Chapter 1

16 1 0
                                    

“GOOD MORNING PIPOL!” sigaw ko habang ngiting-ngiti paring nakahiga.

Unang araw ng klase ngayon kaya excited na ako pumasok.

Tumalon muna ako ng limang beses upang magising ang aking diwa at uminom ng isang basong tubig.

Sa wakas JH graduating student na ako! hehehe

Masaya akong kinuha ang tuwalyo mula sa pagkakasabit sa kabanit at pumunta na sa sarili kong banyo. Nagsipilyo muna ako bago naligo. Hindi mawala ang aking ngiti habang ako’y naliligo.

Kamusta na kaya siya? Hehehe

Napangiti pa ako sa aking naiisip. Excited na akong pumasok hindi dahil miss ko na mag-aral, kundi dahil sa wakas makikita ko muli si CJ. Kinikilig tuwing naiisip ko ang mala-anghel niyang mukha.

Pagkatapos kong maligo, mag-imaigine ng pwedeng mangyari ngayong araw, at mag-bihis, ay bumaba na ako at nakita ko naman si Nanay na naghahain na.

“Good Morning, My Awesome and Beautiful Mother!” nakangiti kong bungad sa kanya.

“O, anak andiyan ka na pala! Tawagin mo na ang kuya mo at kakain na.” utos sa akin ni Nanay.

6:30 palang kaya hindi pa gumigising si Kuya. Nakasanayan niya na kasing ala-una matulog at alas-dies kung gumising.

“KUYA! KAKAIN NA!” sigaw ko at napatingin naman sa akin si nanay dahil sa aking pagsigaw.

“Ano ka bang bata ka! Ang aga-aga sumisigaw ka. Puntahan mo ang kuya mo sa kwarto niya kesa naman, mapaos ka kakasigaw diyan.” nakanguso ko naman siyang tinignan.

Si Kuya Bryle ay nakakantanda kong kapatid. Gwapo ang aking kuya, kaya maganda ako. Well hehehe. Lahi kasi kami ng magaganda’t gwapo. Si Kuya ay isang High School Teacher sa isang pampublikong paaralan na inaaralan ko din dito sa lungsod ng Batangas.

Padabog akong umakyat sa taas at tumungo sa kwarto ni kuya na kaharap lang din ng kwarto ko.

*Knock Knock Knock

“Kakain na!” mahinang sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya.

Nang hindi siya sumagot ay marahan ko ng binuksan ang kanyang pinto. At tama nga ang iniisip ko, tulog pa siya.

Ano ba naman ‘to si Kuya? Tulog-Mantika pa rin? Di na nagbago. Ke Bago-bagong Titser ang tamad bumangon. Tch... Tch... Tch...

Tinapik-tapik ko siya para gumising pero nakailan na akong tapik sa kanya ay hindi pa rin siya kumikilos.

Napakabatogan talaga. Tch.

“Hoy Kuya. Kakain na daw.” mahinang sabi ko sa kanya pero puro ‘mm...’ lang ang kanyang isinagot sa akin.

Yari ka sa akin. Kala mo ha? Magaling kaya ako mambulabog.

Huminga muna ako ng malalim na malalim tapos...

“WOYYY!” sigaw ko at napatayo agad siya dahil sa gulat.

“ANO YUN?! SAAN ANG KALABAN?!” sigaw niya habang naka-ready na ang kanyang mga kamaong manuntok.

“BWAHAHAHAHAHA,” malakas na tawa ko habang nakahawak pa sa aking tiyan. “Para kang baliw! BWAHAHAHA,” tumawa ako ulit. “May pa-saan ang kalaban saan ang kalaban ka pa diyan BWAHA-“

“Arraaayyy!” napayuko ako.

Batokan ba naman ako?

“Makabatok naman ‘to. Tss.” singhal ko sa kanya tsaka tumawa ulit, ngayon ay mahina na akong tumawa. Baka batokan ako ulit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love in the Cafe (Milk Tea Series #1) Where stories live. Discover now