Chapter Fifty💎

33 5 4
                                    

3rd Person's Pov

Abalang abala si Michelle sa pag aayos ng kanyang gamit. Ng bigla siyang kutuban dahil sa yapak na papalapit, ganon din bumibilis ang tibok ng puso nito.

Hanggang sa tumigil ang yapak at huminto sa tapat ng selda ni Michelle. Na sa kalaunay bumukas ang pinto at iniluwa ang dalawang babaeng namumula ang mata.

"Sino kayo? At anong ginagawa niyo dito?" Tulad ni Michelle ay iba din ang kutob ng kasama niya sa selca.

Makikita mo ang mga nanlilisik nilang mga mata. Mahinang sinarado ng isang babaeng nasa Labas ang pintuan at sinimulang harapi ng dalawa sina Michelle.

"Kung gusto mo pang mabuhay umalis kana" wika nito sa kasamahan ni Michelle na kanina pa nangangatug ang tuhod sa takot.

Malungkot itong napatingin kay Michelle, tumango nalang si Michelle at sinenyasan itong umalis na, sapagkat ayaw ni Michelle na madamay pa ang kasama niya.

Ika-ika itong lumabas ng selda nagulat nalang ito ng biglang ambaan ng sampal ang kasamahan niyang babae.

"Anong ginagawa niyo?!" Pasigaw kong tanong at akmang lalapit sa pintuan upang tulungan ay kaibigan niya sa labas.

Ngunit nabigo ito ng hawakan ng isang babae ang damit ni Michelle.

"Sino ang nasa likod nito?" Maluha-luhang tanong ni Michelle sa dalawang babae, pero ngisi lang ang natanggap nito.

"Simulan na natin" sabi ng isa pang babae at sinimulang bugbugin si Michelle.

Suntok, sampal at sipa ang inabot nito.

"Tama na" pilit na nais kumawala ni Michelle sa pambubugbog sakanya. Kilala niya kung sino ang nais magpabugbog sakanya. Kilalang kilala niya.

Umubo ng dugo si Michelle na naging dahilan ng paghinto ng pambubogbog ng mga ito.

"Tara na baka mapatay natin siya wala sa usapan ito" sabi ng babae.

Nilapit nito ang muka niya sa muka ni Michelle.

"Hindi mo kami nakita at ginawa ito ng kasama mo sa seldang ito, naiintindihan moba?" Hindi sumagot si Michelle dahil sa sobrang sakit at hapdi ng nararamdaman nito.

"Sumagot ka!" Sigaw ng isa pang babae at sinabunatang muli si Michelle na walang ibang ginawa kundi tumungo nalang.

Michelle Pov

Sobrang sakit ng katawan ko sa sobrang pambubogbog nila. Sumisikip na din ang dibdib ko at hirap sa paghinga

"Sorry, di kita natulungan kanina" awang wika ng Kasama kong si Danica

Matagal na siyang nakakulong dahil sa pagpatay niya sa asawa niyang halos araw araw siyang bugbugin pero bulag ang korte at siya ang napasama.

"Ayos lang ako, patawarin mo ako at nadamay kapa sa gulong ito" pilit kong itinatayo ang sarili pero bigo ako dahil sa sobrang sakit.

"Kaya ko paba?" Tanong niya saakin

"Ayos lang ako kailangan ko lang ng pahinga, magpahinga kana rin" sabi ko at tiniklop ang katawan dahil diko na kinakaya ang sakit.

3rd Person's Pov

Kinabukasan ay tila hindi mapakali si Danica habang Nagliligpit ng pinaghigaan. Napatingin ito sa dako ni Michelle na kanina pa hindi gumagalaw.

"Yah! Michelle ireona"ika pa ng isa naming kasamahan sa selca at sinipa pa ito pero walang sagot na nakarating sakanila.

Nabahala si Danica kaya naman ay nilapitan niya ito agad. Tumambad sakanila ang walang buhay na si Michelle.

