Chapter IX

94 2 0
                                    

Sabal's POV

Narito ako ngayon sa Zariya dahil sa kukuha ako ng libro para sa pag-aaral sa Academiae Royale. Nakabili na ako ng mga librong kailangan ko nang biglang nakita ko si Giro na papunta sa palasyo ng Zariya.

"Giro? Anong ginagawa mo rito sa Zariya?" Tanong ko habang tiningnan si Giro. Tapos may dumating na babaeng kasingkulay ng buwan ang buhok hanggang balikat ang haba nito. Bumili rin siya ng libro para sa Academiae Royale. Nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"M-May kailangan po kayo?" Tanong sa akin. 

"Uhh... W-Wala naman." Sabi ko sa kanya. Tapos ngumiti siya sa akin at umalis. Tiningnan ko ulit ang babae tapos pumunta na ako sa palasyo. Nang makarating ako sa palasyo nakita kong dumating rin si Prinsipe Kael. At nasa harapan ng palasyo ang hari at reyna ng Zariya kausap si Giro.

"Kael! Tamang-tama ang iyong dating. May kailangan kang malaman." Sabi ni Giro nang dumating si Prinsipe Kael. Ano ang kanilang pag-uusapan?

"Ano ang ibabalita mo sa amin, Prinsipe Giro?" Tanong ng Hari. Tapos may nilabas na isang sapin si Giro. Ang sapin noong nawala si Miya Jadeite. Kitang-kita ang mukha ng Hari at Reyna, pati si Prinsipe Kael sa nalaman nila.

"Ang sapin ni Miya... Saan mo ito nakita?" Tanong ni Prinsipe Kael kay Giro.

"Nakita ng kaibigan ko nang pumunta siya sa gubat." Sabi niya.

"Sa gubat? Yan ba yung babaeng kasingkulay ng buwan ang buhok?" Tanong ni Kael.

"O-Opo..." Sagot ni Giro na may kaba. Bakit ka kakabahan, Giro? May tinatago ka ba?

"Kailangan kong makita ang babae." Utos ni Prinsipe Kael.

"Kael, huwag na muna... Sa susunod na araw na lang... Baka hindi pa siya handa..." Sabi ng Hari. 

"Aalis na po ako, Mahal na Hari, Mahal na Reyna, Prinsipe Kael." Sabi ni Giro at umalis na. Nang umalis na siya sa palasyo, nakita kong nagmamadali siyang umalis. Kaya sinundan ko lamang siya kung saan siya pupunta. At sa ilang saglit, pumasok siya sa isang bahay na hindi kalayuan sa palasyo. Kaya pinakinggan ko kung sino ang nagsasalita.

"Narito na ako..." Sabi ni Giro.

"Anong balita sa pamilya ko, Giro?" Tanong ng isang babae. Bakit parang alam ko ang boses na ito?

"Nagulat sila nang ibigay ko ang sapin sa kanila. Nag-iiyak sa tuwa ang iyong ina nang malaman niyang buhay ka." Sabi ni Giro. Ina? Buhay? Sino ang kausap niya?

"Kabado ako na baka magpunta sila rito at malaman nila ang aking pagkatao." Sabi ng babae. Sino ba itong kausap ni Giro? 

"Hindi naman siguro halata, Miya. Darating rin ang araw, malalaman nila ang buong pagkatao mo." Sabi ni Giro. Teka! Miya? Si Miya Jadeite ba ang kanyang tinutukoy? Tapos bumukas ang pinto at nakaharap ko si Giro.

"Sabal???" Duda ni Giro.

"Giro???" Duda ko. At biglang nagpakita ang babaeng nakita ko sa bilihan ng mga libro. Siya si Miya Jadeite ng Zariya?

"Prinsipe Sabal ng Tethoris?" Tawag niya sa akin.

"K-Kilala mo ako???" Tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot niya.

"Miya, mukhang alam na ng kaibigan ko ang ukol sa'yo..." Sabi ni Giro.

"Ukol sa kanya? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Giro.

"Pumasok na lang po kayo sa loob at ilalahad namin ang buong kwento." Bilin ni Miya. Kaya pumasok ako sa loob at ikinuwento ni Miya ang buong pangyayari. Nagulat ako sa kwento ukol sa buhay ni Miya.

"Kaya pala matagal nang nawawala si Diwatang Silvia. Inalagaan ka niya sa loob ng labing-walong taon." Sabi ko.

"At sa harapan ko mismo paunti-unting naglaho at doon naging kaluluwa si Nanay Silvia." Sabi ni Miya.

