Part One - New Home

63 7 0
                                    

I hummed along with the song on my headphones, stared outside the car and took note of everything. The roads we passed were silent. And the few people we encountered gave us cautious looks.

Nakakakilabot.

" This place is strange," usal ko habang pinatay ang kanta at isinabit ang earphone sa leeg.

" Alangan naman maging pamilyar sa'yo ang lugar.We've never been in a province," pabalang na sagot ni ate.

" Yeah. Pero wala naman sigurong lugar na walang katao-tao!" giit ko sa usapan.

Tumikhim si kuya. Magulo ang kanyang buhok na nakatabon sa nakapikit niyang mga mata.

" Ito ang bayan ng Makahiya, hango sa halamang makahiya na tumitiklop kapag nahahawakan. Maraming nanirahan sa bayan na'to. Kung tutuusin mas marami at mas maganda ang naglalakihang bahay at ari-arian dito. But you see, this is a mountain village. At nasa itaas na bahagi tayo. Ito talaga ang main road kaya dito tayo dumaan. The village people dwells on the lower part of the mountain at hindi tayo ganun ka espesyal para salubungin," mahinang paliwanang ni kuya na nakapikit pa rin.

Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Anong klaseng buhay kaya ang daratnan namin dito? Will I be able to make it?

Nadala ako sa iniisip at hindi na namalayang nakatulog.

" Gising! Nandito na tayo!" I instantly opened my eyes when I heard my mom's voice.

Napatingin ako sa wristwatch. It's already 1 PM. I slept half of an hour.

Lumabas ako sa kotse at tumingin sa paligid. Everyone looked excited except me.

Sino ba naman ang matutuwa kung lilipat kami sa napaka old - fashioned na villa? Mom said it was built by the first ancestor of our bloodline.

Nasa kasulatan na ipapamana ang bahay sa ikalawang babae ng ikawalong henerasyon. The second woman of the 8th generation is mom. That's why we're here.

The Hillsythe Villa.

" Lakas maka-vintage style!" namamanghang sambit ni ate.

But vintage is not my style. I prefer the small house we had in Manila that we have to sell because dad got fired and he hasn't made up a plan for another job yet.

Hinagod ko ng tingin ang paligid. Ang tahimik. Ang tataas ng mga puno. Medyo may kadiliman nga lang dahil sa masukal na kagubatan. The place is more like a haunted house. May kalawang pa ang bakal at sirang gate na hindi ko man lang matantya kung ano ang kulay.

"Sarap ng hangin. Ang lamig! " I commented. It's the only thing I'm thankful that worth celebrating.

" Sa wakas na tuwa ka na rin, " saad ni ate Grace. " Sige na. Pumasok ka na at pumili ng kwarto mo, BUNSO! "

"May problema ka ba sa mga bunso? Sabagay mas maganda naman talaga ang bunso."

Tinawanan lang ako ng peke ni ate. Bilin kasi ni Papa na ako ang unang pipili ng room. She hates the fact that I'm everybody's favorite. Pero paki ko ba?

" Ba't ba ang tagal nyo? Gusto nyo dyan matulog? "

"Papasok na po kami kuya Charles," tugon ko kay kuya. My brother looks like a puppy. But he's really scary.

" May curfew ba ang bahay? Excited ka masyado," pahabol na wika ni ate Grace. Mas matanda sya kaysa ni kuya kaya hindi na ako nanghihimasok sa sagutan nila.

Sira ang doorknob kaya deretso ang pasok namin sa loob.

" Ako na mauuna," wika ko at nilampasan sila. Everyone in our family is sensitive to dust, except me, kaya ako na ang sumalubong sa alikabok. Halata namang makapal ang alikabok sa loob ng villa. There are cobwebs everywhere. Tinatakpan ng puting tela ang mga gamit sa loob pero hindi pa rin ito nakaligtas sa alikabok dahil sa tagal ng panahon.

Claves Series 1: The World Beneath My Blanket  Where stories live. Discover now