Si Kamila at Balensya

3.5K 28 3
                                    


Sa isang napakalaking mansyon sa mundo ng mga mortal nakatira ang isang dalaga na si Kamila, ang bunso ng isang makapangyarihang pamilya. Mahilig syang magpinta, at siya ay kilala at hinahangaan ng marami, mapalalaki o babae. Kahit na sya ay hinahangaan marami pa rin ang naiinggit sa kanyang taglay na ganda at talento.

Isang panibagong araw nanaman, tulad ng mga ordinaryong araw ay naglakbay si Kamila bitbit ang kanyang mga kagamitan patungo sa isang lawa. Dito sya nagpasyang magpinta. Habang naglalakad ay pinagmamasdan nya ang kapaligiran, di nya maiwasang mapangiti sa nakikita.

Bata pa lamang ay hilig na nyang pagmasdan ang mga tanawin at kalikasan, dito sya nakahanap ng katahimikan at kapayapaan. Hilig nya ring pagmasdan ang sarili kapag may nadaanang tubig o salamin.

Matapos ang isang oras na paglalakbay ay dumating na sya sa lawa na kanyang paroroonan . Tahimik at payapa ang lugar, walang tao at hayop na makikita. Matapos titigan ang lawa ay nagsimula na syang mag-ayos ng kagamitan. Suminghaw ang amoy ng bagong bukas na pintura, sumabay dito ang tunog ng pagbanggaan ng mga brotsa.

"Isang panibagong araw para lumikha ng isang larawan!" wika ng dalaga "napakasarap namang pagmasdan ang paggalaw ng tubig at mga dahon."

Pagkatapos i-ayos ang mga kagamitan ay nag-isip muna sya ng pwedeng i-pinta. 'Di kalaunan ay nagsimula nang magpinta si Kamila, naagdesisyunan nyang ipinta ang sarili na nakatingin sa kanyang repleksyon sa tubig.

Lumipas ang mahigit limang oras, sa wakas tapos na sya sa kanyang ginagawa, 'di maalis ang ngiti ng dalaga habang nakatingin sa kanyang obra. Tila gandang-ganda ito sa kanyang nilikha.

"Mula sa araw na ito, ito na ang aking paboritong larawan" sabi nya.

Tinitigan nya pang muli ang larawan bago magpasyang ayusin na ang mga kagamitan. Bago umalis ay lumapit sya sa lawa upang makita ang sarili. Sya ay muling napangiti at hinawakan ang tubig, biglang lumakas ang simoy ng hangin kung kaya'y napapikit sya upang langhapin ito. Nang bumukas ang kanyang mga mata ay nagulat sya sa kanyang nakita, ang kanyang repleksyon sa tubig, hindi ito umuugnay sa kanyang galaw. Tila ba'y may sarili itong isip, ngumiti ang kanyang repleksyon sa kanya at kumaway pa.

"Magandang hapon Kamila!" wika nito, na syang kinatakot naman ng dalaga.

"Hindi maaari! Napakaimposibleng mangyari, hindi totoo ito! Siguro ako'y nananaginip." Sabi ni Kamila.

"Ano ang iyong sinasabi? Totoo ito, 'di ito panaginip, nandito ako sa iyong harapan at ika'y kinakausap." Masiglang sabi ng kanyang repleksyon.

Mas natakot ang dalaga sa narinig kung kaya'y mabilis na pinulot nito ang kanyang mga kagamitan at dali-daling tumakbo pabalik sa kanilang bahay, alintana na sakanya ang isang oras na paglalakbay. Habang pabalik sa kanilang tirahan ay nagtataka ang mga nakakasalubong sa kanya, dahil hindi ordinaryong senaryo ang makitang tumatakbo ang dalaga, nakasanayan na kasi nila na kalmado at malumanay ang kilos nito, na syang kabaligtaran ng kanilang nakikita ngayon.

Humahangos man ay nagtuloy-tuloy sya paakyat sa kanyang kwarto, sa pagmamadali ay 'di na nya nabati ang mga magulang na nakasalubong nya pagkapasok ng bahay. Pagkarating nya sa kanyang kwarto ay kinandado nya ang kanyang pintuan upang walang makapasok na sino man.

"Hindi....hindi" bulong nya "siguro sa sobrang pagkatuwa ko sa aking i-pininta ay nakagawa ako ng sariling ilusyon"

"Tama, guniguni ko lamang iyon" pilit na kumbinsi nya sa sarili.

Mula sa kanyang bayong ay kinuha nya ang kanyang obra, sa sobrang pagmamadali papaalis sa lawa ay 'di nya napansin na basa pa pala ang ibang parte ng larawan kaya medyo nagulo ang ibang parte ng larawan. 'Di na nagabalang ayusin ito ni Kamila, tumungo sya sa kanyang kama at doon humiga, dala ng pagod ay tuluyang nakatulog ito.

Isa, DalawaWhere stories live. Discover now