Ballpen At Papel

8 3 0
                                    

"Ok class get 1/2 sheet of paper" sabi ng teacher namin kaya naman kumuha na kami ng kanya-kanya naming papel

"Pstt Jina" tawag sa akin ng isang lalaki sa likod ko.Pero di ko siya nilingon

"Uyy Jina?" pag-uulit niya kaya naman di rin ako nakatiis at nilingon ko na siya

Si Jimmy!Ang gwapo kong crush hehe

"A-ano?" utal kong tanong sa kanya

"Pahingi naman ng papel oh." sabi niya at napaisip naman ako lagi na lang ba tong walang papel?Kasi lagi na lang humihingi eh sa tuwing magku-quiz kami.
Sungitan ko nga ah hahaha

Kaya naman medyo sinungitan ko nga siya

"Lagi ka na lang humihingi ah.Lahat na lang hinihingi mo sa akin.Sa akin ka na lang lagi humihingi.Ako lang ba ang kaklase mo ha?ha?Ako lang ba?" sabi ko pa pero nginitian niya lang ako

Wahhhh!Huwag kang ngumiti!

"Sige na pahingi na ng papel at pahiram na rin ng ballpen." ngingiti-ngiting sabi niya

Anudaw?
Aba!Kanina papel lang tapos ngayon may kasama ng ballpen?

Inaabuso mo ko crush ah.

Pero dahil nga crush ko siya,hindi ko siya natiis kaya binigyan ko siya ng papel at pinahiram na rin ng ballpen.

"Oh!Kainis!Sana wala ng next time ah?" sabi ko habang iniaabot sa kanya ang papel at ballpen

"Oo kasi next time ang puso mo na ang hihingin ko." sabi niya pagkakuha niya sa inabot ko.

Anudaw?P-puso ko?

"A-ano?A-anong s-sabi m-mo?" nauutal kong tanong at binigyan niya naman ako ng nakakalokong ngiti

"Sabi ko next time hindi na ito ang hihingin ko sayo kundi ang puso mo na haha." sabi niya at naramdaman ko naman ang pamumula ng pisngi ko

Wahhhh!!Bakitt! Crush naman eh!

Kelan yung next time?
Charr bwahahahaha
Landi haha

"Hahaha tapos ikaw na ang hihingin ko sa mga magulang mo upang maging asawa ko." dagdag niya nung napansin niyang nagulat ako sa sinabi niya!

Wahhhh!Crushhhh!

Guys!? Ikakasal na ako haha

At ayun nga talagang ginawa niya ang sinabi dahil hiningi niya nga talaga ako kina Mama at ngayon,nandito kami at kinakasal haha at imbes na bouquet of flowers ang dala ko ayun bouquet of ballpen at papel ang dala dala ko bwahahahaha.

#ILoveYouNaBallpenAtPapel

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hahaha matagal ko nang ginawa to may konting edit lang akong ginawa.

Sana nagustuhan niyo hihi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Stories Ni QueenOfKingJTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon