Chapter 11

3.3K 104 1
                                    

Michell's Point Of View

" Arghh! Sandra, Nasaan kaba?" Bulong ko dahil kanina pa ako sa labas ng apartment pero wala pa rin siya. Nagaalala na ako lalo na't ang lakas lakas pa rin ng ulan. Nakapayong akong nagiintay dito ng may bigla lalake akong napansin sa gilid nakajacket lang siya.

"Excuse me, Kuya? Nababasa kana po" Sabi ko doon sa lalake kaso wala pa rin siyang kibo kaya hindi ko nalang siya pinansin.

Masasayang ang ganda ko para kay Hallace lang naman kasi ang ganda ko. Wahahaha!

Kaso Nashock ako ng hatakin ako ng lalakeng at hinalikan ako. Nanlaki ang mata ko at nanlaban kaso parang may kung anong bagay at nagpahina ng katawan ko at nandilim nalang lahat.

Kayson's Point Of View

N

andito na kami sa apartment kung saan inaasahan naming nandoon si Sandra at Michell.

Hindi ko alam kung bakit wala sila rito. Maayos naman ang lugar ngunit hindi ko alam kung bakit may iba akong nararamdaman.

"Wala sila dito" Sabi ni Dwight. Hiniga na kasi niya si Miyaka sa higaan.  Mahina pa rin kasi ito dahil sa sugat na natamo niya.

"Kayson!" Lahat kami ay napatingin kay Hallace. Halata sa kanya ang kaba at takot

"Anong problema, Hallace?" Tanong ko kay Dwight

"N-nandito ang gamit ni Mi-michel. Imposibleng nasa school siya kung nandito ang gamit niya" Halata sa kanya ang pagaalala. Lalo na't napasabunot nalang siya at napamura.

Napatayo naman ako agad.

"Imposible, Dito natin sila inaasahan. Imposible namang umalis na lang rin sila ng walang dahilan!" Sigaw ko habang hindi na alam ang gagawin. Nasaan kayong, Sandra.

I'm worried.

"Si Sandra wala dito ang gamit niya. Hindi kaya kinuha na siya ng ama niya?" Nalingon naman ako kay Dwight.

"Imposible hindi siya sasama sa ama niya. Umalis siya roon dah ayaw niya sa kanya ama!" Sabi ko

"Ku-kung ganoon nga hindi kaya kinuha sila ng sapilitan at sinama si Michell?" Sabi ni Hallace.

Nasipa ko nalang ang kahit ano dahil sa inis at halit na nararamdaman ko. Tangina, Vladimir. Humanda ka.

Kinuha na nga niya si Chercie ngayon naman sila Sandra at Michell.

Tangina.

Sandra's Point Of View

Nandito lang ako sa loob ng kwarto sa mansion nila Kade. Hindi ako nakapasok ngayon dahil masyadong napahaba ang pagkatulog ko. Bigla ko namang naisip si Michelle.

"Kailangan ko nang umuwi baka nagaalala na si Michell!" Sinapak ko muna ang sarili. Bakit ko ba nakalimutan si Michell? Tiyak na nababaliw na iyon kakaalala sa akin.

Tumayo na ako sa kama at kinuha na yung gamit ko para makauwi na pagka-bukas ko sa pinto bumulandra naman sa akin si Addison.

"Hi, Ate Sandra! Halika samahan mo ako mall tayo!" Sabi niya. Jindi na ako nakapagsalita. Hinatak nalang niya ako bigla at wala na akong nagawa

Michell, Pasensya kana. May makulit na nilalang dito.

Tumungo kami sa isang malaking gusali na maraming tao. Maraming tao ang lumalabas na maraming dala dalang kung ano. Hindi ko maiwasan humanga.

Gusto ko rin masubukan ang ganoon.

"Ate dahil sa maganda ka
Ililibre kita ha? Wag kang mahiya soon to be sister in law naman na kita e! Hihi" Sabi ni Addison.

Hindi naman ako nagsalita at napa hang nalang sa ganda ng loob ng gusila. May iba't ibang kulay. Mga pananamit na napaka ganda.

Dati sa tapat lang naman ako ng gusali na ito pumepwesto pero ngayon nakapasok na ako sa loob at nakakatuwang isipin ganito pala ito kaganda. Hindi ko inaasahan.

Dinala ako ni Addison sa lugar na maraming damit. Hindi ko mapigilan ang tuwa. Para akong batang ligalig na ligalig sa nakikita.

"Pumili ka lang, Ate Sandra. It's my treat!" Sabi niya saba'y kindat sa akin. Tiningnan ko naman yung mga damit at kumuha ako ng isang dress na kulay bughaw at itinapat sa aking katawan.

"Wow! Ate ang ganda ng taste mo a. Qng ganda naman ng damit na iyan" Nakangiting sabi ni Addison sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya at tiningnan iyong damit.

"You should try it in the fitting room.
Halatang gustong gusto mo iyan" Napalingon naman kami pareho ni Addison sa nagsalita. Halos magwala naman ang puso ko ng makita ko siya.

Napahawak muli ako sa puso ko.

Bakit ba ganito ang puso ko pagnakikita ko siya?

"Kuya? Akala ko nasa school ka? Uyy natutong mag cutting para kay Ate Sandra! Ayieee" Ito nanaman ng panunukso ni Addison kaya namula lang ako.

Ngumiti naman si Kade..

"Wala ee. Tinamad!" Sabi niya tapos tumawa. At sa tawa niyang iyon parang may kumirot sa puso ko pero hindi masakit.

Basta! Kakaiba hindi ko alam kung anung dahilan kung bakit ako ganto!

Naguguluhan ako!

Napatingin siya sa akin.

Parang huminto ang mundo ko at nanghina ang tuhod ko. Josko, Ano ito. Alam kong hindi ito pag hangad sa lasa ng dugo o kung ano man.

"Samahan kita. Isukat mona iyan"

Sabay ngiti na nagpapawala muli sa aking puso.

Vampire PrincessWhere stories live. Discover now