Masisilayan pa rin ang 'yong mga ngiti,
Kahit na sa loob mo'y sugatan,
Hahagkan mo pa rin ang mga nahikbi,
Kahit na ikaw mismo ay duguan.Madalas mong hindi pinipili ang sarili,
Kahit na iyong kailangan,
Hindi naglalaho ang ngiti sa labi,
Kahit na ang mata' luhaan.Nararapat ka sa taong ikaw ang pipiliin,
Kahit na sapat sa 'yo o hindi,
Sumbatan man siya o apihin,
Hindi siya makikinig o maririndi.Doon ka sa karapat-dapat sa pag-ibig mo,
Kahit na mangyaring hindi ako,
Sasaya akong mahanap mo ang tamang tao,
Kahit na masaktan kung sakaling ang tayo'y maglaho.Susubukin kong maging mabuti,
Kahit na baguhin ko pa ang pagkatao,
Kahit makalimutan ko man ang aking sarili,
Basta maging sapat sa 'yo, mahal ko.