Prologue

10 3 0
                                    

"Here's your Almond Milk Tea, Sir" abot ko sa isang lalaking costumer. Mabilis naman itong kinuha at lumubas na ng Cafe.

Puno kasi ang loob ng Cafe kaya wala ng ma-uupuan.

"What's your order, Ma'am?" bungad ko sa isang magandang babaeng nasa-harapan ko.

Maraming tao ngayon dito sa Cafe kaya binilisan naming kumilos. Dadalawa lang kase kami dito sa Cafe.

Summer ngayon kaya napag-pasyahan naming mag-sideline ng bestfriend ko. Kahit mayaman 'tong bestfriend ay pumayag din dahil wala naman daw siyang travel ngayong summer.

"One Cookies and Cream Milk Tea, please." mabilis ko naman itong sinunod.

"What the hell?! How can we accomadate this people?!" nauubos ng pasesyang tanong ni Amber. Mahina ang pag-kasabi niya kaya ako lang ang nakarinig.

Tinawanan ko lang siya at inasiko na ang order ng babae.

"Sorry, I'm late. Naka-order ka na?" pamilyar ang boses ng lalaki ang narinig ko sa likuran ko.

'What the hell is he doing here?'

"Yeah. I ordered already... for myself." naiinis kunwaring sabat nong babae. Hindi ko pa sila nakikita dahil bahagya pa akong nakatalikod sa kanila.

"May inasikaso lang ako." sabi naman ng lalaki

"Yeah right," sarkastikong sabi ng babae. "Wala pa ba yan, Miss?" naiinis nang tanong nung babae.

'Anong gagawin ko?'

Mabilis ko naman tinakpan ang cup at tumalikod na ako.

'Siya nga.'

Tumama ang paningin namin ng lalaki. Kung gulat akong makita siya ay mas lalong lalo na ako. Nag-iwas na ako ng tingin at bumaling nalang sa babae.

"How much?" maarteng tanong sa akin ng babae.

"Ninety pesos, Ma'am" pilit na ngiting sabi ko. Naiilang at di ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Here," abot niya sa akin ng 100 pesos. Mabilis ko naman sinuklian ito.

"Umorder ka na," mataray pa ring utos ng babae sa lalaki.

'Hindi pa rin siyang nag-babago'

Pinigilan ko ang ngumiti dahil ayaw kong makita niyang ... may pakialam pa rin ako. Dahil yun ang totoo.

Tinignan ko si Amber at bakas sa kanya ang pagod at inis.

Bumaling na ako sa harapan at galut akong nakatingin na ang lalaki sa akin. Wala na ang babae kanina at nang makita ko ay naka-upo na siya sa upuan.

"W-what's your order, s-sir?" utal kong sabi.

Bakas pa rin ang gulat sa mukha niya. "I-I'll have Large Chocolate M-Milk Tea, Please."

Mabilis akong tumalikod at nanginginig kong kinuha ang Cup.

"Amber," mahina kong tawag sa kaibigan ko, ngunit nang hindi ito lumingon ay tinawag kong muli. "Amber!"

"WHAT - Oh?" nagulat siya dahil sa nakita niya yung lalaki...lalaking inibig ko.

"Hi!" pormal na bati sa kanya ng lalaki.

"Hi!" mabilis niyang bati sa lalaki at pinandilatan akong tinignan. Bumalik agad siya sa counter niya - which is katabi ng counter ko.

Mabilis kong inihanda ang order niya at agad tumalikod.

"H-how much?" naiilang na tanong niya sa akin.

'Seriously siya pa ang nailang?'

"Eighty-five pesos," hindi ko na nagawang tawagin siya sir dahil sa tindi ng kaba ko.

"Here." Sakto ang binigay niya sa akin kaya obviously wala ng sukli.

Inabot ko sa kanya ang Milk Tea at agad niya itong kinuha ngunit hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan niya ako. Tumitig din ako sa kanya na para bang kaming dalawa ang taong nasa Cafe.

Hindi siya nag-sasalita pero ang mga mata niya ay parang milyon-milyong salita ang sinasabi. Malungkot ang mga mata niya.

Natinag lang kami ng tawagin siya ng babae.

"Come-on, CJ!"

•••
Disclaimer
This is a work of fiction. Names, characters, some places, and event are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely coincidental

-wanting2beur1

Love in the Cafe (Milk Tea Series #1) Where stories live. Discover now