19

149 6 0
                                    

Inis akong bumangon sa kama ko ng magsunod-sunod ang naririnig kong pagdoorbell. Tinignan ko ang orasan na nakapatong sa side table ng kama ko.

6:01 am

Bwesit ang aga pa. Sino bang hampaslupa 'tong nang-gugulo ng pagtulog ko? Lumabas ako ng kwarto ko ng walang pakialam sa kung anong itsura ko ngayon.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang gagong muka ni Asuncion. Ah ang gandang umpisa para manira ng umaga ng gago. "Hi!"masiglang bati nya sakin na mas nakapagpadagdag ng inis ko. Binigyan ko sya ng tamad na tingin bago malakas na pinagsaraduhan ng pinto.

Bumalik ako sa kwarto ko. Humiga ulit at nagkumot ng hanggang sa dibdib ko saka ipinikit ang mga mata ko. Wala na kong pake kung anong nangyari kay Asuncion. Ang gusto ko lang ay matulog pa ng mahaba dahil napuyat ako sa kakasagot ng mga materials na binigay ni Dr. Santos kahapon.


May mga araw talaga na gusto ko na lang balatan ng buhay si Asuncion dahil sa pagiging magulo nya. Pati buhay ko nagugulo na sa kanya.

****

Blanko (Mabunga Boys Series #2)Where stories live. Discover now