Part 23

1.5K 115 62
                                    

Chapter Twenty-three




D's


"Cci," tinapik ko ang pisngi nya. Dumiin muna ang mata nya bago nito minulat ang kanyang mga mata.

"Bakit dito ka naman natutulog? Mamaya magtanong na naman yung anak mo." Mabagal syang umupo sa sofa mula sa pagkakahiga. Pinagkakasya nya ang sarili nya sa maliit na sofa na'to.

Ang laki nyang lalaki. Kaya naman halos kalahati ng binti nya ay nakalawit na sa sofa. Umupo ako sa tabi ni Ricci.

"Kailangan ng masanay ni Deallan na hindi na tayo nagsasama."

"Kaya mo na bang sabihin yan sakanya? Kaya mo na bang saktan ang anak mo?"

"Ikaw naman magsasabi sakanya, hahaha." Kunot noo ko syang tinignan, "sasampa na ulit ako ng barko. Tinawagan kasi ako ng agency pinapabalik na ako."

"Akala ko ba gusto mo ng makasama si Deallan?"

Bumuga sya nang malalim na hininga, "hindi pa siguro sa ngayon. Gusto ko munang maka-move on sayo," Natatawa nyang sabi.

Napangiti at napayuko ako, "hindi mo naman na kailangan umalis. Wala narin naman kami ni Jema," tila nanikip ang dibdib ko.

Naramdaman ko ang pag-akbay ni Ricci sa akin, "ang sabi ko naman sayo itatama na natin ang pagkakamali natin noon. Kahit pa, hindi na para sa iba. Kundi para sa sarili mo."

"Pero nangako ako kay Deallan na hindi ko kayo iiwan." Nag-uumpisa ng lumabas ang paghikbi ko.

"Hindi mo naman iiwan si Deallan, Deans. Ako naman yung mang-iiwan sa inyo eh."

"Cci," kinulong ko ng mga palad ko ang mukha ko. Bakit ba ganito ang lalaking 'to?

"I mean. Ikaw lang naman yung iiwan ko. At ako lang naman ang iiwan mo. Pero yung obligasyon natin kay Deallan, nandun parin yun. Hinding hindi yun mawawala. Tayo parin ang Mama at Papa nya, kahit hindi na tayo magkasama."

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ba sobrang bait mo?"

"Hindi ako mabait Deans. Kung mabait ako. Hindi ka sana natrap sa kasal na 'to. Kung mabait ako. Matagal kana sanang malaya. Kung mabait ako. Hindi na sana dumating ang point na 'to na sobra na tayong nahihirapan."

"Hindi ako mabait Deans. Dumating din ako sa point na sobrang selfish ko dahil lang sa pagmamahal ko sayo." Natawa si Ricci ng bahagya.

"Dumating din ako sa point, na kinakain ako ng ego dahil lalaki naman ako. Kaya ko naman ibigay ang lahat sayo. Kung tutuusin nasa akin na nga ang lahat pero pinagpalit mo parin ako sa iba. Tapos ang pinaka masakit, sa babae pa."

"Hindi ko yun matanggap Deanna. Pero ano nga bang magagawa ko kung hindi mo naman ako kayang mahalin 'di ba? Na kahit anong gawin ko. Hindi ka magiging masaya sakin."

"Sorry, Cci." Humigpit ang pagkaka-akbay ni Ricci sa akin.

"Mahal kita, Deanna. Mas gugustuhin kong makita kang masaya. Kahit pa, sa piling ng iba."

Napangiti ako at tinuyo ang mga luha ko, "tama na nga. Nagdadrama ka naman dyan."

Natawa sya. Bahagya nyang kinuskus ang mga mata nito. "Sino ng mag-aalaga kay Deallan, ngayon?"

"Si Pongs nalang daw muna ang bahala sa anak natin. Nasa bahay lang naman daw sya. Ako nalang ang maghahatid sa umaga bago pumasok sa trabaho."

"Ako muna maghahatid sa kanya habang nandito pa ko."

"Okay!" Ngumiti at tumango ako, "paano nga palang tong bahay kanino mapupunta?"

"Kasal parin naman tayo Deans. So, may karapatan ka parin dito. Huwag ka rin mag-alala, kela Mama naman ako uuwi pagbalik ko galing laot."

Somewhere Down The RoadOnde histórias criam vida. Descubra agora