CHAPTER 7

289 34 1
                                    

Jane Pov.




"We're here" biglang sigaw ni kriss kaya agad syan binatukan ni Sir. Renz



"Aray ang sakit nun ah!" Pagrereklamo ni kriss.



"Pwede naman kasing hindi sumigaw diba" sabi ni Sir. At bumaba na ng sasakyan.



Pag kababa namin ng sasakyan agad kaming nag tungo sa loob ng Restaurant



Bago paman ako tuluyang makapasok may nakita akong naka sulat sa gilid samay pinto DELVALE RESTAURANT.... mmm yan siguro pangalan nitong Restaurant nato.




Pag kapasok ko sa loob namangha na agad ako dahil napakaganda ng mga design ng loob. wow halatang mamayan lang ang kumakain dito ah kasi sa itsura ng mga pananamit ng mga kumakain ngayon dito halatang halatang mayayaman sila.




Habang nag mamasidmasid ako sa paligid biglang may lumapit na waiter samin at sinenyasan nya kaming sumunod sa kanya kaya sumunod naman kami. Dinala kami ng waiter sa bakanteng mesa. Kaya agad kaming umupo pagkaupo namin. Ay biglang may isang waiter na lumapit samin na may dalang menu at binigayan nya kami isa isa ng ng menu pag kabigay samin ng menu ay sabay na silang dalawa umalis.



Wow susyal diba may pa menu pa well parang naninibago parin ako kahit palagi kaming kumakain ni sir sa mga gantong restaurant. Hayysss tigilan ko na nga tong mga pinag iisip ko...




"Jane" biglang tawag sakin ni sir kaya napatingin ako sa kanya.




"Bakit" tanong ko



"Ahm pili kana ng order mo"



"Ok " sabi ko at saka ko binuklat  ang menu pag kabuklat ko ng menu. Nabigla ako sa mga presyo ng mga pagkain parang mga ginto ang presyo hahahaha joke lang. Ang mamahal kasi ng mga pagkain baka dipa kasya yung dala kong pera dito. At halatang barya lang ang halaga ng mga presyo ng mga pagkain  dito sa mga kasama ko sabagay  mayayaman  nga pala sila.



Napatingin ako kay sir. At pasimple ko syang kinalabit.




"Bakit" tanong nya.





"Ang mamahal ng mga pagkain" natawa naman si sir ng mahina kaya sinamaan ko sya ng tingin.





"Hindi naman ikaw ang mag babayad ng kakainin mo. Ako ang magbabayad kaya umorder kana jan."



"Talaga" nakangiti kong sabi.



"Oo bakit ayaw mo ba"


"Gusto"  sabi ko

MY POOR GIRL CRUSH GOING TO BE MY GIRL Where stories live. Discover now