2: Voices of the Lost

1.4K 126 62
                                    

Sinipat ni Annara ang orasan mula sa dingding habang pinasusulat niya sa kaharap niyang estudyante ang pangalan at petsa sa borrower's card. Naroroon pa siya sa kanilang school library.

Alas singko na ng hapon. Oras na ng kanyang pag-uwi.

She smiles before getting the card. Pagkatapos ay isinalansan niya ang mga bagong dating na magazines para sa buwan na iyon. Nagsimula na rin siyang magpaalam sa mga librarian na kasama niya mula sa inform counter kung saan sila naroroon.

"Annara, pumasok ka nang maaga bukas. We have to take so many registrations tomorrow morning. Library Card Sign-up Month, remember?" paalala ni Miss Georgette, ang isa sa mga kasama niyang school librarian doon.

Tumango siya at maliit na ngumiti rito. "Yes po, Miss Georgette," tugon niya.

She waved her hand to them before leaving the library. Hindi siya maaaring abutin ng gabi sa daan, lalo na't maglalakad na lang siya ngayon dahil tiyak niyang naiwan na naman siya ng school bus na sasakyan niya pauwi.

Annara is a student library assistant, particularly a working student. She's taking class from eight in the morning to four in the afternoon. Mayroon siyang isang oras pang duty sa library bago umuwi. She sometimes filled her library duties in her free time. Doon na lang siya gumagawa ng mga assignments o take home activities habang nagta-trabaho kung mayroon man.

Mayroon din siyang pasok ng sabado, ngunit half-day lang naman. She needed some working experience and so was money. She had to support her disabled dad and her precious little sister Thea–not by blood.

Naglakad siya at nagtungo sa pinakamalapit na comfort room.

Gumapang bigla ang kilabot sa kanyang likuran paakyat sa kanyang leeg nang maulinigan niya ang mahina ngunit nakababahalang tinig. Nagmumula ang nakakakilabot na himig na iyon sa isa mga cubicle na naroroon.

Napahawak siya sa kanyang dibdib. An erratic heart beat pounds against her chest. Parang palapit nang palapit sa kanya ang huning iyon, na tila bumubulong sa mga tainga niya.

Nagmadali na lang siyang naghugas ng kamay at nilisan na ang naturang palikuran.

Yes, Annara's hearing strange voices. She's hearing voices like these over and over again, every day. Sounds weird, but her ears really wanted to take all of these eerie mystical voices even if she doesn't want to.

More often... voices of the lost she couldn't even understand.

Lumabas na siya ng Fawnbrook High School. She's in her senior year. Isang taon na lang ay malapit na siyang tumuntong ng kolehiyo, she has so many course choices in mind. Ngunit pipiliin pa rin niya ang kursong gusto ng kanyang ama at pangarap din para sa kanya ni Adrian–ang pagiging isang doktor.

Isang kilomentro lang ang layong lalakarin ni Annara patungo sa bus stop at muling sasakay pauwi sa kanila. Mas mapapabilis siya kung sa malimit niyang shortcut siya dadaan.

Hindi lang ito basta isang shortcut, ang lugar na ito ay isang sementeryo. Where she could hear hundreds of strange voices.

Huminga siya nang malalim nang makarating siya sa Westfield Cemetery. Ipinasak niya sa magkabila niyang tainga ang earphones para talunin ang mga ungol at halinghing na maririnig niyang mga boses sa paligid.

Some voices are too frightening for her, but some of it sits like whispering near her ear. Gayunpaman, nakakatakot pa rin kahit pa sanay at madalas na siyang makarinig ng mga ingay na ito.

She's not really pond of listening to music. Ginagawa niya lang itong panangga sa mga ligaw na boses na gustong gumambala sa kaniyang mga tainga. Ngunit hindi niya rin naman pinagsisisihang subukang makinig sa mga magagandang tugtugin, dahil ang ilan sa mga napakinggan niya ay kaniyang nagustuhan.

Strange Voices of the DeadWhere stories live. Discover now