70: Desolation

5.6K 184 33
                                    

This is not good.

Hindi kayang tingan ni Raven ang nangyayari sa kaibigan

She's in pain. Maya't maya na ang contractions nito. Parang nararamdaman niya rin kung gaano ito nasasaktan.

"Ish, breath. Kaya mo yan." Sabi niya habang hawak-hawak niya ang kamay nito.

"Shet.. Raven. Ang sakit talaga," sabi nito. Napisil nito ng madiin ang kamay niya. Masakit pero binalewala niya yon.

Tumingin ito sa kanya at ngumiti kahit mukhang hirap na hirap na. "N-nagkabati na kayo ng mate mo no? M-may naaamoy ako,"

Ngumiwi siya. Dumiretso kasi siya sa kwarto ni Isabelle matapos magbihis. Ni hindi man lang siya nakapag-ayos.

"H-hala Rave, b-baka magtriplets pa yan." Tumawa pa ito. Pero napalitan uli ng kunot ng ng umatake na naman ang paghilab ng tyan.

"Ish naman. Wag ka na ngang magbiro."

"O-ok lang ako Rave. S-sayang lang at wala dito si Al... aw..." napapikit nalang ito sa sakit.

Nakita pa niyang gumalaw nang malakas ang nasa tyan nito. Parang gusto na talagang lumabas.

Sh*t.

Nadinig niyang bumukas ang pinto. Si Fritz iyon. Nakasuot na scrub suit at may dala nang gamit.

"Fritz, do something. Please."

Bumuntong-hininga ang lalaki bago sumagot.  "This is not my expertise but I'll do the best I can."

Nagsuot ito ng gloves at lumapit.Pumwesto ito sa may paanan ni Isabelle at at pinagparte ang mga binti. May chineck si Fritz sa ilalim ng damit nito na dahilan ng pagngiwi lalo ng kaibigan.

"Still one cm," sabi ni Fritz. "I'm afraid you have to endure it for much longer, Isabelle."

"Can you just give her something to stop the pain?" Tanong niya. Alalang-alala na siya.

"Unfortunately it's no use, Angie,"

Sh*t. Alam naman niyang hindi tinatablan ng painkillers ang mga tulad nilang bampira. Nagbabakasakali lang siya na pwede iyon kay Isabelle.

May pumasok na maid sa kwarto at may inabot ito kay Fritz.

"Excuse, me Angie. I have to take this," sabi nito sa kanya bago sinagot ang phone.

"Victoria. Where are you? I need her, NOW." Lumabas na ito ng pinto para doon kausapin ang tumawag.

Who's her?

"Rave..." tawag ni Isabelle sa kanya. Medyo kumalma na ito. Humina na yata ang hilab ng tyan. "K-kung hindi ko kakayanin...ikaw nalang bahala sa baby ko."

"Ano ba Ish, wag kang magsalita ng ganyan." Saway niya sa kaibigan.

"Alam ko ang pwedeng mangyari, Rave. Tanggap ko na," tuloy-tuloy parin ito. "A-Alam mo ba kung bakit gusto kong makita si Alejandro bago ako manganak? Gusto ko siyang makita bago man lang ako mamatay. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal...kung gaano ako kasaya sa sandaling panahong magkasama kami."

"Isabelle."

"P-pero kung di niya ako maabutan. Pakisabi nalang iyon sa kanya. Pakisabi ring mahalin at alagaan niyang maiigi ang baby namin.."

"Stop saying those things Isabelle. Hindi ka mamatay. Kakayanin mo yan."

Ngumiti lang ito.

"R-Rave- salamat ha. Kahit na medyo gaga ako at pinatulan ko ang ex mo, itinuring mo parin akong kaibigan," sabi pa nito. "Alam kong napakalaki ng kasalanan ni Al sayo. Halos walang kapatawaran ang ginawa niya... pero sana.... sana."

Requiem: RedemptionWhere stories live. Discover now