"Miya, kami ni Kuya Hiro at Sabal na ang nakakaalam sa iyong pagkatao. May plano ka na ba para sa pasukan?" Tanong ni Giro.

"Kailangan hindi muna ako kakausapin ni Kuya Kael. Baka magkawatak-watak ang plano." Bilin ni Miya sa amin.

"At isa pa... Kailangan hindi muna sumama sa iyo si Giro." Sabi ko sa kanila.

"Teka! Bakit naman?" Tanong ni Giro.

"Hindi ba't dikit nang dikit sa'yo si Dehlia. Kailangan hindi niya malaman ang ukol kay Miya." Sabi ko sa kanya.

"Ay! Oo nga pala. Isa pa yun... Basta sunod na lang tayo sa plano, sasabihan ko si Kuya mamaya ukol diyan." Sabi ni Giro.

"Kailangan niyo nang umalis, baka may makakita sa inyo, lalo na si Kuya." Bilin ni Miya. Kaya lumabas na kami ni Giro para hindi kami makita ng sino man. Nagpaalam na kami kay Miya at bumalik na kami sa aming mga palasyo at maghahanda na para sa pasukan.


Unang Araw ng Pasukan...

Miya's POV

Unang araw ngayong pasukan sa Academiae Royale at lahat kami ay may uniporme para paaralang ito. At nakita ko sina Kuya Hiro, Sabal at Giro na kumakaway sa akin.

"Miya, buti naman nandito ka na." Sabi ni Sabal.

"Tamang-tama bukas na ang pinto at wala pang mga tao, gusto mong libutin natin ang buong paaralan?" Tanong ni Kuya Hiro. Tumango ako na may halong tuwa. Kaya pumasok kami sa loob at kitang-kita ang ganda rito. Mga ilang minuto ay nalibot na namin ang buong paaralan at umpisa ng klase ay pumunta kami sa awditoryum at may mga prinsipe at prinsesa mula sa iba't ibang kaharian.

"Parang ang dami ng mga mag-aaral rito." Sabi ko kay Kuya Hiro.

"Sinabi mo, Miya. Dalawampung kabataan sa isang kwarto." Sabi ni Kuya Hiro

"Dalawampu? Bakit?" Tanong ko.

"Isang daang mga kabataan ang mag-aaral dito. Walumpu sa kanila ay kasingtanda mo, Miya. Pero mapapasama ka sa pangkat namin." Dagdag ni Sabal.

"Ha? Bakit naman? Hindi ba't kasama rin si Leon sa inyo?" Tanong ko.

"Uhm... Nakabatay kasi sa ranggo mo sa pagsusulit ang paghahati-hati ng mga estudyante." Paliwanag ni Giro.

"Nakapaskil na ang paghahati ng mga estudyante. Tingnan natin!" Sabi ni Sabal tapos hinila ako papunta sa pisara at tiningnan ang aming ranggo. Hinanap ko ang aking pangalan tapos tinawag ako ni Giro.

"Miya! Nasa unang pwesto ka sa Unang pangkat!" Sabi niya tapos tinuro ang aking pangalan. Oo nga, nasa unang pwesto ako tapos kasunod ko si Rivi ng Zinambra.

"Ayan naman pala eh. Magkaklase pala tayo!" Sabi ni Sabal sa amin ni Kuya Hiro.

"Ikaw? Giro?" Tanong ko.

"Nasa dulong pwesto ng ikalawang pangkat." Sabi niya na may sungit sa mukha.

"Kawawang Giro... Kasama mo naman sina Ravi, Eli at Noah." Sabi ni Kuya Hiro.

"Alam ko. Pero mag-iingat kayo, dahil kasama niyo si Leon." Sabi ni Giro.

"Ano???" Duda naming tatlo. Tapos tiningnan namin ang pangalan ni Leon sa pangatlong pwesto sa pangkat ko. Patay! Kukulitin ako neto.

"Kuya, ingatan mo si Miya..." Bilin ni Giro kay Kuya Hiro.

"Hay naku! Tara na! Punta na tayo sa mga silid natin." Sabi ni Kuya Hiro. Habang ako'y paalis ng awditoryum, nakasalubong ko si Kuya Kael. Kita kong nakatingin siya sa akin. Tapos bigla akong nagtago sa tabi ni Kuya Hiro.

"Hmmm... Ayos ka lang, Miya?" Tanong niya sa akin.

"Oo... Ayos lang..." Sabi ko. Tapos sulyap ako ulit kay Kuya at umalis na.


Lost Crowned PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon