PULLING MY RED STRING

17 3 0
                                    

CHAPTER 00

"For better and for worst." pero tangina, bakit napunta ako sa ganitong sitwayon?

Bago pa man makarating ang babaeng mapapangasawa ko sa harap ko ay naiiyak na ako. Hindi dahil sa tuwa kung hindi sa panghihinayang.

Kaya ko bang umalis ngayon dito at sabihin na i-postpone muna ang kasal na ito?

Tumingin ako sa paligid, ang daming namamangha sa ganda ng gayak ng simbahang ito pero bakit hindi ko maramdaman ang saya na nararamdaman nila ngayon.

Okay na ako e, di ba dapat masaya na ako? Kasi natupad ang isa sa gusto ko, ang pakasalan ang long time girlfriend ko... 

Pero nagkaroon ng kaba sa aking dibdib nang aminin kanina ng bestfriend kong si Andrei na walang namamagitan sa kanila ng babaeng gumulo ng mga plano ko sa buhay... at tuluyan nang nasira ang pag-iisip ko nang pagbukas ng pinto ng simbahan ay nakita ko siyang nakatayo doon at deretsong nakatingin sa akin. Dahil sa liwanag na nanggagaling sa labas ay naaninaw ko ang kanyang mukha kahit na malayo ito sa akin. Nakita kong may kumislap.

Umiiyak ka ba?

Parang may napunit lalo sa akin. Pero ito ang desisyon ko diba?

Tinanong mo ako kung mahal kita... pero mas pinili kong sabihin na mahal ko siya.

Kasi yon ang matagal ko ng gusto...

Pero bakit parang nag-iba na ito ngayon.


Paninindigan ko nalang ba itong desisyon ko? 

o hahabulin kita dahil ito ang naiisip ko ngayon?


Pero sa huli, naduwag pa rin ako.

Tumalikod kana mula sa akin, hindi na kita nahabol.

Ito na nga ata ang kapalaran ko.

Baka nga ito na.




Ito na nga ba talaga?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PULLING MY RED STRINGWhere stories live. Discover now