Laking gulat ni Danica at nagtawag ng mga tao sa loob ng kulangan dumating naman ang mga pulis at agad hinawakan ang pulsuhan ni Michelle ngunit wala itong makapang pulso.

"Wala na siya" wika ng isang pulis at nagtawag pa ng ibang kasamahan.

Sa kabilang dako naman ay kabang kaba ang limang babae sa kabilang selda. Nagtago ang isang babae at inilabas ang cellphone nito at kinontack ang kanilang boss

"Hello?" Sagot nito

"May malaki tayong problema"

"Ano yon? Wag niyong sabihin~"  hindi naipagpatuloy ang kanyang sasabihin dahil ayaw niyang mang yari ang nasa isip niya

"Tama ka patay na si Michelle Kim pero wala ka ng ipagbahala doon kumpletuhin mo ang bayad mo" madiin nitong sinabi ang bayad para sa serbisyo

"Makakaasa ka"

At dito itinigil ang kanilang paguusap.

Zyl's Pov

Nagpapahinga kami ngayon dahil kakatapos lang namin na magpractice, ng bigla kong mabangga ang basong nasa tabi ko at nabasag kinutuban ako ng kakaiba na parang may masamang mang yayari.

Inalog ko ang ulo at iniwasang wag maiisip ng ganong bagay, dumating sina Y/N at Rina

"Anong nangyari ayos ka lang ba unnie?" Pag aalalang tanong ni Rina na nakatingin sa nabasag na baso

"Ayos lang ako diko lang napansin ang baso sa tabi ko" sagot at nilinis ang basong nabasag ko.

"Tulungan ka na namin"  alok nila na tinanggap ko naman kaagad.

Swerte ako sa nga kagrupo dahil sa hindi lang sa magaganda at mababait pa. Napangiti nalang ako at mabilis na tinapos ang ginagawa ng biglang pumasok si Maria na pawis na pawis

Nagtaka naman ako at napangiting muli ang bunso ng grupo namin.

"Magdahan dahan ka nga tignan mo yang hitsura mo pawis na pawis" isinawalang bahala lang ni maria ang bilin ni Rina

Nakitingin lang ito saakin, bakas sa mukha niya ang pag aalala na naging dahilan at bumilis ang tibok ng puso ko.

'i know there's something wrong' sabi ko sa isip ko na hanggang ngayon ay nakatingin siya saakin.

"What's wrong at bakit nagmamadali ka?" Tanong ni y/n

"Si Michelle" pangalan parang kumirot na agad ang puso ko

Sa tuwing naalala ko siya nanunumbalik saakin lahat na parang kahapon lang nangyari.

" A-anong n-angyari?"  Pautal utal kong tanong

Iniabot niya saakin ang kanyan cellphone, kinakabaha ako hindi maganda ang kutob ko sa isang to.

"Patay na siya" salitang naging dahilan ng pagkabagsak ko.

Diko pa man nababasa ang nasa cellphone ay bumuhos na kaagad ang luha ko. Di siya maaaring mamatay pagbabayaran niya pa ang sakit na dinulot niya hindi lang saakin pati ang pangarap ng lucky 9.

"Pano? Pano nangyari?"  Tanong ko sakanya lumuhod si Y/N at niyakap ako.

Hindi ko maintindihan bakit kailangan ako pa? Sa dinami daming tao bat ako pa?

"Binugbog siya sa loob ng selda at ang bumogbog dito ang kasamahan niya sa selda" paliwanag ni Maria at lumohod din at pumantay saakin

Pumasok sa Dance practice room sina Shi at Ella. Agad silang lumapit kung saan ay naroroon ako.

Matamlay akong tumayo at hinarap sila kailangan kong maging matapang. Hahanapin ko kung sino ang nasa likod nito.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"I will be alright, magiging maayos din ang lahat" matapang kung sinabi at napangiti naman sila

This must be a 'CRAZY LOVE' (TREASURE X READER)Where stories live. Discover now