HIS PROMISED 11 YEARS AGO

22 2 4
                                    

WARNING: This is a work of fiction. Names, Characters, Businesses, Places, Events and Incidents are either the product of the Author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

AUTHOR'S NOTE: Please, paki-correct ako if may mali sa mga grammar ko. You know, I'm not perfect.


HEKA GARCHI

Naghahanda ako ngayong linggo dahil magsisimba kami ni Klei, boybestfriend ko.

Napagdesisyunan namin na sa simbahan nalang magkita para iwas issue.

Alam nyo na, maraming cctv sa tabi-tabi.

Pagkarating ko sa bungad ng simbahan ay agad ko syang nakita na kumakaway sa akin.

Napangiti ako at sinalubong sya ng yakap. Natural na iyon sa amin dahil close na close kami sa isa't-isa.

Minsan nga lang ay nalilito ako sa nararamdaman ko. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing magkakalapit kaming dalawa.

Nagsimula na ang misa nang makaupo kami ni Klei. Lalaki ang katabi ko sa kaliwa kaya pilit nya akong pinapausog papunta sa kanya sa kanan.

Ewan ko sa lalaking 'to, pero kinikilig ako sa ginagawa nya.

Pagkatapos ay lumabas na kami ng simbahan.

Luminga-linga ako sa paligid dahil gusto kong bumili ng sampaguita pero mukhang walang nagbebenta ngayon.

Bigla naman akong napalingon kay Klei nang hawakan nya ang braso ko.

"Heka, maganda itong simbahan na ito 'no?"

Napatango-tango ako at sumagot.

"Oo. Kapag kinasal ako, gusto ko dito iyon ganapin.." kwento ko habang ini-imagine si Klei na nakasuot ng tuxedo at ako naman ay nakasuot ng white gown.

"Talaga? 15 years old ka palang pero yung mga iniisip mo ay pang-twenties na." Aniya at pinitik ang noo ko.

"Eh ano naman?!" Inis na tanong ko rito.

Tinawanan nya ako at tinignan ang simbahan. "Gusto ko rin dito ikasal.." biglang saad nya at tumingin sa akin.

"Ako.. gusto ko sayo ikasal.." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kanya.

"Kailan mo gusto ikasal?"

"Uhm, siguro kapag 26 y/o na ako.. yung tipong wala na akong ibang poproblemahin kun'di yung kasal nalang."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon