Chapter 44: Cystal Ball ( Part 4 )

7 0 0
                                    

Alexa's POV

Yung iba ay walang pakialam sa Cystal Ball, yung iba napipilitan lang pumunta, yung iba naman excited na.

Syempre isa ako sa excited na!! Pero kinakabahan din ewan ko ba okay pa naman ako kanina pero parang hindi na ko mapakali ngayon.

Nakaupo ako sa table malapit sa gitnang gilid, medyo malayo sa table nila Langley, pero malapit sa dance hall.

Kasama ko si Nile, Yesha at yung Lucas sa iisang table. Buti may kasama ako kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.

Pero nang malaman kong si Nile ang partner ko ay hindi ko alam kung bakit nakahinga ako ng maluwag.

Unti-unting naubos ang mga taong nakaupo at nag s-sayawan ang ito, gusto ko ding sumayaw ngunit nangangatal ang tuhod ko sa kaba. Mamaya ay maapakan ko ang paa ng partner ko, o kaya ay matisod ako sa harapan ng maraming tao.

Sigh... hindi dapat ako nag iisip ng ganun, umiling ako at pumikit ng mariin. Clear thoughts, clear thoughts...

Binuksan ko ang aking mata, nabigla akong makita bigla si Nile sa aking harap na malapit ang mukha at titig na titig sakin na para akong matutunaw.

"Nagulat ako sayo." Sabi ko saka napahawak sa dibdib ko muntik na nga lumipad ang puso ko palabas.

"Hindi ka kasi nakikinig sakin, hindi kita masyadong makita dahil madilim sa pwesto ko. " Saad naman nito, saka inatras ang kanyang upuan.

Nang hindi na siya masyado malapit sakit ay nakahinga ako ng maluwag.

"Ha? Ano ba yung sinasabi mo kanina? Tanong ko

"Sabi ko, kung gusto mo ka ko sumayaw..." sabi nito at bahagyang umangat ang kanyang labi.

Hindi ko man kita ang expression niya ay napansin ko agad na ngumiti ito.

"Sayaw? Bakit?" takang tanong ko

Bigla siyang natigilan, tila nag tataka kung bakit ako nag tanong ng ganun. Unti unti siyang tumawa na para bang nakakatawa ang tinanong ko.

"Bakit ka tumatawa?" Nag tatakang sabi ko

Pinahid nito ang kunwareng luha sa kanyang mga mata saka tumigil sa pag tawa.

"Because, we're the last one sitting in the whole gym while the others start dancing." Sabi nito, sabay labas ngipin na ngiti.

Agad akong tumingin sa kaliwa't kanan pero nawala na si yesha at ang partner niya.

Oo nga, kami na lang ang nakaupo at lahat ay nag sasayaw na. Grabe, ilang minuto lang akong pumikit ah? 

Tumingin ulit ako kay Nile na naka tayo at nalahad ang kaniyang kaliwang kamay.

Parang tumigil ang mundo ko hindi ko napansin sa sobrang kaba ko ang itsura ni Nile, nakasuot ito ng Emporio Armani white tuxedo nakataas ang buhok nito, parang siyang prinsepe sa suot.

Nilagay ko ang kamay ko sa in palad niya at nag pahila sa dance floor.

Agad kaming nag simulang sumayaw ng tumugtog ang slow dance, inilagay ko ang mga kamay ko sa leeg ni Nile at nilagay niya ang mga kamay niya sa aking bewang. Nakatingin kami sa isa't isang mga mata na walang nag papatinag bumitaw ng titig, hindi ko maiwasang tumitig sa kanyang mga mata at nag padala sa alon ng musika.

"Are you enjoying the dance?" He asked.

Tumango na lang ako, hindi ko magawang mag salita parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan.

Maya't maya'y nag iba ang musika at naging normal na kanta ito, agad kong nag iwas ng tingin sa kanya ngunit hinawakan niya ang aking baba at hinarap sa kanya. Ngumiti ito na labas ang dimple niya sa kawilang pisnge niya, tila naging hugis bituin ang kanyang mga mata.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

8 vs 8 ( On-Going/ Slow Update )Where stories live. Discover now