. Napabuntong hininga ako.

Kailan kaya darating ang araw na hindi na nila ako huhusgahan?

Nasasabik na ako sa araw na iyon. Hindi pa ako nakapasok sa building ng may bumuhos sakin.

Mapait akong napangiti.

Binuhusan ako ng ice tea, ang lamig.
Nanginginig na ako ay hindi parin nila ako tinigilan. May nagbuhos din sakin ng spaghetti. Tsk. Sinasayang nila ang pagkain.

"Yan bagay yan sayo!"

"Bat kapa kasi nandito?"

" hindi ka nababagay dito!"

Nanatili akong nakayuko at hindi pinapansin ang kanilang pangungutya. Ayaw ko ng labanan pa dahil kung lalaban ako ay wala na akong pinagka-iba sa kanila.

Nag-iisa lang ako. Mhabella Chres Bajado. Wala ng mas aangat pa.

Lalakad na sana Ako ngunit may pumigil na isang kamay naka hawak sa braso ko. Huminto ako ngunit di lumingon.

Hanggang sa naramdaman ko na naman ang likido na dumaloy mula sa ulo ko.

Kanina ice tea, ngayon naman ay coke. Nagsasayang talaga sila. Kung sana binigay nalang nila sakin.

Lihim akong napangiti. Wala ng mas mababa pa sa mga taong ito. Kailan kaya nila ma realize na ang babaw nila?

"At sa tingin mo ba ay makakaalis ka kaagad?" Isang maarteng tinig ang narinig ko. Sayang ang ganda sana ng boses niya kaso kabaligtaran namn ang ugali.

Hindi ako umimik. At lalo siyang nagalit.

"I'm talking to you! You should face me!" Histerikal na sabi niya. Nakakatawa siya.

Pumihit ako paharap. Nagtatapang-tapangan. Pagkatapos ay ngumiti.

"Maaari na ba akong umalis? Sapagkat ako ay mahuhuli na sa klase." Mahinahong wika ko. "Maaari mo na ba akong pakawalan? Dahil kinausap na kita?"

"Its not easy like that, bitch. You know what? You should leave this school! We don't fucking need trash like you here." Wika niya. Ngunit alam kong ano mang oras ay sasaktan na niya ako ng pisikal.

"Pwede naman na huwag na ninyo akong pansinin. Dahil wala rin naman akong pakialam sa inyo." Sagot ko naman. Sa totoo lang ay napapagod na akong maging mahinahon. Sa buong buhay ng pag-aaral ko ay ganito nalang lagi.

Pwede naman siguro na sa pagkakataon na ito ay ipagtanggol ko na ang sarili ko.

"Aba't sumasagot kapa!" Pabatong binitawan niya ako at tinawag ang kasamahan niya. "Pahingi ako ng sanitizer, ayoko mahawaan ng germs niya." Agad naman na binigay ang kanyang hiningi. Hindi ba niya alam na nakakatulong din ang germs sa  katawan?

Loving You, Hurts MeWhere stories live. Discover now