Chapter 2

9K 201 7
                                    

"45 days? Kuya naman. Seryoso ba yan? Akala ko couple of days lang. Shit!" Napahampas ako sa unahan ng upuan ko.

Andito na kami sa loob ng eroplano and there's no way of backing out unless gusto kong tumalon dito sa kalagitnaan ng alapaap. Damn! Bakit ba hindi ko agad naitanong kay Kuya kahapon kung gaano kami katagal magiistay doon? Nawala na talaga sa isip ko yun.

Kasi naman eh masyado akong nagenjoy sa make out session namin ni Angel, isa sa mga girlfriends ko. Pagkatapos kasi ng shift nya sa call center eh sinundo ko sya para sana maglunch lang. Eh ang kaso yung lunch namin eh nauwi sa ibang bagay. At pagod na pagod na ako pagdating ng bahay kaya di ko na nagawang kausapin si Kuya.

I never saw this coming. Shit! Naisahan ako ni Kuya. Ngayon ko lang narealize na pinlano nya talaga yung paguwi namin kaya ganun na lang nya ako kung hikayatin.

"Sis, relax! Para ka namang bibitayin eh." Ngiti nito sa akin. At nagawa pa talaga nyang ngumiti sa akin ha! Malamang eh planado nya 'to eh.

"Relax? Paano ako magrerelax Kuya? Inisahan mo 'ko!" Eksaherado kong turan sa kanya.

"Inisahan? Hahaha sis, yun ba tingin mo? Hindi lang nasunod gusto mo, pakiramdam mo iniisahan ka na?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Kuya..."

"Dani, ano ba naman ang 45 days kumpara sa 8 years na nawala ka? Besides, I didn't imply that we're going there for just a couple of days. You just assumed." Kalmadong paliwanag ni Kuya Felix.

"Eh di ba sabi mo sa sunday yung party nila? Kaya nga maaga yung flight na kinuha mo eh para may time pa tayo makapagprepare? And you told me na babalik agad tayong Manila right after matapos yung renewal of vows nila. So I thought after sunday's party babalik na tayo." Naiinis kong sabi. At ako pa talaga sinisisi nya na nagaassume lang ako. Kainis!

"Yeah. May party nga sa sunday pero hindi yun wedding anniversary nila Lolo at Lola. Sa May 20 pa yung anniversary nila. I thought you know that." Para namang nadismaya si Kuya ng mapagtantong nakalimutan ko na nga ang eksaktong petsa. Well, I tend to forget everything I left behind from that place.

Napabuntong hininga na lang ako sa isiping apatnapu't limang araw akong masasadlak sa lugar na ayaw ko ng balikan pa.

Nilingon ko si Kuya at nakitang nakapikit na sya. Mukhang hindi pa naman malalim ang tulog nya. Kinalabit ko sya.

"Kuya..."

"Oh?" Mahinang ungol nya.

"Kelan balik natin?"

"Bakit? Di pa nga tayo nakakarating, pagbabalik na agad iniisip mo? Atat ka na ba masyado makasiping mga girlfriends mo?"

"Sira! Hindi naman. I just wanna know so that I could easily track time." Siraulo talaga 'tong si Kuya. Hinampas ko nga sa balikat. Aba't nginisihan lang ako ng loko at pumikit uli.

Kaya sobrang nilolook up ko talaga 'tong taong ito eh. Tanggap nya kung ano ako. He even knew some of my girls. Never nyang pinakialaman o kinwestyon yung sexual orientation ko. He never judge me the way my family did. Hinayaan nya lang akong maggrow. Hinayaan nyang mahanap ko ang sarili ko.

Although lagi nya akong pinaaalalahanan pero never pa nya akong pinagbawalan magbar o di kaya magclubbing. Pagtuntong ko ng kolehiyo, halos week ends nasa bar ako nagpaparty kasama ng mga kaibigan ko. Hindi din nya ako sinaway maggirlfriend. He practically let me do whatever I want to do provided that I won't fail in my studies. And so far I know somehow I made him proud of what I've become.

"Eh Kuya...kelan nga?"

"Kulit mo. Natutulog yung tao ehh."

"Ehhh...?"

My Life Saver ; My Home (girlXgirl)Where stories live. Discover now