Chapter 21

5.4K 172 1
                                    

"Hoy! Tulala ka na naman!





Hindi pa rin talaga nagsisink in sa utak ko yung sinabi ni Jino. Pero sabi ko nga, tanggap ko siya. Mahal ko eh. May magagawa pa ba ako?





"Ako na ang kakausap."





Pano kaya pag nalaman to nila Karla? Baka layuan nila ako. Ayoko ng ganun. O kaya, paano kung malaman ni Manager na may empleyado siyang may boyfriend na bampira? Baka paalisin nila ako dito. Pano pag nalaman nila Mama? Itatakwil nila ak- ACKKKK!




"Ano ba?!" may bigla na lang kasing humila sakin palabas ng coffee shop.





"Teka nga!- J-jino?" nginitian lang niya ako at mabilis na nagnakaw ng halik sa noo ko. Daheck?! Napalayo tuloy ako sa kanya.





"Why?" tinaasan niya ako ng kilay kaya napatawa ako. Binigyan niya lang ako ng what-the-hell look.





"Wag mo ngang itaas ang isang kilay mo sakin!" umirap lang siya sakin at nagpout.




Jino? Pouty lips? ASSFFGJJDIRCONIJ!!!!! ACKKKKK~!!





"Ganyan ka ba talaga?!" kumunot ang noo niya




"Yung masyadong pacute!"




"Huh? Damn it! I said I'm not cute!" sabay kunot ulit ng noo niya at pout. Emegesh. *Q*





"Ewan ko sayo. Maiwan na kita. Kailangan ko pang magtrabaho." bago ako makapasok ay hinila niya muna ako sa braso at niyakap. Naramdaman ko na naman ang hininga niya sa leeg ko. ><




"Hindi kita makikita mamayang gabi. Diba gabi ang out mo? May mahalaga kasi kaming paguusapan ng mga iba pang bampira." mahigpit na niya na naman akong niyakap.




"Make sure na wala kang galos na makakauwi sa bahay niyo." this time, ako naman ang nagpout.




"Sa unit ako tumutuloy. Remember? Hindi ko pa masyadong makasundo si Papa." tumango na lang siya at binitawan na ako.




"I'll miss you. Be safe, mmkay? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo." tumango na lang ako at pumasok na sa loob.




"Kayo na?" napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa nagtanong- si Dony.




"Uhhh.."




"Silence means yes." nginitian niya lang ako at inakbayan.




"Tara na! Kailangan na natin magtrabaho!" nagulat pa ako sa pagiging hyper niya, pero mas okay na yun. Para maiwasan din ang awkward feeling~




"Table 3! Jara!" Sigaw ni Jen, nandito na siya galing sa bakasyon.




"Yep!" nawala na din ang pagkabalisa ko dahil sa sinabi ni Jino. At unti-unti na ding nagsisink in sa utak ko.




****




"Jara, hatid na kita! Mukhang wala naman yung.. boyfriend mo eh." sabi ni Dony. Sasagot na sana ako pero humarang si Karla.





"Hindi pwede! Ako maghahatid sa kanya! Ay, si Kuya Sev pala! Tayo na lang magsabay!" sabi ni Karla at hinila na si Dony. Tinawag ko pa sila pero hindi na nila ako pinansin. Edi wag!




"Chim!" humarap siya sakin at lumapit.




"Yep?"




"Sabihin mo naman kay Kuya Sev na iuwi niya ako." kumunot ang noo niya at umirap.




"Gaga! Kasama ni Kuya Sev si Ate Hans!" napanganga ako at napairap na lang.




"Ugh! Wala na naman akong kasabay." tinawanan niya lang ako kaya wala na din akong nagawa kundi umuwi mag-isa.




*****




Nagtaxi na lang ako pauwi sa unit ko. Tinatamad kasi akong magjeep.




Napansin ko din na kanina pa may nakasunod sa taxi na sinasakyan ko.




"Manong, pwedeng pakibilis po? Parang kanina ko pa po nakikita yung kotse sa likod natin."




"Ako din po, Ma'am. Sige, papabilisin ko pa po." pinaharurot na nung driver. Hindi ko makita yung nagdadrive dahil sobrang tinted ng sasakyan niya. Kinabahan tuloy ako.




"Manong, may alam po akong ibang way papunta sa condo na tinutuluyan ko. Mas mabuti po siguro kung lituhin natin." tumango yung driver at tinuro ko naman sa kanya ang daan. Dumaan kami sa medyo madaming dumadaan na sasakyan at kahit na marap dumaan ay pinadaan ko pa din siya sa makitid na daan.




"Dito na lang po. Sorry po sa abala." dinagdagan ko na lang yung bayad ko at pupunta na sana ako sa harap ng building dahil sa lid ako ng building binaba ng may magtakip sa bibig ko.




"Walang mangyayaring masama sayo kung sasama ka sakin."




-
May pasok na bukas. T^T

#47 IN VAMPIRE!!!! OMGGGGG!

Loving a VAMPIRE. (FIN.)Where stories live. Discover now